Chapter 64

1 0 0
                                    

Daemon's POV

Napahinga ako ng malalim dahil sa sobrang kaba na nararamdaman ko ngayon. Hindi ako mapakali at pabalik-balik ako ng lakad. Samu't-saring emosyon na ang nararamdaman ko ngayon.

"Hey, bro relax. Nahihilo na ako sayo." sambit ni Ashton na naka-upo sa upuan. Tumigil ako sa paglalakad at tumingin sa kanya.

"I'm relaxed." Sagot ko.

"Relax daw, eh mukha kanang hihimatayin diyan sa itsura mo." Tumawa pa ito.

"Tsk!"

Eto na kasi ang araw ng kaarawan ni Reese. At ito din ang mismong araw na hihingin ko ulit ang kamay niya. Hindi ko mapigilan pero kinakabahan talaga ako. Natural lang naman sigurong kabahan sa ganitong sitwasyon diba? It's my first time.

Mag-asawa na kaming dalawa pero iba parin yung pakiramdam na sa unang pagkakataon ay magpo-propose ako sa kanya. Hindi naman kasi nagawang magpropose sa kanya noon kasi nga, unang-una deal lang talaga Yung nangyareng kasal. Pero ngayon totoong-totoo na.

Mamaya pa naman yung proposal ko sa kanya at mauuna muna ang birthday party niya. Di ko lang talaga maiwasang kabahan at ma-excite ngayon palang.

"Maupo ka nga.." utos niya. Tumingin muna ako sa kanya bago naupo sa bakanting upuan. Napabuga ng hangin para ilabas ang kabang nararamdaman ko.

"Oh tayo na diyan, nandito na daw sila." Sabi niya at tumayo. Sinamaan ko naman ito ng tingin. Pina-upo pa talaga ako.

Nauna na kasi kaming pumunta dito sa resort at pinasunod nalang namin sila. Magkasama ngayon sina Reese, ang parents niya, si Skye at si Mary na pupunta dito. Sila Theo at Mino naman ay susunod nalang din daw. May kailangan pa kasi silang asikasuhin. Si Ashton naman ang kasama kung pumunta dito. Sumabay na siya sa akin dahil wala naman daw siyang gagawin.

Mabuti na nga yong nauna na kami dito para siguraduhing okay na talaga ang lahat.

Tumayo ako mula sa kina-uupuan ko. Inayos ko muna ang sarili, huminga ako ng malalim...

Napatingin naman ako kay Ashton ng tapikin niya ako sa balikat. Nakangiti ang loko..

"Ngayon palang, congrats na bro. Nagsimula lang sa isang deal, ngayon totohanan na. I'm happy for you.." sabi niya sabay yakap sa akin.

"I think I'm going to cry..." Sambit nito habang nakayakap parin sa akin.

Mabilis ko itong tinulak palayo sa akin. "Baliw.. pero thank you." Thankful pa din naman ako kahit papano lagi silang nandiyan sa tuwing may problema ako. Kahit puro kalokohan lang ang alam nilang gawin.

Hindi naman siguro kami magiging ganito ka solid kung palagi nalang seryoso. Dapat may halong kalokohan din para maging pantay ang pagiging magkaibigan namin.

"Basta flower boy ako sa kasal mo ah." Tumawa ito.

"G*go! Lumabas na nga tayo.." hinila ko ito at pina-una ng palabasin.

Naglakad kami patungo sa entrance nitong resort para abangan ang pagdating nila. Wala pang isang minuto na nakatayo kami doon ay dumating na ang sasakyang sinasakyan nila. Pumasok na ito sa loob ng resort at pumarada.

Lumapit naman ako sa sasakyan ng bumukas ito at bumaba si Reese habang karga-karga ang anak naming si Skye.

"Dada..." Tawag niya sa akin ng makita ako. Kinuha ko siya mula kay Reese.

"Ohh.. my baby boy is getting heavier." Sambit ko. Napunta naman ang atensyon ko kay Reese. "Kamusta ang byahi?" tanong ko.

"Good..." Inililibot niya ang paningin sa buong paligid.

Be my Wife for 365 daysWhere stories live. Discover now