Daemon's POV
"I am the master pokemon trainor, AshTon.." sabay wagayway ng suot niyang kapa. Narinig ko naman ang paghagik-hik ng tawa ng dalawang nasa tabi ko.
Babawiin ko na ang sinabi ko kanina. Sana pala kumuha nalang ako ng reservation sa isang restaurant.
Napatampal ako sa noo ko at napatayo.
"What the h*ll is he doing?" Bulong ko sa dalawa na nagpipigil parin ng tawa.
"Ahh--- he said for entertainment purposes only." Tumatawang sagot ni Mino.
"Let me show you some magic." Ashton
Napapikit ako dahil sa nararamdamang stress. Nagsisisi na tuloy ako na sa kanila ko pina-ubaya to. Tudo puri pa naman ako sa ginawang effort nila kanina pero may kasama palang kalokohan. Di talaga maaasahan pagdating sa matinong bagay.
Stress akong bumalik sa pagkaka-upo. I look at Reese na nakatingin lang din sa pinagagawa ni Ashton sa harapan.
"Habang nag-eenjoy kayo sa aming talent portion. Here's the menu.." Mino. Binigyan niya kami ng menu book. Binuksan ko ito....
Parang gusto kung itapon at sunugin tong menu book.
"May paganito pa isang menu lang naman ang nakalagay." Nagpipigil ng inis na sabi ko. Naka font pa ang pagkasulat. Mapapamura ka nalang talaga.
"Ahh--- do you want to eat somewhere else?" nahihiyang tanong ko kay Reese. Di ko naman akalain na magiging ganito ang kalalabasan.
Ibang-iba sa naiisip ko na romantic date. Kaya nga dito ko naisipan gawin ang date namin para ma solo si Reese.
"I'm fine, it's fun here." Sagot niya.
I sighed.
Binalik ko ang gawa-gawa nilang menu book. Ang laki-laki pero isa lang nakasulat.
"Please excuse us.. ire-ready lang namin ang magiging dinner niyo." Theo na di parin mapigil sa kakatawa.
Napayuko ako at napahilot sa batok ko. Bigla yatang tumaas ang blood pressure ko dahil sa kalokohan nilang tatlo.
"Sorry for this mess.. di ko naman akalain na magiging ganito---" sabi ko habang nakatingin kay Reese.
"Okay lang." Tipid na sagot niya.
"What do you think about my magic?" Ashton. Makatanong akala mo ang daming audience na nanunood eh.
"Now I'm going to sing a song for our beloved couple. So sit back and relax.." napabuntong-hininga nalang ako. Nagulat pa ako ng may lumabas na tatlong lalaki. Yung dalawa may hawak na gitara habang ang isa naman ay may bitbit na isang drum.
Wala na talagang pag-asa. Sira na yung date ko!
"Umiiyak.. gabi-gabi, walang tinig na naririnig.. nakikipaglaban sa digmaan.. na talunan.. hanggang kailan.. talo na, pagod na... Akala ko ika'y sakin pa.. pero hindi na pala... Wala na nga ba talaga......" Napatakip ako ng mukha ng magsimula na itong kumanta. Gusto kong maiyak sa mga nangyayare ngayon pero di ko mapigilang magalit at mapatawa at the same time.
"Gusto ko ng bumitawwwww......" Napakagat ako sa ibabang labi ko habang pinipigilan ang sariling tumawa.
"Ngunit ayaw pa ng puso..... Gusto ko ng bumitawwwww.... Bumitawwwwwwwww..... Bumittaaaaaawwww...." Wala na nga sa tamang lyrics. Wala pa sa tono ang boses... Mas may boses pa yung nagtitinda ng balut sa kalye kesa dito kay Ashton. Sumabay pa yung tatlong lalaki na kasama niya na wala din sa tono yung tugtug na ginagawa nila. May banda na may back-up singer pa. T*nginang kalokohan yan!!! Bw*sit!!!!
"Um.. I think there's something wrong with the mic---" Reese. Doon na ako natawa ng tuluyan. Halos sumakit yung t'yan ko sa katatawa.
"There's nothing wrong with the mic--- yung boses niya ang may sira." Napahinga ako ng malalim para pigilan ang sarili na wag ng matawa.
Tumayo ako at inusog ang upuan ko sa tabi ni Reese. Napatingin pa ito sa akin. Kinuha ko ang kamay niya at hinawakan.
"I'm really sorry for this mess--- nakalimutan kong puro kalokohan lang pala ang alam ng mga kaibigan ko." Sabi ko.
"Wala namang problema sakin.. ang totoo nga niyan nag-eenjoy ako. Kahit na masakit sa tenga ang boses niya." sagot niya at muling ngumiti. Mukhang di na rin masama. At least I saw her smile.
Muli kaming napatingin sa harapan ng biglang mamatay ang ilaw. Ilang segundo ang lumipas ng bumalik ito. Gulat naman akong napatingin sa tatlong lalaki na nakatayo sa gitna. It was Mino, Theo and Ashton. Ano na namang kalokohan ang gagawin nilang tatlo?
Napatakip naman ako ng bibig ko ng magsimula ang music at nagsimula na rin silang sumayaw na tatlo.
~Oh, wait 'til I do what I do
Hit you with that ddu-du ddu-du du
Ah yeah, ah yeah
Hit you with that ddu-du ddu-du du
Ah yeah, ah yeah
Du-du du-du-du-du-du-du~Hindi ko na napigilan pa at tumawa ng todo dahil sa mga pakulong pinag-gagawa nila. Pagdating talaga sa kolokohan ay napakataba ng mga utak nila.
"Wow.. ang galing palang sumayaw ng mga kaibigan mo. Why don't you dance with them." wika ni Reese.
"No way..."
Nanlaki naman ang mga mata ko ng lumapit sa akin ang tatlo habang sumasayaw. Hinawakan nila ang magkabila kung kamay at hinila patayo. Kahit anong higpit ang pagkakapit ko ay wala akong nagawa.
Nakatayo ako dito sa gitna na parang tanga. Habang wala naman sa tamang choreo ang pinagsasayaw nilang tatlo.
Napatingin naman ako kay Reese na nakangiti sa akin habang naka-upo sa may table namin.
"Come on bro, let's dance... Hit yahh with that ddu-du- ddu-du-du..." Ashton.
"Ano ba tong kalokohang pinag-gagawa niyo?" Irita, inis na sabi ko. Tumawa lang silang tatlo at gumiling pa sa harap ko. Halata namang naka-inom na yung dalawa.. Theo at Mino .. pero itong si Ashton. Kahit hindi naka-inom alam kung may sira na talaga to sa ulo.
Hindi pa natapos ang sayaw nila ay nahihiyang bumalik ako sa upuan ko at naupo.
"They're too funny.. lalo kana.." sabi niya at bahagya pang natawa.
Kinuha ko ang kamay niya at tumayo na kinataka nito.
"Let's get out of here." Hinila ko siya patayo at umalis.
"Saan tayo pupunta?" Takang tanong niya habang nakasunod sa akin.
"Somewhere else na walang mga pasaway at istorbo... Just the two of us." sagot ko at ngumiti dito.
Sumakay na kaming dalawa ng sasakyan at pinaandar ito at umalis. Naisipan kong dumaan muna sa drive thru ng isang fast-food chain para bumili ng makakain namin. Pagkatapos ay nagmaneho na ulit ako.
"Where are we going?" tanong niya. Napangiti naman ako.
"I don't know--- kong saan tayo dadalhin ng sasakyan na to." sagot ko.

YOU ARE READING
Be my Wife for 365 days
AcakDaemon Salvatore a kind of man that doesn't want to settle down until he achieve his goal and dream to be a successful businessman on his own. And that his first priority. At dahil dun naghiwalay sila ng longtime girlfriend niya na si Morreen. Pero...