Chapter 62

3 0 0
                                    

Daemon's POV

"Daemon. Hoy!"

"Huh!?"

"Kanina kapa namin kinaka-usap pero nakatulala ka d'yan. Mukhang malalim ata ang iniisip mo." Sabi ni Theo.

"Oo nga.. nandito ka pero lumilipad naman yang isip mo." Segunda naman ni Mino.

"Naku.. alam ko na kung bakit yan nagkakaganyan." Singit naman ni Ashton.

Magkakasama na kaming apat ngayon. Si Theo kaka-balik lang galing probinsya. Si Mino naman galing sa trabaho, si Ashton? Ewan ko ba kung saan galing yan!?

Nagkayayaan kasi na uminom kaya nandito kami ngayon sa bar ni Theo.

"Bakit?" Theo/ Mino. Nagsabay pa talaga silang dalawa.

"Nag-iisip yan kung paano magpo-propose kay Reese." Ashton. Tama ang sinabi niya.

Ang totoo niyan ilang araw ko na rin itong pinag-iisipan. Nagresearch ako, nanood ng mga videos about sa ibang lalaki na po-propose sa mga kasintahan nila. Pero wala talaga akong maisip. I want it to be unique yung wala pang nakagawa, but also, I want it to be special.

"Talaga? Wow, bro congrats." Mino. Lumapit siya sa akin sabay tapik sa balikat ko.

"Bakit hindi nalang kayo magtravel tapos doon ka magpropose." Theo suggested.

Naisip ko na rin yan. Pero ang gusto ko ay nandun ang lahat ng pamilya namin, mga kaibigan para maging saksi sa napaka-espesyal na araw na yon.

"I want to do it here. Kasama ang mga pamilya at kaibigan namin." Sabi ko.

"Oh.. how sweet... Isasama mo talaga kami." Ashton

"Maliban sayo siguro." Sabi ko. Sumimangot naman ang mukha niya.

"How about sa beach? Tapos may sunset, napaka ganda nun." Mino.

Mabilis naman akong napa-iling.

"I've read that sunset represent the end of something, a day or a person's life. The meaning is a little bit dark.. ayaw ko naman na ganun."

"Naniniwala ka talaga d'yan? Marami na akong nakitang nagpropose sa beach na my sunset---" Mino

"Anong nangyare sa kanila?" Tanong naman si Ashton sa kanya at hindi na ito pinatapos sa pagsasalita.

"Ahh-- yon lang ang hindi ko alam." Sagot niya at alanganing natawa.

"Mag mountain climbing nalang kayo tapos doon ka sa tuktuk ng bundok magpropose." Ashton.

"Yan na yata ang pinaka walang kwentang suggestion na narinig ko." Sagot ko naman sa kanya.

"Ouch! Nakaka-hurt kana talaga ng feeling. Tsaka, madami na ang gumagawa ng ganung proposal." sabi niya.

"Tutal ikaw naman ang naka-isip bakit hindi ka nalang mauna sa pag-akyat ng bundok.. tapos wag ka ng bumaba." Sabi ko.

"To naman nag suggest lang eh." Sumimangot pa ito.

"Tumahimik ka nalang kasi puro ka kalokohan eh." Suway ni Theo sa kanya.

"Sa ilalim kaya ng dagat? Mas unique yon panigurado." Theo. Isa pa to eh.

"Tama... pati mga isda sa dagat magiging saksi sa pagmamahalan niyong dalawa." Pag-sang ayon naman ni Ashton.

"Bakit hindi nalang sa gitna ng kagubatan? Nature theme.. si Daemon ang magiging Tarzan, tas si Reese naman ay si Jane. Si Ashton ang magiging unggoy." Mino sabay tawa.

"G*go! Sky diving nalang kaya----" Ashton.

"Pwede din... tas tatalon ka ng walang parachute para sa langit ang bagsak mo." Theo

Be my Wife for 365 daysWhere stories live. Discover now