Daemon's POV
"I'm so excited." Ashton. Ngayong araw na kasi ang punta namin sa probinsya nila Theo. Masaya ako dahil pumayag si Reese na sumama.
Pero biglang nawala ng dahil kay Ashton.
"May sasakyan ka naman ah bakit sa amin kapa sasabay?" tanong ko dito.
"Ang boring naman kong ako lang mag-isa. Wala akong maka-usap, masaya kapag marami diba Reese? Okay lang naman na makisabay ako sa inyo diba? Tutal isang lugar lang naman ang pupuntahan natin." Humarap ito kay Reese na nakangiti.
"Oo naman.." sagot naman ni Reese sa kanya.
Wala na akong nagawa kundi ang pumayag.
"Ohh.." inabot ko sa kanya ang susi ng sasakyan ko. "Gusto mong makisabay, edi ikaw ang mag drive ngayon." Dugtong ko.
Binuksan ko ang passenger seat para kay Reese. Pumasok na ito sa loob na sinundan ko naman.
"Aishh! Bat d'yan ka umupo?" Reklamo nito.
Hindi na ako nagsalita pa. Kinuha ko ang kamay ni Reese at pinagsalikop ang palad naming dalawa.
"Haistt! Okay na to kaysa mag-isa ako." rinig ko pang sabi niya. Pumasok na din ito sa loob ng sasakyan at pinaandar ang makina at nagsimula ng magmaneho.
"Hindi ka ba mahihilo? Medyo mahaba-haba ang magiging byahe natin?" tanong ko kay Reese.
Umiling lang ito at ngumiti sa akin. Pinagmasdan ko ang kamay naming magkahawak. Dinala ko ito sa bibig ko at hinalikan ang kamay niya.
"Are you worried about Skye?" sunod kong tanong. Tahimik lang kasi ito simula nung umalis kami. Muli itong umiling
"Ngayon lang kasi ako malalayo sa kanya. Pero alam ko naman na hindi siya pababayaan doon sa bahay." sabi niya.
"Bakit kasi hindi niyo sinama?" Singit naman ni Ashton.
"Ikaw magbabantay?" tanong ko dito.
"Bakit ako magbabantay eh anak mo yon---- ah alam ko na kong bakit hindi mo sinama si Skye---" napatingin naman ako sa front view mirror nitong sasakyan. Nakangisi yung loko sa akin.
"Tumahimik ka nga d'yan." sabi ko.
"Sus.. kunwari kapa eh gusto ko lang ma-solo si Reese. Don't worry hindi kita bibigyan ng pagkakataon---"
"Pwede bang magdrive ka nalang." Putol ko sa sasabihin niya. Tumawa naman ito.
Eto na nga ba ang sinasabi ko eh. Hindi magandang idea na isabay siya.
Ilang minuto ang lumipas ay tumahimik din ito at nag-focus nalang sa pagmamaneho.
Napatingin naman ako kay Reese na nakatingin sa screen ng cellphone niya.
"Sinong tine-text mo?" tanong ko na medyo kinagulat ko. Agad naman niyang pinatay ang hawak na cellphone.
"Wa-wala.. I'm just checking on Skye." sagot niya.
"Don't worry about him okay." tumango lang ito at tipid na ngumiti sa akin.
"Bro, pwede bang dumaan muna tayong convenient store? Nagugutom kasi ako." Ashton. Pero bago pa ako makasagot ay agad nitong tinigil ang sasakyan sa harap ng isang convenient store.
"Do you want anything? Food, drinks, condo----" agad kung sinipa ang likod ng upuan niya para tumigil ito. Ngumiti lang naman ang g*go!
Binuksan na nito ang pinto ng sasakyan at bumababa na. Napatingin naman ako ng lumapit ito sa gilid ng bintana kung saan ako naka-upo. Kumatok ito dito.
YOU ARE READING
Be my Wife for 365 days
De TodoDaemon Salvatore a kind of man that doesn't want to settle down until he achieve his goal and dream to be a successful businessman on his own. And that his first priority. At dahil dun naghiwalay sila ng longtime girlfriend niya na si Morreen. Pero...