Chapter 40

1 0 0
                                    

• Reese POV •

"Oh my god! It's him!"

Napatayo ako mula sa pagkaka-upo ng alalahanin ko lahat ng nangyare five years ago. Napahawak ako sa ulo ko habang hindi makapaniwala sa nalaman. It's him.... I'm very sure that's him.

Hindi ako mapakali habang iniisip ang posibilidad na ang lalaking naka one-night-stand ko at si Daemon ay iisa. The picture that Ashton shared five years ago. Sa kaparehong resort na pinuntahan namin. The anchor tattoo on his middle finger and now the tattoo I saw on his back... is exactly the tattoo I saw on that man's back. Napakagat ako sa ibabang labi ko at muling napa-upo. Itinakip ko ang dalawang palad sa sariling mukha at napapikit. I have mixed emotions right now.

I really can't believe na nakaka-usap, nakakasama ko na pala ang taong yon. Ang totoong ama ni Skye.

Now I'm sure that Mino is lying to me. Nagawa pa talaga niyang magsinungaling sa akin para lang makuha ang gusto niya. Napahinga naman ako ng malalim at napatingin kay Skye na mahimbing na natutulog sa kama. Tumayo ako at lumapit.. umupo ako sa gilid ng kama at pinagmasdan ito. Hinaplos ko ang buhok nito at napangiti.

"He is your real father." Sambit ko. Sobra-sobrang saya ang nararamdaman ko ngayon. Knowing that the person I love is the real father of my son. Kaya pala ganun nalang kadaling makagaanan ng loob ni Skye si Daemon dahil siya pala ang totoong ama nito. They have what they called 'lukso ng dugo'.

Masaya ako na si Daemon ang totoo niyang ama at hindi ibang lalaki. Ang galing talaga gumawa ng tadhana ng paraan para magkita at magsama kaming muli. To give me a happy and perfect family.

Napatayo ako mula sa pagkaka-upo sa kama at bumalik sa couch para kunin ang cellphone ko. I can't wait to tell him the truth.

I dialed his number. Wala pang ilang segundo ang lumipas ay agad niya itong sinagot. Abot tengang ngumiti ako ng marinig ko ang boses niya sa kabilang linya.

"Hello baby, miss me already?" He said.

"Yeah. I miss you so much that I can't wait for you to go home." sagot ko.

"Don't worry I'll be home soon and I miss you so much. You and Skye." Hindi mawala-wala yong ngiti ko habang kausap ko ito.

Hindi ko muna sinabi sa kanya ang nalaman ko dahil gusto kong sabihin sa kanya ng personal. At gusto kong makita ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niya ang totoo.

Pagkatapos naming mag-usap, dalawang minuto ang lumipas ay biglang tumunog ulit ang cellphone ko. Kinuha ko ito at tiningnan.

Si papa ang tumatawag. Agad ko naman itong sinagot.

"Hello pa?"

"I need to tell you something.... can we talk in person." Nagtaka naman ako dahil sa tunog ng boses niya. Sobrang seryoso nito.

"Now?" Tanong ko.

"Yes."

"Can we talk tomorrow? Natutulog kasi si Skye ngayon at walang magbabantay." Sabi ko at napatingin kay Skye na mahimbing paring natutulog sa kama.

"I can't wait for tomorrow, I need to talk to you now!" Ganun ba ka importanti ang sasabihin niya at kailangan niya akong maka-usap ngayon.

I sighed.

"Sige Po.." sabi ko. Pinatay ko na ang tawag at nilapitan si Skye. Mahimbing parin ang tulog niya. Ayaw ko naman siyang gisingin dahil masisira ang tulog niya. Makiki-usap nalang siguro ako kay aling Susan na bantayan si Skye. Isa siya sa mga kasambahay dito sa mansion. Mabait naman ito at mahilig sa mga bata kaya hindi ko kailangang mag-alala para kay Skye kapag iniwan ko siya ngayon.

Be my Wife for 365 daysWhere stories live. Discover now