Daemon's POV
Tiningnan ko ang hawak na cellphone kong may reply ba mula kay Reese. Kanina ko pa kasi siya tinatawagan at tinext pero hindi niya sinasagot. Nag-aalala na ako para sa kanya. Gusto ko siyang hanapin pero hindi ko maiwan-iwan si Skye na nag-iisa dito sa condo.
Ano na kaya ang nangyare sa kanya at hanggang ngayon hindi pa rin ito umuuwi?
Tinawagan ko na rin si Mary para itanong kong alam ba niya kung saan pumunta si Reese. Ang sabi lang niya ay umalis ito ng maaga sa café.
Napatingin ako kay Skye na natutulog. Hinaplos ko ang pisnge nito at inayos ang kumot. Tumayo ako mula sa pagkaka-upo sa kama at dahan-dahang lumabas ng kwarto.
Lalabas muna ako kahit saglit lang para abangan si Reese. Nagtungo ako sa pinto at balak na sana itong buksan ng bumukas ito. Bumungad sa akin ang mukha ni Reese.
"Reese where have you been?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya.
"Ahh.. may pinuntahan lang ako." Sagot niya sa mahinang boses. Napatingin naman ako sa mukha niya at sa mga mata nitong namumula na para bang kagagaling lang ng iyak.
"Are you okay?" Tanong ko ng makapasok ito sa loob. Sinundan ko ito ng tingin.
"Oo naman" sagot niya na hindi tumitingin sa akin.
Pumasok ito ng kusina at agad ding bumalik.
"Umuwi na si nanay Fely, kakahintay sayo. Pinilit ko siyang dito na muna magstay pero ayaw niya. Si Skye naman nakatulog na, pinaliguan ko siya at pinakain." Tumingin siya sa akin at ngumiti. Pero mukhang pilit ang ngiting pinapakita niya sakin.
May problema ba siya?
"Salamat. Sige magpapahinga na muna ako."
"Hindi ka kakain?" Tanong ko. Napatigil ito sa pagpasok sa loob ng kwarto. Tumingin siya sa akin at umiling.
"Wala akong gana---"
"If you have a problem you can tell me." I said. Tumango lang ito at tuluyan na siyang pumasok sa loob.
Ilang sandali pa akong nakatayo lang habang nakatingin sa may pintuan.
I sighed.
Naglakad ako papunta sa couch at pabagsak na naupo. Muli akong napabuntong-hininga.
Ramdam ko na may problema siya at ayaw niya lang ipaalam sa akin. Halata naman sa mukha at kinikilos niya kani-kanina lang.
I want to know what's bothering her. I want to help her.
Napahiga ako at napatingin sa kisame. Ilang oras ang nakalipas ay hindi parin ako makatulog. Paikot-ikot lang ako dito sa couch. Hindi ako mapakali. Bumangon ako at nagtungo sa kitchen. Binuksan ko ang ref at kumuha ng isang bote ng beer. Binuksan ko ito at babalik na sana sa couch ng paglingon ko ang mukha ni Reese ang nabungaran ko. Medyo nagulat pa ako.
"Reese..." Napatingin siya sa hawak kong bote ng beer.
"Pampatulog lang ..." Sambit ko. Napatingin naman ako sa suot niyang pantulog.
D*MN! She looks so hot in that sleepwear.
"Can I have." Hindi ko na nagawang sumagot pa ng kunin niya sa kamay ko ang bote at tinungga ito.
Di makapaniwalang napatingin ako sa kanya.
"H---hey.. dahan-dahan lang.." wika ko ng hindi niya pa ito binibitawan at mukhang uubusin sa isang lagok lang.
Binaba niya ang bote na kalahati nalang ang natitira. Dinaluhan at hinaplos ko ang likod niya ng mapa-ubo ito.
"Are you okay?"

YOU ARE READING
Be my Wife for 365 days
De TodoDaemon Salvatore a kind of man that doesn't want to settle down until he achieve his goal and dream to be a successful businessman on his own. And that his first priority. At dahil dun naghiwalay sila ng longtime girlfriend niya na si Morreen. Pero...