Chapter 65

3 0 0
                                    

Daemon's POV

Pagkatapos ng lahat ng pag-subok na pinagdaanan namin ni Reese, ay mas naging matatag kami. Mas tumatag ang aming pagsasama, ang pag-mamahalan sa isa't-isa at mas nagkaroon ng tiwala sa isa't-isa.

Siguro nga tama ang kasabihan na lahat ng nangyayare sa atin ay may dahilan. Lahat ng hirap at pasakit na naranasan namin ay may maganda namang kapalit. At yun ay ang magkasama parin kami hanggang sa huli.

Ang dami kung natutunan sa mga nangyari, hindi lang ako kundi pati na rin ang mga taong nakapaligid sa amin. Si Lolo, masaya ako dahil sa wakas ay hinahayaan na niya kaming mga apo niya sa mga bagay na gusto naming gawin sa mga buhay namin.

Si mom, mas nakikita ko na ang totoong kasiyahan sa kanya ngayon. Hindi kagaya dati na palagi nalang siyang malungkot, sunud-sunuran din sa gusto ni Lolo noong mamatay si dad. But now she's happy and she's enjoying the things she really wanted.

Tito Simon, I can call him dad now. Pinatawad niya ako sa isang bagay na ginawa ko. Sa totoo lang hindi ko akalain na mapapatawad niya ako ng ganun kadali. Alam ko naman sa sarili ko na walang kapatawaran ang ginawa ko noon. Pero mas pinili niyang kalimutan ang nangyare at patawarin ako. Pinagkatiwala pa niya si Reese sa akin. Masaya ako dahil tinanggap nila ako bilang bahagi na ng kanilang pamilya. Bilang kapalit sa lahat ng kabutihang pinakita nila sa akin ay pinapangako ko na aalagaan ko si Reese, si Skye, mamahalin ko silang dalawa ng higit pa sa buhay ko.

"Bro, are you ready?" I look at Ashton. Abot tenga ang ngiti nito sa akin.

"If you're not ready, I'm here for replacement." Mino teased me.

"Finally, talaga namang hindi natin malalaman ang magiging takbo ng mga buhay natin. Dati-dati lang ayaw mong magpakasal at magkaroon ng pamilya hangga't hindi mo naabot lahat ng gusto mo. But now, look at you... I'm really proud of you bro." Theo.

Well, sino ba naman ang makakalimot sa tatlong to? Sa lahat ng mga nangyare sa akin lagi silang nandiyan, kasa-kasama ko mapa-seryoso man o kalokohan.

Mabigat man sa loob ko but I'm really thankful to have them as my friends, my brothers.

Napahinga ako ng malalim. Kinuha ko ang suit at sinuot ito.

"Wala na tong atrasan." Ashton

Umiling ako. "Wala na... I'm ready to marry the girl I love and to spent my whole life with."

After five months pagkatapos ng proposal ko ay agad kung inasikaso ang kasal naming dalawa ni Reese. I want to give her the best wedding, and a real wedding.

"Let's go." sabi nilang tatlo habang nag-aantay na sa pintuan nitong hotel kung saan kami nag-stay.

Muli kung tiningnan ang sarili sa salamin. I smiled.. naglakad ako at sumunod ng lumabas.

Pagkarating sa simbahan ay agad akong sinalubong ng yakap ni mom at ni Lolo. Nandito silang lahat para saksihan ang pag-iisang dibdib naming dalawa ni Reese.

"No words can describe how happy I am today." Mom. Ngumiti ako at niyakap siyang muli, Isang mahigpit na yakap.

"Thank you, mom. Thank you for everything." Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at hinalikan ito sa kanyang noo.

Nabaling naman ang tingin ko kay lolo ng tapikin niya ako sa balikat. Humarap ako sa kanya.

"Well, seeing you getting married and having a family..." Ngumiti ito. "I'm so proud of you Daemon and if your dad is here, he will be so proud of you. You're becoming a real man now."

"Thank you Po Lolo, kayo din naman Po ang dahilan kung bakit nandito ako ngayon. Kung bakit nakilala ko si Reese, kung hindi niyo ko pinilit sa mga bagay na ayaw ko baka katulad parin ako ng dati.. na sa trabaho lang umiikot ang buhay. Hindi ko sana matatagpuan ang babaeng gusto kong makasama habang buhay."

Totoo naman kasi kung hindi dahil kay lolo, kung hindi niya ako pinilit na magpakasal sa sino mang babae na gusto niya para sa akin ay hindi ko sana pinasok ang deal na namagitan sa aming dalawa ni Reese. Hindi ko sana malalaman na may anak kaming dalawa. Kung iisiping mabuti may magandang dulot din sa akin ang ginawang pamimilit ni Lolo.

----

I was standing at the end of the aisle, waiting for my wife. Kinakabahan ako na hindi ko maunawaan kung saan nanggagaling. Nag-uumapaw ang kasiyahang nararamdaman ko ngayon lalo na ng makita si Reese. She was wearing a white wedding gown, at sobrang ganda niya habang suot-suot ito. Siya na yata ang pinaka-magandang babae sa buong mundo. It's happening now, I'm marrying the woman I love. Isang totoong kasal pagitan sa dalawang taong lubos na nagmamahalan.

Samu't-saring emosyon ang nararamdaman ko ngayon at nangingibabaw doon ang labis na kasiyahan. Isang matamis na ngiti ang pinakawalan ko habang pinag-mamasdan si Reese na naglalakad palapit sa akin kasama ang kanyang mga magulang.

Humakbang ako palapit sa kanya ng makarating ito sa aisle.

"Congratulation." Her dad. Nakipag-shakehands ako sa kanya at humalik naman ako sa pisnge ng mama niya.

Sinukbit naman ni Reese ang kamay niya sa braso ko.

"You're so beautiful." Sambit ko na kinangiti naman niya.

"You're handsome." She said back.

Humakbang na kami patungo sa dambana. And the priest says a few introductory words to the congregation and the ceremony begins.

Habang ginagawa ng pari ang kanyang seremonya ay hindi naman maalis ang mga tingin ko kay Reese. Siguro mga ilang beses ko na rin itong nasabi sa sarili ko at paulit-ulit ko itong sasabihin. Napaka-swerte ko dahil nakilala ko siya, dahil naging bahagi siya ng buhay ko. Naging Ina ng anak ko at magiging mga anak ko pa. Napaka-swerte ko dahil siya ang babaeng papakasalan ko, ang masilayan ang kanyang mukha sa pagpikit ko sa gabi. Sa paggising ko sa umaga ang kanyang mukha ang una kong makikita. Ang titira kami sa iisang bahay ng magkasama bilang isang tunay na mag-asawa, napakasarap sa pakiramdam.

Kung ano ang nararamdaman ko noong una kaming magkasama ay mas dumoble ngayon. Ibang-iba sa pakiramdam, ang pakasalan siya simbahan, at magiging saksi doon ang mga pamilya at kaibigan namin. Isa ito sa pinaka-masarap na pakiramdam na naramdaman ko.

Bigla naman akong napangiti ng maisip ang magiging honeymoon namin. Na-excite tuloy ako, simula kasi nong maaksidenti si Reese at mawala lahat ng alaala niya eh nahirapan akong mapalapit sa kanya dahil nga sa pagtrato niya sa akin. Pero naiintindihan ko naman siya at willing akong maghintay at eto na rin ang tamang panahon para dun. Napangisi ako ng wala sa sarili.

Nabalik lang ang diwa ko ng bahagya akong sagiin sa braso gamit ang braso ni Reese.

I look at her na para bang nagtatanong. Ngumuso ito na taka ko namang tiningnan ang nginuso niya. Napatingin ako sa microphone na nasa harapan ko.

Saglit akong napakurap at binalik ang tingin kay Reese. She was smiling at me.

Binalik ko ang tingin sa harapan. "I do" mabilis kong sagot.

Nagtataka naman akong napatingin kay father ng bahagya itong natawa. Pati na rin ang mga tao dito sa loob ng simbahan ay nagsitawanan na.

"Bro, mamaya pa ang honeymoon mag-focus ka muna." rinig kung sigaw ni Ashton. Kaya mas lalong lumakas ang mga tawanan nila.

"The priest had no any questions yet. He was about to ask the three questions, pero parang lumilipad yang isip mo. Ano bang iniisip mo at iba yung ngiti mo?" Bulong ni Reese sa akin.

Nahihiya akong umiling at napakamot sa batok ko. Humarap ako kay father.

"Sorry po, father, excited lang Po talaga ako na maging asawa tong napakagandang babae na nasa tabi ko." Sabi ko.

"Kunwari kapa eh---" nilingon ko si Ashton at sinamaan ng tingin. Nagtawanan naman silang tatlo sa akin.

Hanggang sa kasal ko ba naman hindi ako titigilan ng tatlong to?! Dapat talaga hindi na sila invited eh!

"Okay, let's proceed." The priest proceeded and the ceremony had done... We said our vows and we exchanges rings. And now we are waiting for the declaration that we are finally husband and wife.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 24 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Be my Wife for 365 daysWhere stories live. Discover now