Chapter 38

2 0 0
                                    

• Reese POV •

"Mimi where is dada?" Napatingin ako kay Skye. Umakyat ito sa sofa at gumapang palapit sa akin at naupo sa lap ko. Napaayos naman ako ng upo at hinawakan ito.

"He is working baby." Pinisil ko ang magkabilang pisnge niya ng sumimangot ito.

"But I want to play with him." Napangiti naman ako. Ni hindi na nga makaalis si Daemon kanina para pumunta ng opisina dahil ayaw umalis ni Skye habang karga-karga niya ito. Talagang napapalapit na siya ng husto kay Daemon.

"Play with him later when he's home, okay." Hinaplos ko ang pisnge niya. "But for now, tayo nalang munang dalawa ang maglaro.. you like that?" I kissed his both cheeks at kiniliti ito. Tumawa naman ito ng tumawa.

Sinamahan ko muna itong maglaro ng kung ano-anu hanggang sa mapagod ito at nakatulog. Tumayo ako at binuhat ito, naglakad ako papunta sa kama at inihiga siya doon. Kinumutan ko ito bago halikan sa kanyang noo. Pinagmasdan ko muna siya na mahimbing na natutulog bago bumalik sa couch.

Kinuha ko ang cellphone na nasa ibabaw ng table at naupo sa couch. Tumingin lang ako sa socmed account ko. Scroll up and down lang ang ginagawa ko ng may napansin akong isang picture. It was from Ashton's account.

He shared a picture from five years ago. Marami sila at may mga kasama silang hindi ko kakilala maliban sa kanilang apat. Ashton, Theo, Mino and Daemon. Pinagmasdan ko ng mabuti ang kaarawan at sa tingin ko sa isang beach ito kinunan. Dahil na rin sa buhangin na inaapakan nila. And the place looks familiar to me.

I zoom in the picture and there I saw a sign. Seirra Resort..

Biglang kumabog ng husto ang puso ko. Ang sabi ni Mino hindi niya kasama si Daemon ng magpunta siya ng resort at ibang kaibigan ang kasama niya. Pero bakit dito sa picture ay magkasama sila?

Nagsisinungaling siya sa akin! Lahat ba ng sinabi niya ay purong kasinungalingan lang?

Napatingin naman ako sa date kung kelan ito inupload. Two days after naming makarating sa resort. It means nauna kami ng dalawang araw sa kanila? Or he uploaded it late?

Sa naalala ko nag-stay lang kami sa resort ng dalawang araw... I mean me. Dalawang araw lang akong nag-stay doon sa resort dahil nga sa nangyare ay agad akong umuwi. Hindi nga yon umabot ng dalawang araw dahil kinabukasan pagkatapos ng birthday ni Loraine ay agad akong umuwi.

Pinatong ko ang cellphone sa gilid ko. Napahilamos ako ng mukha gamit ang palad. Nakatingala ako at napapikit ng mariin. Ilang segundo akong nasa ganung posisyon ng muli kong imulat ang mga mata.

"Reese, you need to remember everything. Everything from the start." Sabi ko sa sarili at sinimulang alalahanin ang lahat bago ang nangyare sa resort.

-----flashback-----
5 years ago

"Ma, pwede Po ba akong sumamang mag outing? Birthday kasi ng kaibigan ko at niyaya niya akong magbeach." Paalam ko kay mama.

"Of course.. pero kailangan mong magpaalam muna sa papa mo." Napasimangot naman ako. Alam ko naman kasi na kahit magpaalam pa ako ay hindi naman ako papayagan ni papa.

"Pwede Po bang ikaw nalang ang magpaalam sakin ma? Kilala niyo naman si papa, kahit magpaalam ako dun hindi niya parin ako papayagan. Tsaka Minsan lang naman to eh. Nagtatampo na nga yung mga kaibigan ko dahil hindi na ako nakakasama sa mga lakad nila." Paglalambing ko sabay yakap sa kanya.

"Fine. Basta magpromise ka na mag-iingat kayo dun at wag gagawa ng isang bagay na pagsisisihan niyo sa bandang huli at wag maglasing."

"I promise... Thank you ma, you're the best talaga." Masayang sabi ko at hinalikan ito sa kanyang pisnge.

Be my Wife for 365 daysWhere stories live. Discover now