Chapter 31

2 0 0
                                    

• Reese POV •

"Sorry talaga ah..." Mary. Hindi ko na mabilang kong ilang beses itong humingi ng sorry sakin.

"Okay lang.. wag mo ng intindihin pa yon. It doesn't matter for me if he is the father. Wala na akong magagawa hindi ko na maibabalik pa ang nangyare noon kahit na hilingin ko pa na sana hindi nalang siya." Sabi ko at napabuntong-hininga.

Wala naman talaga kasi akong magagawa.

"What about Daemon?" Tanong niya. Muli akong napabuntong-hininga.

"Sorry for asking stupid question. Ng dahil tuloy sa sinabi ko nagka-problema ka. Imbis na magsaya tayo ngayon dahil birthday mo." Mary.

"Skye really likes Daemon to be his dad. Ano man ang mangyare si Daemon ang kikilalaning tatay ni Skye... pero----"

"Pero?"

"I don't know--- hindi ko lang talaga maiwasang hindi isipin ang mga ganitong bagay. Paano kong tulad ng iba mapagod din siya.. magbago ang isip niya na hindi niya pala kayang panindigan ang pagiging ama kay Skye?" Nararamdaman at nakikita ko naman kong paano niya tratuhin si Skye na parang tunay niyang anak. Pero may kaunting doubt ako dito sa puso ko. At yon ang pinaka-kinatatakutan ko sa lahat. Ang masaktan ang anak ko.

Okay lang na ako ang masaktan, wag lang si Skye. Dahil hindi ko kakayanin yon lalo na't napamahal na siya kay Daemon.

"Bakit mo naman iniisip ang mga ganyang bagay. Mahal ka ni Daemon.. at sigurado naman na mamahalin din niya si Skye." Mary

"Sana nga... Sana." sabi ko. Napatingin naman ako sa relo ko.

"Kailangan ko ng umuwi." Tumayo ako mula sa pagkaka-upo.

"Agad?"

"Ang paalam ko kasi mabilis lang ako. At nakakahiya naman sa mommy ni Daemon na pagbantayin ko ng matagal kay Skye." Paliwanag ko.

"Sige na nga.. basta ah kailangan nating mag celebrate."

"Sa susunod.." lumabas na kami ng kitchen. Hinatid naman niya ako palabas ng café.

Habang nag-aabang ng taxi ay isang tao ang hindi ko inaasahang makita. Mabilis itong lumapit sa akin. Iiwasan ko na sana ito ng harangan niya ako.

"Reese wait..."

"What do you want?" Deritsong tanong ko sa kanya. It was Mino.

"Can we talk?" Paki-usap nito.

"About what? Kong may gusto kang sabihin, sabihin mo na ngayon dahil nagmamadali ako." Tiningnan ko siya ng deritso sa kanyang mga mata.

Siguro nga ito na ang tamang panahon para magkaalaman na. Para lumabas na ang totoo at hindi na ako mahirapan pa.

"You were there right? At seirra resort five years ago? I remember what happened the night after the party when I got drunk. I woke up in room alone... and naked. And I suspect that the girl I'm with is you. Ikaw yon hindi ba?"

Napahigpit ang kapit ko sa strap ng bag na suot ko. Hindi ako makapagsalita.. parang biglang nanuyo ang lalamunan ko dahil sa pinagsasabi niya.

"Ang sabi ni Mary si Skye ang bunga ng nangyare sa resort. That means Skye is my----"

"No!" mabilis kong sabi.

"Kinalimutan ko na ang nangyare at wala ng karapatan ang sino mang lalaki na nakabuntis sakin para kilalaning anak ang anak ko." Sabi ko at diniinan ang salitang anak.

"I also have the right, he's my son. Anak ko din siya... for five years ni hindi ko alam na may anak pala ako." Pagdidiin niya.

"Pwede ba tumigil kana.. hindi ikaw ang ama ng anak ko at wag mo ng pagpilitan pa ang sarili mo." Sabi ko at humakbang paalis.

Be my Wife for 365 daysWhere stories live. Discover now