Chapter 2

15 0 0
                                    

Daemon's POV

Nasa opisana na ako ngayon habang nakatitig sa screen ng computer. Halos isang oras na akong nakatitig lang dito. Tapos ko naman na kasi lahat ng ginagawa ko dahil maaga pa akong pumasok kanina.

Maaga akong nagising dahil akala ko makakapag-breakfast ako sa paborito kong cafè. Pero bigla kong naalala 'yong sinabi ko sa babae kahapon. Aminin ko man sa hindi pero nakakahiya 'yon. Baka ano pa ang isipin niya tungkol sakin.

Ikaw ba naman sabihan ng ganun. Eh, hindi naman kayo magkakilala.

Hindi tuloy ako nakapagbreakfast at kape.

Napasandal ako sa upuan at napahawak sa tyan ng humilab ito.

Nakasanayan ko na kasing kumain ng breakfast tuwing umaga bago ako pumasok ng trabaho. Nagsimula lang naman 'yon ng matikman ko ang mga tinda nila.

"Damon!" Napatingin ako kay Matt na ka officemate ko.

"Bakit?"

"Pinapatawag ka ng lolo mo sa office niya." Sabi nito.

"Sh*t!" Mahinang sambit ko sa sarili.

Kung hindi tungkol sa trabaho siguradong tungkol na naman ito sa gusto niya. Ang ipakasal ako sa babaing napili niya.

Nagtatrabaho ako dito sa kompanya niya bilang isang empleyado at nasa mababang posisyon.

Hindi naman kasi porket apo ako ng may-ari ay mataas na posisyon na agad ang makukuha ko. Iba si lolo pagdating sa amin, kailangang paghirapan muna namin bago makuha.

I want to be successful before getting married. I want to prioritize my work, before anything else. Gusto kong may marating muna ako bago mag settle down, magkaroon ng pamilya.

Well, Morreen doesn't understand that.

Ayaw kung umasa na porket mayaman ang pamilyang kinalakihan ko ay hindi na ako magtatrabaho. Ayaw kong umasa sa lolo ko, in short ayaw kong umasa sa yaman niya.

Tumayo ako mula sa pagkaka-upo at naglakad papunta sa opisina niya.

Huminga muna ako ng malalim bago kumatok at pumasok sa loob. Nadatnan ko itong may binabasa, siguro mga proposal ng ibang kompanya.

"Pinatawag niyo daw po ako, sir?" Nag-angat ito ng mukha at tumingin sa akin.

"Take a sit." Utos nito.

Lumapit ako sa table niya at naupo sa bakanting upuan kaharap nito.

"Your mother told me that you are going to introduce someone to me? Is that right?" Sabi nito na ang tingin ay sa mga hawak na papel.

Sabi ko na nga ba. Hindi niya talaga ako titigilan hangga't hindi niya nakukuha ang gusto.

"Umm... yes, sir." Sagot ko.

Nag-angat ito ng tingin sa akin.

T*ngina! Saan ngayon ako maghahanap ng babaing ihaharap sa kanya!?

Binaba niya ang mga hawak na papel at tinuon ang buong atensyon sa akin.

"Well, I'm looking forward to that. This coming weekend at the family dinner, I want to meet her. Bring her." Seryosong sabi niya.

"At kapag wala kang naiharap sa akin, you're going to marry the girl I want for you." Dugtong pa nito.

NATAPOS ang pag-uusap namin ni lolo na wala man lang akong nasabi. Ni kahit sino wala pang nananalo sa kanya.

Kailangan kong gumawa ng paraan para tigilan na niya ako. Ayaw kong magaya sa mga pinsan ko na sunod-sunuran sa gusto niya.

Be my Wife for 365 daysWhere stories live. Discover now