Reese POV
"Hey, Reese, are you okay?" Napatingin ako kay Mary ng maupo ito sa upuan kaharap ko.
"Umm... I don't know." Sagot ko sa kanya at bumuntong-hininga.
"Is there something bothering you?" She asked again. She looks worried.
"Remember what I've told you before about Skye's father." Panimula.
"Don't tell me... Alam mo na kong sino siya?" Gulat na sabi niya
Napa-iling ako.
"Then what?"
"About the tattoo na nakita ko sa kamay niya. Anchor tattoo at the side of his middle finger."
"And then..." She said. Naghihintay sa susunod kong sasabihin.
"Nakita ko yon sa kamay ni Mino, the day he treat us for lunch."
"What! Oh my ghad! Are sure, it's the same tattoo na nakita mo sa kamay ng naka one-night-stand mo? Sorry, about the word "
"Yes. That's the second thing I saw when I woke up."
"Baka naman nagkataon lang na may kaparehong tattoo yong naka ano mo... at si Mino. Anchor is a common tattoo design this days. Ang dami ng nagpapa-tattoo ng ganung design." Paliwanag niya.
"What if si Mino nga yon? What if siya ang tatay ni Skye?" Tanong ko.
"Ikaw? Feeling mo ba siya yon?" Tanong niya.
Napabuga ako ng hangin at napa-iling.
"Bukod sa anchor tattoo na nakita mo sa mysterious guy na yon. May iba pa bang palatandaan? Like, nunal? Birthmark? Peklat?"
Saglit akong napa-isip. "Wala eh."
"Bakit kasi hindi mo tiningnan ang mukha niya bago ka umalis. Ayan tuloy namo-mroblema ka ngayon."
"Sa tingin mo naisip ko pang gawin yon? Kaba at takot ang naramdaman ko ng mga panahon na yon. Sa sobrang taranta ko nga baliktad pala yong nasuot kong panti pag-uwi. At isa pa, nakaharang yong braso niya sa kanyang mukha." Muli akong napabuntong-hininga.
Imbis na nakalimutan ko na ang nangyare ay parang kusa itong bumabalik. Hunting me...
Parang sinasadya ng tadhana na makita ko ang tattoo na yon sa kamay ni Mino.
"Bakit hindi mo nalang tanuning si Mino." Mary
"Anong gusto mong itanong ko. Hey, may naka one-night-stand ka ba 5 years ago? Ganun?" Bahagya naman itong natawa.
"Tanuning mo kong nakapunta na ba siya ng sierra resort 5 years ago. Kong saan nangyari yong alam mo na. Mga tanong ni hindi niya mahahalata."
I sighed.
Bakit ko pa kasi pino-problema ang mga ganitong bagay!?
"Ito ah, halimbawa lang.. kong si Mino nga ang ama ni Skye, sasabihin mo ba sa kanya?" Mary
Saglit akong napatingin sa kanya.
Nabuhay kaming dalawa ni Skye na kami lang. Simula nung araw na malaman kong buntis ako at nung pinanganak na si Skye ay hindi na ako umasa pa na makita ang lalaking naka buntis sakin o ang makasama namin siya ng anak ko.
"No. I'd rather not. Okay na kami at hindi na namin siya kailangan." Sagot ko.
"Pero... Alam mo namang lumalaki na si Skye at darating ang panahon na tatanungin ka niya tungkol sa ama niya, diba?"
"Naisip ko na rin ang bagay na yan. And I don't want to lie to him, kapag nasa tamang dead na siya sasabihin ko din naman ang totoo. Sa ngayon sapat ng nandito ako para sa kanya."
"What about Daemon?"
Napakunot ang noo ko. "What about him?"
"Pwede naman siyang maging substitute father ni Skye, diba?"
"Ano yang pinagsasabi mo? Diba nga de----"
"Deal lang ang namamagitan sa inyong dalawa! Alam mo paulit-ulit ka nalang pero iba yong sinasabi mo sa tinitibok niyang puso mo."
"Alam mo hindi kita maintindihan."
"Don't hide it. May mga mata ako at nakikita ko na masaya ka kapag kasama si Daemon. Iba yong ngiti mo, iba yong kinikilos mo. Don't deny it... Ilang taon na tayong magkakilala at araw-araw tayong magkasama sa trabaho. Saulado ko na ang bawat kilos at salita mo kapag ayaw mo sa isang tao. At noong hindi pa kayo magkakilala, lagi kang pumapasok ng maaga, kahit na 9am pa yong pasok mo dahil gusto mong maabutin si Daemon na nagb-breakfast dito. Noon palang iba na yong ngiti mo sa tuwing makita siya. Kaya wala ka ng maitatago pa sakin." Aniya
Hindi naman ako nakapag salita agad dahil sa sinabi niya.
Napahimas ako ng batok. "Maybe you're wrong this time." Sabi ko na hindi makatingin ng deritso sa kanya.
"Maybe not." Napatingin ako sa kanya.
May kakaiba itong ngiti sa kanyang labi. Tumingin siya sa akin at nilipat sa ibang direksyon ang tingin. Sinundan ko naman ang tiningnan niya.
It was Daemon, naglalakad ito papunta dito sa café.
"You know, it's okay to love someone." She said. Tumayo ito and pat my head.
"Hi" tumayo ako sa pagkaka-upo at napatingin kay Daemon na naka ngiti sakin.
"Anong ginagawa mo dito?"
"I came here to see you and...."
"And?"
"Do you want to have dinner with me?"
"Ma--may.. umm.. may gaga----"
"You can go now." Sulpot ni Mary. Hinubad niya yong suot kong apron at binigay sa akin ang bag ko.
Naguguluhan ko itong tiningnan.
"Enjoy your dinner." Ngumiti ito sabay tulak sa akin kay Daemon.
"Let's go" Wala na akong nagawa kundi ang umuo.
"If you want pwede nating isama si Skye." I look at him. Napapasulyap ito sa akin habang nagmamaneho ng sasakyan.
"Wag na.. baka natutulog ito ngayon." Napahawak naman ako sa kamay ko at sa daliring may suot na sing-sing.
This is the ring he gave me when we got married.
Tama si Mary, noon palang, I already admire Daemon. Magdadalawang buwan na simula nong araw na pumunta siya sa café para bumili ng kape. And then I saw him helping an old lady. Siguro doon nagsimulang humanga ako sa kanya, hanggang sa nagtuloy-tuloy na. Na gusto ko pa siyang makilala ng lubusan. At hindi ko naman akalain na darating ang ganitong pagkakataon at mas lalong lumalim ang paghanga ko sa kanya.
"Bagay sayo" nabalik ako sa sarili at napatingin sa kanya.
"Huh?"
"Yong suot mong sing-sing bagay sayo." Pansin niya dito.
Napatingin ako sa sing-sing na nasa daliri ko.
"Edi, hindi ko na ito tatanggalin, forever na itong naka suot sa daliri ko." Sabi ko ngumiti.
"That's right. Wag mong tanggapin dahil malulungkot tong nasa akin. Mawawalan na siya ng partner." Tinaas niya ang kamay at pinakita ang suot ding sing-sing nung kinasal kami.
Napatingin naman ako sa isa pang sing-sing na suot niya sa kanyang middle finger.
It's black and there's a silver lining. It was simple, yet elegant.
"What's with the ring at your middle finger?" Curious kasi ako.
"Ahh... This... my dad gave it to me, as a gift." Sagot niya.
Napatango naman ako sa kanya.
After minutes of driving ay nakarating na din kami sa resto kong saan kami magdi-dinner.
Kumain lang kami and after nun ay inaya na naman niya akong pumunta ng park.
The first day I saw him, until now. I feel so happy.
YOU ARE READING
Be my Wife for 365 days
LosoweDaemon Salvatore a kind of man that doesn't want to settle down until he achieve his goal and dream to be a successful businessman on his own. And that his first priority. At dahil dun naghiwalay sila ng longtime girlfriend niya na si Morreen. Pero...