• Reese POV •
"Sa totoo lang hindi parin talaga ako mapakapaniwala nung sinabi mo sa akin sa text ang tungkol sa totoong nangyare sa inyo ng kapatid mo. At iisa lang pala ang taong nambato sa inyo at si Daemon. And Daemon is also the real father of Skye.. grabe. Iba talaga kapag tadhana na ang gumawa ng paraan para magtagpo kayo." Mary. Nandito ako ngayon sa café. Pinaalis ko muna si Daemon bago umalis din ng bahay. Ayaw ko naman na magkulong lang sa kwarto ko buong araw.
I need someone to talk na hindi involve sa problemang kinakaharap ko ngayon.
"So, kamusta kayo ngayon? Pagkatapos ng pag-uusap niyong dalawa?" Naupo ito sa bakanting upuan kaharap ko.
I sighed.
"I don't know. Hindi naman kasi ganun kadaling kalimutan ang nangyare." Hinawakan ko ang tinidor at sinimulang kainin ang binigay niyang cake.
"Have you got your period?" Napatingin ako sa kanya.
"Bakit pati yan natanong mo? Of course---" napatigil ako. "Anong araw ngayon?" I asked.
"I knew it." Naihampas niya ang kamay sa ibabaw ng table. Gulat naman akong napatingin sa kanya. Nagtinginan din yung mga costumer dito sa loob ng café.
"Wait here---" tumayo ito at mabilis na umalis.
"Here" inabot niya sa akin ang isang maliit na paper bag. Nagtataka ko naman itong kinuha at tumingin sa kanya.
"What is this?" Binuksan ko ito at kinuha ang laman sa loob.
"Anong gagawin ko dito at saan mo nakuha to?" Tanong ko. Hawak ang tatlong iba't-ibang klase ng pregnancy kit. Mukhang pinaghandaan niya talaga.
"Binili ko. Nung sinabi kong pupunta ka dito bumili ako agad niyan. Hindi lang talaga kasi ako mapalagay. Go, use it para malaman natin kung buntis ka nga talaga." Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako patayo at papuntang bathroom.
"Go.." she said at tinulak ako papasok sa loob. Napabuntong hininga naman ako at sinunod ang sinabi niya.
"Oh god!" I said after 3 minutes of waiting. Hindi makapaniwalang nakatingin ako sa tatlong preg kit na pare-pareho ang resulta. It's positive, I'm pregnant.
"Hey, Reese bakit ang tagal mo diyan sa loob?" Napatingin ako sa pintuan ng katukin ako ni Mary.
Tumayo ako mula sa pagkaka-upo at binuksan ang pinto. Sumalubong sa akin ang mukha ni Mary na naghihintay.
"So, what's the result?" Excited na tanong niya. Mukhang mas excited pa siya kesa sa akin.
Iniharap ko sa kanya ang tatlong kit.
"Oh myyyy--- you're pregnant." Tuwang-tuwa na sabi niya.
"I knew it... sharp shooter talaga yang si Daemon. Akalain mo yon makakadalawa na siya. Ibang klase talaga.." dugtong pa niya.
Napahinga ako ng malalim at napasandal sa ding-ding.
"Ano ng balak mong gawin ngayon? Sasabihin mo ba sa kanya?"
"Ewan ko hindi ko alam." Sagot ko.
"Maybe it's a sign for you to forgive him. Hindi nalang isa ngayon ang aalahanin mo kundi dalawa na. Si Skye at yang nasa t'yan mo. At sigurado ako na yan din ang gustong mangyare ng kapatid mo. Yung patawarin mo ang ama ng mga anak mo." I look at her. She smiled at me. Kinuha niya ang dalawa kong kamay at hinawakan.
"Asawa mo siya.. isa kayong pamilya. Nangyare na ang nangyare at hindi na maibabalik pa. Siguro pinagsisihan naman niya ginawa niya noon. Yun nga lang nakalimutan niya at ngayon lang bumalik lahat ng alaala niya. Do what makes you and your son happy. And I know it was Daemon."
YOU ARE READING
Be my Wife for 365 days
RandomDaemon Salvatore a kind of man that doesn't want to settle down until he achieve his goal and dream to be a successful businessman on his own. And that his first priority. At dahil dun naghiwalay sila ng longtime girlfriend niya na si Morreen. Pero...