Chapter 26

7 0 0
                                    

Daemon's POV

"Tumawag si mom, kung pwede daw ba tayong pumunta sa mansion?" wika ko habang nakatingin kay Reese na nasa kama at pinapatulog si Skye. Nilingon niya ako.

"Are we having dinner there again?" She asked.

Umiling ako.

"She miss Skye and want to play with him. You know mom really love kids, wala namang bata sa mansion at yong ibang pinsan ko na may pamilya na ay nasa ibang bansa na nakatira." Paliwanag ko. Pero ang totoo niyan gusto ko lang doon sila manatili hangga't hindi pa natatapos ang problema kay Michael. Doon sigurado akong magiging safe sila kahit na wala ako sa tabi nila. Ayaw ko lang na mag-alala pa siya at problemahin pa ito.

And this is the only alibi I think para pumayag siya.

"At isa pa may apat na araw pa tayong natitira para sa trip natin papuntang china and naisip ko na doon na muna tayo mag stay." I smiled.

"Okay lang ba sa Lolo mo na doon muna tayo mag-stay? May makulit na bata?"

Umupo ako gilid ng kama. "Walang problema kay lolo and he like Skye. Sigurado akong magugustuhan niya kapag nandun tayo."

"Okay."

Napangiti ako sa sagot niya. Buti at hindi na ako nahirapan na kombinsihin siya.

Tumayo ako mula sa pagkaka-upo.

"Want to join me?" I asked na may halong nakakalokong ngiti sa labi.

"Join... what?"

"To shower" bigla siyang ngumiti. Dahan-dahan itong bumaba ng kama para hindi magising ang natutulog na si Skye. Tumayo ito at naglakad palapit sa akin.

Tumigil ito sa harap ko na hindi inaalis ang kanyang ngiti. Pinatong niya ang kamay sa dibdib ko at marahan itong hinaplos pababa.

"Ohhhh.."

"Mag shower kana." Sambit niya sabay tulak sa akin papuntang banyo.

I pouted. Hinawakan ko ang kamay niya at tinabig ito palapit ng husto sa akin.

"Are you sure you don't want to join me?" Niyakap ko ang dalawang kamay sa bewang niya.

"Are you sure na shower lang ang gagawin natin?" Balik niyang tanong na kina-ngisi ko.

"Umm.. it depends. Ikaw ano ba ang gusto mong gawin natin bukod sa pagsha-shower?"

Inangat niya ang dalawang kamay at hinawakan ang magkabila kong pisnge sabay pisil dito.

"Sige na.. mag shower kana dun. Hindi puro landi yang nasa isip mo." Mahina akong natawa.

Tinanggal ko ang kamay mula sa pagkakayakap sa bewang niya at hinawakan ang magkabila niyang pisnge. Bahagya ko itong pinisil sabay halik sa labi niya.

Marahan niya akong tinulak sa dibdib palayo sa kanya.

"Mag shower kana dun bilis."

"After kong mag shower anong gagawin natin?" Tanong ko.

"Wala.."

"Ohh... That's sad.." pinalungkot ko pa ang mukha habang nakatingin sa kanya.

Ngumiti ito at tuluyan na akong tinulak papasok ng banyo.

"Last chance.. ayaw mo ba talagang sumabay sakin? Ikaw din baka magsisi---" di ko na natapos ang sasabihin ng siya na mismo ang magsara ng pinto. Napangiti nalang ako.

Ilang minuto pagkatapos kong mag shower. Lumabas na ako ng banyo na nakatapis sa pang-ibabang bahagi ng katawan ko.

Agad namang hinanap ng mga mata ko si Reese pero wala ito dito sa loob ng kwarto.

Be my Wife for 365 daysWhere stories live. Discover now