Chapter 22

9 0 0
                                    

• Reese POV •

"So, ibig sabihin ba niyan ekis na si Daemon sa mga pinaghihinalaan mong nakabuntis sayo?" wika ni Mary. Nagpunta muna ako dito sa café para kamustahin siya at mamili ng mga kailangan ni Skye at kaunting grocery para sa condo ni Daemon.

"Hindi naman sa pinaghihinalaan ko si Daemon. Diba nga sabi mo common na ang ganyang design ng tattoo. Ibig sabihin maraming tao, lalaki ang may ganyang uri ng tattoo. Hindi lang talaga maalis sakin at siguro sinasadya ng tadhana na makita ko ang tattoo na yon. Para ipaalala sakin ang nangyare." Paliwanag ko. Bumuntong-hininga ako.

Pero umaasa ang puso ko na sana si Daemon nalang talaga ang totoong ama ni Skye. Pero hindi eh.. imposible na siya yon. Paanong magiging siya eh hindi naman ito nakapunta ng resort kong saan nangyari ang lahat.

"Ang mabuti pa h'wag mo nalang problemahin yan. Ang isipin mo yong china trip niyong tatlo. Ako ang na e-excite para sa trip na yon." Halata ngang mas excited pa siya kesa sa akin.

"Business conference ang pupuntahan hindi vacation."

"Kahit na. Isipin mo yon kayong tatlo. Parang family bonding na rin yon. At malay mo naman baka may mangyare... Ihhhhhh..." Bigla itong kinilig sa sariling sinabi.

Napa-iling nalang ako dito.

"Oh. We have a costumer." Sabi niya.

Napatingin naman ako sa tinitingnan niya.

Si Mino.

"It's your chance tanungin mo na ng mga tanong na dapat mong tanungin para maliwanagan ka." Mabilis na sabi niya. Binaling nito ang tingin kay Mino na kakapasok lang dito sa loob.

"Hi... Nice to see you again." Bati ni Mary dito.

"Hi" bati nito pabalik at lumipat ang tingin sa akin.

"Hi, Reese." Ngumiti ito.

"Hi..." bati ko at tipid na ngumiti sa kanya.

"Pwede ba akong maupo?"

"Sure" naupo ito sa bakanting upuan kaharap ko na hindi inaalis ang tingin sa akin.

"You want coffee, tea, juice?" Alok ni Mary.

"Coffee nalang." Saglit itong tumingin kay Mary at binalik sa akin ang tingin.

"Okay. Maiwan ko na muna kayo." Tumingin ako kay Mary.

"Ask him" she mouthed.

"I heard na kay Daemon na kayo nakatira ngayon." Tanong nito.

"Um.. yes. May nangyare kasi kaya kailangan naming lumipat ng matitirhan ni Skye. And Daemon offered me to stay at his condo." Sagot ko. Napansin ko naman ang biglang pagbago ng ekpresyon ng mukha niya.

"Ganun ba. Pwede ko bang malaman kong ano ang nangyare?"

"Ahh... May nanloob sa bahay na tinitirahan namin dati."

"Really?" He look shocked and worried at the same time.

Napatango ako.

"Is your son okay?"

"Yes. Wala namang nangyareng masama sa kanila. Mabuti nalang at agad na tumulong ang mga kapitbahay namin. Pero nakataas yong nagtangka, walang nakakita sa mukha niya." Paliwanag ko.

"Mabuti naman at walang nangyaring masama. I hope mahuli na ang gumawa nun sa inyo. If you need anything, I'm here to help you." He said. He look sincere naman sa mga sinasabi niya.

"Thank you."

"Here's your coffee." Mary. Nilapag niya ang isang tasa ng kape sa harap ni Mino.

"Thank you." Mino

Be my Wife for 365 daysWhere stories live. Discover now