Daemon's POV
"Sa wakas nakarating din kayo. Bakit ngayon lang kayo? Kanina pa kayo hinahanap ni Lola Oni sa kin." salubong ni Theo sa amin ng makarating kami dito sa bahay ni Lola Oni sa probinsya.
"Sisihin mo si Ashton, parang may sinusundan kaming libing sa sobrang bagal magmaneho." Sagot ko.
"Hi.. Reese, welcome to our province." Bati naman ni Theo sa kanya.
"Thank you... Ang ganda ng lugar niyo ang daming mga bulaklak." Nakangiting sabi nito.
"Mahilig talaga kasi si Lola Oni sa mga bulaklak kaya naman tinaniman niya itong buong bakuran namin." Theo
"In short itong garden ang himlayan niya---"
"Kaninong himlayan?" napatigil ito at nagulat ng biglang lumusot sa tabi niya si Lola Oni.
"Ahh--- ano--- he--hello.. Lola Oni, I miss youuuu!" namumutlang sabi niya sabay yakap kay Lola Oni.
Napangisi naman ako dahil sa itsura niya. Parang nakakita ng multo eh.
"I miss you.. eh ngayon ka nga lang dumalaw ulit dito. Kung hindi ko pa sinabihan si Theo hindi niyo ako pupuntahan dito." Lola Oni. Kinurot pa niya si Ashton sa singit. Natawa naman ako.
"Ah--ray-- Lola Oni naman eh."
Natigil lang ako sa pagtawa ng binalingan ako ng tingin ni Lola Oni.
"Happy birthday po Lola Oni... ilang taon na po kayo? 16? 18?"
"Isa kapa... tigilan mo ako sa mga pambobola mong yan. Hindi na ako nadadala d'yan." sabi niya. Napangiti naman ako at lumapit sa kanya, niyakap ko ito sabay halik sa pisnge niya.
"Totoo naman po eh, look at you mas lalo kayong bumabata." Inakbayan ko ito at tiningnan. "Ano po sekreto niyo?" Dagdag ko pa.
"Hayy.. naku magtigil ka nga---- at sino naman itong magandang babae na kasama niyo?" Nabaling ang tingin nito kay Reese.
Umalis ako sa pagkaka-akbay sa kanya at lumapit kay Reese.
"Lola Oni, this is Reese---" tumingin ako kay Reese. "My wife" dugtong ko.
"Nice to meet you po." Reese
"Wag mo nga akong pinagloloko. Sa inyong apat na magkaibigan ikaw ang sa tingin ko ang huling mag-aasawa." di makapaniwalang sabi pa nito.
"She's really my wife Lola Oni." Nakangiting sabi ko sabay akbay kay Reese.
Gulat naman itong napatingin kay Ashton at Theo.
"Sinabi ko na po sa inyo ayaw niyo lang maniwala." Theo
"Tsaka may anak na po sila Lola Oni." dagdag pa na sabi ni Ashton na mas lalong kinagulat nito.
"Iha, totoo bang asawa mo itong si Daemon?" tanong nito kay Reese.
"Yon po ang sabi niya. Hindi nga rin po ako makapaniwala." sagot naman ni Reese.
Binalingan ako ng tingin ni Lola Oni. "Kayo ah wag niyo nga akong pinagloloko." sabay hampas sa braso ko.
"He is really my husband po." nakangiting sabi ulit ni Reese.
"See"
Sandali itong tumitig kay Reese at ngumiti.
"Hindi mo nga talaga masasabi ang magiging takbo ng buhay ng isang tao." sabi niya. Kinuha niya ang kamay ni Reese at hinawakan ito.
"Masaya akong makilala ka iha. Kamusta naman bilang asawa itong pasaway na si Daemon?" tanong niya.
"Hindi naman po ako pasaway Lola Oni." Sabi ko.
YOU ARE READING
Be my Wife for 365 days
RandomDaemon Salvatore a kind of man that doesn't want to settle down until he achieve his goal and dream to be a successful businessman on his own. And that his first priority. At dahil dun naghiwalay sila ng longtime girlfriend niya na si Morreen. Pero...