Chapter 58

1 0 0
                                    

Daemon's POV

"WOOOHHHHH! Ano pang ginagawa niyo d'yan maligo na kayo dito. Ang sarap ng tubig, ang lamig... Wooohhh.." sigaw ni Ashton habang nag-eenjoy na sa pagligo sa ilog.

Nakatingin lang ako sa kanya habang naka-upo dito sa gilid sa may batuhan at umiinom ng beer.

Paano ako mag-eenjoy sa nalaman ko! Bakit nag-uusap pa sila ng doktor na yon? At bakit kailangan niyang ilihim pa sa akin? Ano bang meron sa kanilang dalawa? Ano ang kailangan nilang pag-usapan?

Iniiwasan kung mag-isip ng kung anu-ano pero hindi ko magawa. Kaya ba siya ganito sa akin dahil sa doktor na yon?

Napapikit ako at napahilamos sa mukha ko.

"Swimming ang pinunta natin dito hindi ang maglasing." Mino. Naupo ito sa isang bato malapit sa akin.

"Konti palang naman ang nainom ko." Nakangising sabi ko.

"Konti pa nga yung apat na can beer." Sarkastikong sabi niya. "Intindihin mo nalang muna ang sitwasyon ni Reese ngayon." dugtong niya. Ininom ko ang natitirang beer sabay yupi ng lata.

"Wala na akong ibang ginawa kundi ang intindihin siya. Kahit hindi ko alam kung ano ang nangyayare sa kanya iniintindi ko parin. And now, I think she's hiding something from me." Sabi ko.

"Ano naman yon?" Tanong niya.

"Nakita kung tumatawag yung Dr. Grey sa kanya at gusto nitong makipagkita kay Reese."

"Iniisip mo bang may relasyon silang dalawa?" Napatingin ako sa kanya.

"I don't know! Ayaw kong isipin pero hindi mawala-wala sakin ang mag-isip ng ganung bagay." Napahinga ako ng malalim.

"Hindi naman siguro magagawa sayo ni Reese yon. Mag-asawa na kayong dalawa, may anak at kasal na." Hindi ko gustong pagdudahan siya pero sa sitwasyon niya ngayon....

"Nabanggit niya sa akin noon na paano daw kung tulad ng pagkawala ng memorya niya eh nawala na din yong pagmamahal niya sa akin. Paano kung--"

"Sa tingin mo ba talaga magagawa ka niyang lokohin? Ang ipagpalit ang pamilya niya sa iba? Daemon, ang dami niyo ng pinagdaanan na pagsubok, ngayon kapa ba mawawalan ng pag-asa?" Sabi niya sabay tapik sa akin sa balikat.

Napayuko ako at napahawak sa ulo ko.

"Wag mong isipin ang sinasabi ng utak mo, sundin mo kung ano ang sinasabi ng puso mo. Dahil naniniwala ako sayo, alam mo ang laki na ng pinagbago mo simula nung makilala mo si Reese. You became a better man, a good father, a family man. Na uunahin ang pamilya niya bago ang ibang bagay. Dati eh wala kang ibang iniintindi kundi ang trabaho mo. Naniniwala ako na babalik din sa dati ang lahat, alam kung magagawa mo yon." Muli niya akong tinapik sa balikat.

"Be strong man." Dugtong niya at ngumiti. Tumayo ito mula sa pagkaka-upo sa bato at lumapit kina Theo at Ashton na masayang naliligo.

Napahinga naman ako ng malalim. Binalingan ko ng tingin si Reese na naka-upo sa naka-usling ugat ng Puno. Simula nung umalis kami hanggang sa dumating kami dito sa may ilog ay hindi na ito umiimik.

Muli akong napahinga ng malalim at tumayo. Naglakad ako palapit sa kanya.

"Let's swim.." pag-aya ko sa kanya. Tumingin naman siya sa akin at umiling.

"Come on, we came here to enjoy. At sayang naman ang pinunta natin dito kung hindi tayo maliligo. Tingnan mo oh ang ganda ng tubig, malinaw at malinis. Tara na..." Hinawakan ko ang kamay niya.

"Ikaw nalang.. hindi kasi maganda ang pakiramdam ko." nag-aalangan na sabi niya.

Hindi ko ito pinakinggan at hinila siya patayo.

"Tara na..."

"Daemon, ano ba!" Malakas niyang sabi at marahas na tinanggal ang kamay kung nakahawak sa kanya. Medyo nagulat pa ako dahil sa pagsigaw niya.

"I said no."

"What is your problem?" tanong ko sa kanya. Tiningnan niya lang ako at balak na sanang umalis.

"Yan... d'yan ka naman magaling eh. Yung aalis ka nalang na hindi man lang sinasabi kung ano ba yung problema mo? Kung ano ba yung nagawa ko para maging ganito ka sakin."

"Can--- can we just go back and go home?"

Mapait akong napangiti dito. "Nagmamadali kang umuwi. Bakit makikipagkita ka ba sa doktor na yon? Ano sumagot ka? Ano bang meron sa inyong dalawa? May relasyon ba kayo?" Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at nasabi ko yon.

"Ano bang pinagsasabi---"

"Don't lie to me. Nakita ko tinatawagan ka ng doktor na yon, and he even texted you to meet him. Ano--- " lumapit ako sa kanya at hinawakan ito sa magkabilang balikat. "Anong meron sa inyong dalawa?" ulit na tanong ko.

"Ano ba.. nasasaktan ako." Malakas niya akong tinulak. At doon naman ako natauhan.

"I'm sorry---" lalapitan ko na sana ulit siya ng humakbang siya palayo sa akin.

"Do you want to know what my problem is? You---- you are my problem." Bigla akong natigilan dahil sa sinabi niya.

"You told me that we're going to start at the beginning, but you're too fast. Masyado mong minamadali ang lahat... alam mo bo kung gaano yun ka hirap para sa akin? Ang mag-adjust sa mga bagay na nakalimutan ko na? I was trying so hard.. Daemon--- sinusubukan ko dahil... dahil nakikita ko kung gaano mo ka gusto na maibalik ang lahat sa dati. Pero sobra-sobra akong nahihirapan. Pinipilit ko ang sarili ko na okay lang yan Reese... okay lang kahit wala kang maalala--- pero hindi eh. I want to remember everything kahit gaano pa yun kasama o kasakit. Gusto kong maalala ang unang araw na nasilayan ko ang mukha ni Skye, ang unang salita niya, ang unang paghakbang niya... lahat-lahat. Gus--- gusto kong maalala kung paano kita unang nagustuhan at minahal. Gusto ko---- gusto kong maalala ang pakiramdam sa tuwing titingnan, hawakan mo'ko, kung pareho din ba ito sa nararamdaman ko ngayon. Gusto kung maalala at maramdaman ulit yun---- gusto kong maibalik ang mga alaalang yon, Daemon. Gustong-gusto ko pero kahit anong gawin ko, kahit i-untog ko ng paulit-ulit ang ulo ko para lang bumalik ang mga alaalang nawala sakin ay imposible ng mangyare yon. Dahil alam naman natin na hindi na maibalik ang mga yon. Kung nahihirapan ka mas nahihirapan ako... hirap na hirap na ako. To the point na pati sarili ko hindi ko na rin maintindihan."

"Sa tuwing may makakasalubong akong nakakakilala sa akin, pero hindi ko naman sila maalala. Pagod na pagod na akong mag-explain kung bakit hindi ko sila makilala at maalala. Para na akong mababaliw.. Mas gugustuhin ko nalang na magkulong sa kwarto ko at wag ng lumabas. And how everyone of you trying to tell me everything that I couldn't remember. You know what I feel? I feel so useless. Twenty four years of my life has gone at hindi ganun kadaling tanggapin yon. Kung para sa inyo madali lang but not for me."

"And about Dr. Grey, he si a psychologist and he's trying to help me. Nilihim ko sayo dahil ayaw ko ng mag-alala kapa, dahil alam kung nahihirapan kana din sa mga nangyayare sakin. Gusto kung gawin to ng mag-isa at pagkatapos nun babalik na ulit tayo sa dati... magiging buo na ulit yung pamilya natin na walang iniintindi na ibang bagay."

Natuod na lamang ako sa kinatatayuan ko habang nakatingin sa kanya na labis na nasasaktan at umiiyak.

"I---- I'm sorry.." sambit ko at agad siyang niyakap ng mahigpit.

"I'm sorry... I'm so sorry.. sorry kung nahihirapan ka ng dahil sakin."

Be my Wife for 365 daysWhere stories live. Discover now