Daemon's POV
I sighed.
"Lalim nun ah." I look at Ashton.
"Lalim ng alin?" Tanong ko. Nandito ako ngayon sa condo niya, nakikitambay lang.
Nag leave kasi ako sa trabaho ng isang buwan to find my self. Biro lang...
Day off ko ngayon at wala akong maka-usap kaya pagtitiisan ko itong si Ashton.
"Ng buntong-hininga mo, hindi ko nga ma reach eh." Sagot niya.
"Tsk!" Kinuha ko ang unan na nasa couch at niyakap ito.
"Hayy... Kawawa ka naman, wala kana bang mayakap na tao at sa unan mo nalang dinaan?" Napapa-iling na sabi niya.
Tinapon ko naman sa kanya ang unan.
"Aray... Nakikitambay ka na nga lang dito sa unit ko mananakit kapa. How dare you---- ahahaha. Chill, okay. Masyado kang hot, bro--- owh.. baby, come to dadehh.." kinuha ko pa ang isang unan at tinapon sa kanya. Sinapol sa mismong mukha niya.
"Namo-mroblema na nga ako puro kapa kalokohan." Sabi ko.
Tumigil naman ito sa pagtawa.
Sino ba kasi ang pino-problema mo at dinayo mo pa ako dito sa unit ko?" Tanong niya.
"Si Reese.."
"Si Reese? Bakit naman, umayaw na ba siya sa kasunduan niyo?"
"Hindi. Ang totoo niyan nasa akin talaga ang problema. Netong mga nakalipas na araw kasi iba na yong nararamdaman ko. Gaya nong nakita ko silang magkasama ni Mino at nalamang kumain sila ng lunch na magkasabay." Sabi ko.
"Talaga? You know what, may napansin din akong kakaiba kay Mino. Simula nong ipakilala mo si Reese sa amin. Akala ko nga hindi niya gusto si Reese." Ashton.
"He told me that he like Reese. At first hindi ako naniwala, pero ngayon nagdududa na ako." Kaduda-duda naman kasi yong mga kinikilos niya ngayon.
Ayaw kong mag-isip ng kahit na ano dahil kaibigan ko siya. Pero hindi lang talaga mawala sakin.
"Wala ba siyang nako-kwento sa inyo ni Theo?" Tanong ko
Napa-iling ito. "Wala... Di na din kami madalas magkita. Maybe, may alam si Theo, lagi naman silang magkasama sa trabaho."
Mino and Theo are both engineers. Same company din ang pinagta-trabahuan nila.
I heave a deep sighed.
"I really don't know what to do and what to feel now." Sambit ko.
"Ano ba kasi yang nararamdaman mo?"
"Hindi ko nga alam. What I know is my heart beating so fast when I'm with her."
"Parang hindi mo pa alam kong ano ibig sabihin niyan." Ashton.
Napatingin ako sa kanya.
Is he saying that I'm already falling for Reese?
"Ano?" Tanong ko nalang.
Gusto ko lang marinig sa kanya mismo.
"Magpa-check up kana baka mamaya may sakit ka pala sa puso. Mahirap na baka matuluyan ka----"
Hindi ko na ito pinatapos pa at naghanap ako ng bagay na maibabato sa kanya at ang lata ng beer na wala ng laman ang nadampot ko.
"Aww... Why did you do that?" Reklamo niya
"Hindi ka kasi matino kausap." Sabi ko. Kinuha ko ang beer sa ibabaw ng mesa at inubos ang laman nito.
"Ahahahah... I don't need to say it. Alam mo naman sa sarili mo kong ano ang sagot diyan sa tanong mo. Pero kong indenial ka pa din. Ako na magsasabi... You're already falling for Reese, that's why."
Napatingin ako sa kanya.
Nahulog naba talaga ako sa kanya? Bakit? Paano?
"Wag mo ng pahirapan pa ang sarili mo. Aminin mo na kasi na nahuhulog kana kay Reese. At isa pa siguro naman hindi na bago para sayo ang makaramdam ng ganyan, diba?" Wika nito.
Nagtataka ko itong tiningnan.
"Yong nararamdaman mo ngayon, naramdaman mo din naman dati nong kayo pa ni Morreen, diba?" Dugto nito.
Napa-iling ako. "No. I never feel this kind of feeling before when I'm with Morreen. Iba itong nararamdaman ko. Ibang-iba kapag kasama ko si Reese. She makes me happy by just looking at her, when she smiles. When she talks, when she looks at me. Everything about her.... I... I can't explain it with words." I said while smiling
"Tss... Tss... Tss.." napatingin ako sa kanya na napapa-iling habang nakangiti.
"What?"
"Your smile now, says it all. You fall for her..... No---- you're inlove with her." Sagot niya.
"There's nothing wrong about what you feel towards Reese. You're single, she's single....mom, kasal naman kayong dalawa. Bakit hindi mo nalang tutuhanin yan? At wag ng pahirapan pa ang sarili mo sa pag-iisip, Ikaw din baka matuluyan ka at maging baliw.... Baliw na baliw kay Reese." Ashton
Napahinga ako ng malalim. "Where did you get that?" Tanong ko
"Get what?" Taka itong tumingin
"Yong mga pinagsasabi mo sakin? Nasapian ka ba?" Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang magkabila niyang pisnge saka nilukot-lukot.
"Kong sino ka mang masamang ispirito lumabas ka ngayon din sa katawan ng kaibigan ko." Natatawang sambit ko.
"G*go! Baka ikaw ang sinapian." Hinawakan niya din ang magkabilang pisnge ko sabay pisil dito.
"Honey------" napatigil kaming dalawa ni Ashton at napatingin sa babaeng nakatayo habang may hawak na bulaklak at box ng cake.
Bumalik ang tingin ko kay Ashton at sa pwesto naming dalawa. Nakapatong ako sa kanya habang nakahawak ang magkabilang kamay sa pisnge niya. Ganun din ito sa akin.
Bumalik ulit ang tingin ko sa babaeng nakanga-nga at mukhang gulat na gulat. Agad akong tinulak ni Ashton at mabilis na tumayo.
"Sweetie pie...." Ashton
Napatakip naman ako ng bibig para pigilan ang tawa ko.
"It's not what you think." Ashton said. Lumapit ito sa babae.
Naka-isip naman ako ng kalokohan. "Mallow's who is she?" Tanong ko sa malanding boses habang pinipigilan ang tawa.
Lumapit ako sa kanya, hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at pinisil ito. Pinagapang ko ang kamay mula sa balikat niya pababa sa kanyang braso.
Tumingin naman ako sa reaksyon ng babae. Nakanga-nga ito habang nanlalaki ang mga mata.
"G*go! Tumigil ka nga tumatayo ang balahibo ko sa katawan dahil sa ginagawa mo." Inalis niya ang kamay ko at lumayo sakin.
Lumapit ito sa babae at sinubukang hawakan ito pero umilag lang ito.
"Cup cake, it's not what you think. Kaibigan ko siya, si Daemon."
"Don't touch me. Kaya pala ayaw mo akong pumunta dito ngayon dahil may kalandian kang iba and......" She looks at me from head to toe. Bumalik ang tingin niya kay Ashton na para bang nandidiri.
Napakagat nalang ako sa ibabang labi ko para pigilan ang tawa.
"Mallow's, sino ba yan? Istorbo naman..." Muling asar ko kay Ashton.
"Doon kana nga kay Reese. Alis... Alis... "Tinulak niya ako paalis.
Doon ko na pinakawalan ang tawa na kanina ko pa pinipigilan.
"Sorry. Just can't help it." Tumatawang sabi ko.
"Don't worry miss. He's straight as hell." Dugtong ko. "Maybe, I should go." Kinuha ko ang cellphone na nasa couch.
"Enjoy----" napatigil ako at muling humarap sa kanila. "You're Hailey, right?" Tanong ko sa babae
"No. My name is Megan, not Hailey."
"Owh! Sorry, I thought you were Hailey. Siya kasi yong kasama ni Ashton dito kagabi...." Tumawa ako ng samaan niya ako ng tingin.
"Anak ng.... Alis na nga, pahamak ka talaga." Tuluyan na niya akong tinulak palabas ng pinto.
Natawa nalang ako at naglakad paalis.
![](https://img.wattpad.com/cover/328577404-288-k335049.jpg)
YOU ARE READING
Be my Wife for 365 days
DiversosDaemon Salvatore a kind of man that doesn't want to settle down until he achieve his goal and dream to be a successful businessman on his own. And that his first priority. At dahil dun naghiwalay sila ng longtime girlfriend niya na si Morreen. Pero...