• Reese POV •
Tatlong araw na ang lumipas ng makalabas ako ng hospital dahil sa ginagawa ni Micheal. At sa loob ng tatlong araw na yon ay hindi ako tinigilan ni Mino tungkol sa DNA test na hinihingi niya. Sa totoo lang ayaw ko na sanang gawin pa ito dahil masaya na ako sa anong meron kami ngayon ni Skye at yon ay si Daemon.
Para matapos na din ang pangungulilit niya ay pumayag na ako sa gusto nito. Pagkatapos akong ihatid ni Daemon sa café ay sumaglit ako para makipakita sa kanya at ibigay ang hinihingi niya. Skye's DNA sample.
Nakasakay ngayon ako sa isang taxi papunta sa lugar kung saan kami magkikita. Sinabihan ko na siya na sa café nalang sana kami magkita pero masyadong maarte. Pumayag nalang ako dahil ayaw ko na ng marami pang sinasabi.
"Nandito na po tayo ma'am." sabi ng driver. Napatingin ako sa labas ng bintana. Sa isang restaurant kami tumigil.
Kumuha na ako ng bayad sa wallet ko at binigay sa kanya bago lumabas ng taxi. Naglakad ako papasok ng restaurant at may sumalubong sa akin na isang staff. Sa itsura nitong restaurant mukha itong mamahalin. Bakit kaya dito pa niya gustong makipagkita?
"Miss Reese Del Fuego?" Tanong niya. Tumango naman ako bilang pagtugon sa kanya.
"Mr. Suarez already told me about you. This way ma'am." Sumunod naman ako sa kanya sa paglalakad hanggang makarating kami sa isang table. At doon ko nakita si Mino.
"Reese..." Tumayo ito mula sa pagkaka-upo ng makita ako. Sinalubong niya ako ng ngiti at lumapit sa akin.
"Anong gagawin natin dito?" Deritsong tanong ko sa kanya. Nandito lang naman kasi ako para ibigay ang gusto niya.
"Pwede bang maupo muna tayo?" Pinaghila niya ako ng isang upuan at hinintay na umupo ako. Napahinga ako ng malalim at naupo.
Kinuha ko sa loob ng bag ang isang envelope na naglalaman ng DNA sample ni Skye at binigay sa kanya.
"This is what you want right? You already have it... Siguro naman pwede na akong umalis." Tatayo na sana ako ng pigilan niya ako.
"Can you wait for a minute, please. May hinihintay lang akong isang importanting tao. He's here..." Sambit niya at napatayo. Napalingon naman ako at napatingin sa taong hinihintay niya.
Bigla akong napatayo at gulat na napatingin sa taong ito. Sinalubong ito ni Mino at nakipagkamay.
It was my father.
"Engr. Suarez, it's nice to meet you again." Nakangiting salubong niya Kay Mino.
"Nice to meet you again sir." Mino. Nagawi naman ang tingin nito sa akin.
"Reese?" Limang taon. Limang taon ko ng hindi naririnig na tawagin niya ako sa pangalan ko.
"Pa.." sambit ko. Naka-upo na kami ngayon habang kaharap ko si papa.
"How are you?" Tanong niya.
"I'm doing good. Kayo po ba kamusta na?" Tanong ko pabalik sa kanya.
"Sa loob ng limang taon ngayon ko lang narinig na kinamusta mo ako." Sagot niya. Binaling ko sa ibang direksyon ang paningin ko at napayuko.
"Umm.. by the way I just finished the model of the town house you requested." Pagsingit ni Mino sa usapan.
"Ohh.. good to hear that. Kaya ikaw ang gusto kong gumawa ng model ng town house dahil alam kong magaling ka. At hindi ako nagkamali and you really did a good job sa huli nating project na ginawa." Bigla namang nagbago ang ekpresyon ng mukha ni papa.
"Of course.. having a mentor like you sir is a privilege for me." Mino.
"And being you become my son is a dream come true. Alam mo naman na lagi kong sinasabi sayo sa tuwing magkakausap tayo na gusto ko ng anak na kagaya mo. Yong susundan ang yapak ko." Papa. Talagang noon palang ay gusto na niyang magkaroon ng anak na isang engineer na kagaya niya. Kaya noong namatay si Skyler ay nawala ang pangarap niyang yon.
"Siguro kong tatanggapin ako ni Reese ay matutupad na yong gusto niyo." Napatingin naman ako kay Mino dahil sa sinabi niya.
"Siguro naman alam mo na may anak na sa pagkadalaga itong anak ko. Matatanggap mo ba siya, pati ang anak niya?" Papa. Matutuwa sana ako na tinawag niya akong anak pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit ang sakit parin sa pakiramdam na isiping hanggang ngayon hindi niya parin matanggap ang anak ko?
"Kaya ko pong tanggapin ang lahat ng responsibilidad lalo na't ako ang totoong---"
"Mino!" Pigil ko sa sunod na sasabihin niya.
"Reese this is the right time to tell your dad about the truth." Mino.
"Pwede bang wag mo'kong pangunahan sa mga desisyon ko." Inis na sabi ko sa kanya.
"What is happening? What truth? Mino? Reese?" Napatingin ako sa seryosong mukha ni papa na nakatingin sa aming dalawa ni Mino.
"I am the father of her son, Skye." Hindi ko na ito napigilan pa ng sabihin niya ang totoo kay papa.
"What? Reese is this true? Si Mino ang ama ng anak mo?" Papa
Huminga ako ng malalim. Tumingin ako kay Mino at binalik kay papa.
"I'm not sure yet.. mgapapa-DNA test pa kami para malaman ang totoo." Sabi ko.
"But I am 100% sure that I am his father." Mino.
"This is what I've been telling you. Kung sinunod mo lang sana ang gusto ko at hindi yang katigasan ng ulo mo wala ka sana sa ganitong sitwasyon ngayon. Look at you... You don't even know the father of your son." Napayuko ako at naikuyom ang kamao para pigilan ang nararamdaman.
"Nandito na po ako ngayon, sir. Aminin ko po naging pabaya kami noon pero nandito po ako para tanggapin ang buong responsibilidad. Ang maging ama sa anak naming dalawa ni Reese. Just give me your blessing." Mino.
"Do you hear that Reese.. you are lucky to meet a guy like Mino. Kung iba yan sigurado akong pababayaan ka lang at itatanggi kayo ng anak mo."
"Like what you did to us." Nag-angat ako ng mukha at tumingin sa kanya.
"Alam niyo masaya sana akong makita kayo ulit.. ang makasama. Dahil sa tagal ng panahon na hindi ko kayo nakasama. Bakit... Bakit napakahirap para sa inyo na tanggapin ako... ang tanggapin ang anak ko? Nagkamali ako alam ko yon at pinagsisishan ko na." Buong lakas na sabi ko sa kanya. Limang taon.. limang taon akong nanahimik at hindi nagreklamo kahit na may masasakit na salita siyang sinasabi sa akin. Tinanggap ko lahat ng yon na wala siyang naririnig sakin.
"At para malaman niyo... may isang tao na ang tumanggap at minahak kami ng buong-buo ng anak ko. Na hindi tinitingnan ang nakaraan ko. And sorry to say this but I'm already married at hindi na matutupad ang pangarap mong magkaroon ng anak na engineer na kagaya mo. At kung gusto niyo kayong dalawa ang magsama." Tumayo ako mula sa pagkaka-upo at nagsimulang naglakad paalis.
Di pa man ako nakakalayo ay may isang kamay na ang pumigil sakin.
"Reese wait..." hinarap ko siya at malakas na sinampal.
"You know what... wala na akong pakialam pa kong ikaw man ang ama ni Skye o hindi. Dahil ngayon palang tinatanggalan na kita ng karapatan sa kanya. Kaya please lang.. tumigil kana. Dahil kahit anong gawin mo hinding-hindi kita mamahalin."
"Why? Ano bang meron kay Daemon na wala sakin Reese? Ano? Bakit hindi mo'ko magawang mahalin?"
"Dahil hindi siya kagaya mo na pinipilit ang sarili sa isang taong wala namang nararamdaman para sayo. Tinanggap niya ako ng walang hinihingin kapalit. At higit sa lahat mahal ko siya." Sabi ko at tuluyan ng umalis.
YOU ARE READING
Be my Wife for 365 days
AlteleDaemon Salvatore a kind of man that doesn't want to settle down until he achieve his goal and dream to be a successful businessman on his own. And that his first priority. At dahil dun naghiwalay sila ng longtime girlfriend niya na si Morreen. Pero...