Jane's POV
"Grabe ka bestfriend, sinunod mo talaga 'yong sinabi ko na mag-asawa ng matandang mayaman HAHAHAHAHAHA!"
Susme naman 'tong si Brian, kitang late na kami para sa fake wedding namin ni Maxine, nagawa pang mang-asar.
"Anong matanda? Ang fresh pa kaya niya, halos malapit lang age namin no. Tsaka anong sinunod? Hindi naman siya madaling mamatay." Kinakabahan na nga ko gaganiyan pa, cute talaga.
Kasalukuyan na kaming pababa ng hotel. Sinundo na niya ko kasi need na daw mag-double time at masama ang panahon.
Para may idea kayo, garden wedding ang mangyayari. All of the design are planned by me and bestfriends ni Maxine, si Ali at Noah. Gusto ni Maxine na kahit fake lang, decision ko daw masusunod. Mej sweet siya sa part na 'yon.
After kong pumayag kagabi, hindi na niya ako pinababa ng kotse para nga ituloy na agad ang kalokohang ito. Fall na fall siya sa'kin no hihihihi joke lang, aasa na naman ako.
About sa expenses, all are shouldered by Maxine. Siyempre, wala naman akong pera.
Exclusive lang din 'tong wedding namin kasi ilan lang ang kasama: si Lola, Ding, Brian, Ali at Noah. Also, it is a same sex holy union wedding kaya bongga. How I wish na fully accepted na talaga 'yong church wedding for LGBTQIA+ community. Someday.
"Ayyy tama ka, pag masamang damo, matagal mamatay." Humagalpak na naman ito kakatawa. Ang cute mo talagang hinayupak ka.
"Okay ma'am, standby na po. Once we open the curtain, you should start walking na po ha." Sabi nong coordinator ng wedding na sinunod ko naman.
Ikaw at Ako (Jason Hernandez & Moira Dela Torre) 🎶
Sabi nila, balang araw darating
Unang hakbang ko pa lang, hinanap na agad ng mata ko ang mukha ng mapapangasawa ko.
Ang iyong tanging hinihiling
Nagtama ang mga mata namin at kitang-kita ko ang pagkatulala niya. Napangiti tuloy ako.
At nung dumating ang aking panalangin
Ay hindi na maikubli
Ang ganda niya lalo ngayon, naka-gown din siya gaya ko.
Ang pag-asang nahanap ko sa'yong mga mata
Hindi naman 'to totoong kasal pero bakit ang saya ng puso ko.
At ang takot kong sakali mang ika'y mawawala
Tumingin na rin ako sa paligid at kitang-kita ko ang luha sa mata ni Lola at Brian. Well, hindi naman kasi nila alam na fake lang 'to. Kahit na nagulat sila nong nagsabi kami ni Maxine.
At ngayon, nand'yan ka na
Napatingin na naman ako kay Maxine. I loved kung paano siya naging matapang kaninang umaga. She is the one who explained everything kay Lola, Ding and Brian about our lovestory kuno. Again, kahit fake stories 'yon, hindi ko mapigilang ngumiti.
'Di mapaliwanag ang nadarama
Sa wakas, ngumiti na rin ang Maxine ko, joke! Bawal angkinin.
Handa ako sa walang hanggan
Papalapit na ako nang papalapit sa magiging asawa ko for 60 days.
'Di paaasahin, 'di ka sasaktan
Mula noon hanggang ngayon
Ikaw at ako
Hinawakan niya ang kamay ko pagkatapos na pagkatapos ng kanta at hinalikan ito.
BINABASA MO ANG
60 Days as Her Wife | JaneNella / Darlentina
फैनफिक्शनLove... For Jane, someone who wants to escape the unfortunate life of being poor, this concept is just illusion. "Hindi ako mapapakain ng pag-ibig na 'yan." Paulit-ulit niyang dikta sa isip. Not until Janella came to her life and with that... "You...