36

945 41 2
                                    

Jane's POV

"Janeeee!" Second day na namin dito sa Malapascua at napalingon ako dahil may tumawag sa pangalan ko.

"Kuya Jakeeeee!" Bago pa ako magreact, nauna na ang kapatid ko. Niyakap pa nito sj Jake.

"I miss you guys! How are you?" Si Jake, ang lalaking muntik ko nang maging 1st boyfriend.

You read it right, muntik na talaga. Ang kaso nong bago ako umalis papuntang Maynila, nalaman kong nakabuntis pala ito kaya ayon, naudlot din kung ano mang meron sa'min.

Isa siya sa dahilan bakit naging ilag ako sa pag-ibig pero past is past naman, nagkausap na rin kami about sa nangyari at okay kami.

"Jakeeee, andito ka pala? Bakit hindi ka nagsabi?" Sobrang higpit ng yakap ko rito kasi miss na miss ko siya.

"Akala mo naman makaganyan, wala ka namang cellphone paano ko masasabi?"

"Duh, meron na~" Pinakita ko pa ang cp ko.

"Ayon pala, can I have your number and socmed account miss?" Umakto pa ito na nasa bar.

"Sure, pogi ka naman eh." Sumayaw-sayaw din ako para sabayan ang trip niya.

Nasa labas kami ng hotel ngayon, kasama ko si Ding at Jea, nag-aya kasi 'tong kapatid ko na bumili ng souvenirs para daw sa mga kaibigan niya. Akala mo naman sa ibang bansa pumunta, dito rin naman sa Cebu.

"Nga pala, this is Janella." Pakilala ko after niya makuha mga contact information ko.

"Pinsan mo? Parang ngayon ko lang siya nakit---"

"No, her wife." Cold na sabi ni Jea, ansama pa ng tingin kay Jake.

"Ex-wife." Pagtatama ko.

"Ate Maxine, doon po tayo punta, parang ang ganda ng mga binebenta don." Hinila agad ni Ding si Jea.

"See you later, kuya Jake!"

"Whoah... Di ko alam na may asawa ka na pala." Sabi nito nang makaalis na sila Ding.

"Hiwalay na nga." Naglakad na ako kaya sumunod na lang siya.

"Divorce na?"

"Hindi pa."

"Edi mag-asawa pa rin kayo gaga!"

"Basta mahabang kwento, basta hiwalay na." Di ko naman kasi pwedeng sabihin 'yong about sa fake wedding eh.

"Anyway, ang ganda niya ha. May taste ka pala." Tumawa pa ito.

"Sa'yo lang naman ako nawalan ng taste eh... Yuck, covid."

"Ah ganon... Ang mean mo na sa'kin." Napangiti na rin ako sa kaniya. Don't misunderstood guys ha, straight siya kahit ganyan mga wordings niya. Babae kasi 'yong anak niya kaya na-adapt na niya.

Tsaka, I don't question his sexuality naman if ever na magbago. Well, nobody should question our sexuality, except ourselves.

May nakita naman akong upuan kaya tumigil muna kami don tsaka para mas magkwentuhan kami.

"Ang gwapo mo na lalo." Ayon talaga napansin ko.

"Jane, chill ha. Single for life na ako tsaka may asawa ka na."

"Gaga! I mean, plain compliment 'yon. Mas pumogi ka."

"Ikaw kamo ang dapat na purihin. Sobrang ganda mo na tapos idagdag pa 'yong asawa mo, bagay talaga kayo!" Kinurot pa nito ang tagiliran ko.

60 Days as Her Wife | JaneNella / DarlentinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon