Jane's POV
Dahil good mood ako ngayon, mas maaga akong nagising sa asawa at anak ko hihihi damang-dama eh no, bakit ba.
Alam kong nauna ako kay Maxine kasi wala naman akong narinig na sasakyan o wala manlang pagtapik para magising ako.
Hinalikan ko muna si Jude bago bumangon at magtali ng buhok.
Ang aga pa pala, 6:00 AM gaya nang nakikita ko sa screen ng cellphone ko.
Hmmmm, nag-iisip ako kung ano bang pwedeng breakfast ng magna-nanay na 'to. Usually kasi, cereal kay Jude; then, sa'min naman ni Maxine ay fried rice, bacon and egg.
Habang nag-scroll ako sa Google kasi nagsearch na ako, naalala ko 'yong request ni Jude.
"Mommy, let's eat pancake kapag nag-mall tayo." Oo nga, pancake na lang, kaya ko naman 'yon kasi may mga tutorial sa YouTube.
Nagpunta na agad ako sa kusina para i-prepared 'yong mga kailangan.
---
"Basic, galing mo talaga self." Kakatapos ko lang magluto and okay naman, mukhang makakain HAHAHAHA
Hala, 7 am na ha. Hindi pa rin gumigising 'yong dalawa?
Usually kasi, hindi na sila need gisingin parehas.
Tinakpan ko na muna 'yong pancake para naman okay pa rin kahit mamaya pa sila magising. Nilagyan ko rin ito ng design na smiley face para cute HAHAHAH!
"Try ko kaya munang mag-exercise." Sambit ko nang makapasok ako sa gym room.
Grabe, anlaki kasi talaga ng bahay na 'to kahit tatlo lang kami. May gym room, half court, swimming pool. Sa sala naman, isang malaking tv ang nakalagay kaya ansarap ding manood.
"Ansaya talaga siguro maging mayaman. Sana lahat ganito na lang." Habang nagbibihis ako para makapagsimula nang mag-exercise.
---
"Himala, you woke up early today." Cold na sabi ni alam niyo na, wala namang ibang ganon kung hindi siya.
Nagulat naman ako kaya napatalon pa me. Nakabihis na ito at mukhang inaantay na lang kami ng anak namin.
"A-ah, oo. Nagluto na rin pala ako ng breakfast para makakain ka na." Dama ko naman na nakatitig ito sa abs ko.
"Uyyy parang may iba kang gustong kainin for breakfast ha." Habang papalapit ako rito.
"Ha-huh? What did you say again?" Nakatitig pa rin ito pero sa bandang dibdib ko na.
"Sa mata ko ang titig, 'wag diyan." Itinaas ko pa ang baba niya gamit ang isang daliri ko.
Iniwan ko na ito at naligo saglit para makakain na kami.
---
"Mommy why your cheeks is red po." Rinig kong sabi ni Jude habang bumababa ako.
Tinignan ko naman si Maxine at totoo nga, namumula siya, ang cute.
"A-ahm... It's because of mommy's cosmetic, baby." Tila natataranta pa itong magpaliwanag.
"Oo nga, baby. Naparami ata ng lagay ng blush on si Mommy mo, kamatis kasi eh HAHAHAHA" Tumawa na rin si Jude.
"Stop, let's eat na." Ayyy, change mood agad.
Sumunod naman kami kasi baka ma-beastmode lalo kaya tahimik na kaming kumain.
---
"I'll go na, baby. Be attentive later ha." Utos ni sungit na nakaluhod pa para maging magka-level sila ni Jude.
BINABASA MO ANG
60 Days as Her Wife | JaneNella / Darlentina
FanficLove... For Jane, someone who wants to escape the unfortunate life of being poor, this concept is just illusion. "Hindi ako mapapakain ng pag-ibig na 'yan." Paulit-ulit niyang dikta sa isip. Not until Janella came to her life and with that... "You...