Special Chapter

1.3K 51 24
                                    

Jane's POV

Patawid kami ngayon papunta sa PICC dahil College graduation na ng panganay namin, puno na kasi ang parking lot dahil late kami sa tagal ng mga kaibigan namin.

"It's all because of Jake! Apakatagal gumising!" Reklamo ni Noah na tinawanan lang namin.

"Nagsalita, sino kayang maingay matulog?"

"Ayyy wow, edi naranasan mo na 'yong pinaramdam mo sa'kin befo---" Napatigil ang pagtatalo nila nang may naghabulan din sa harap namin.

"Tulong po, magnanakaw!" Sigaw ng dalagita, sunod-sunod naman kaming tumakbo, naiwan lang si Jea, Belle, Jude, Bella, Dad at Lola Berta.

Years have passed, so sabihin natin na medyo bumagal talaga kaming lahat tumakbo, because of that may grupo ng kabataan na mas nauna na sa'min.

Napatigil naman kami sa pagtakbo ng mahuli na nang sinabi kong grupo ng kabataan ang magnanakaw, mabilis naman itong pinuntahan ni Brian at iba pa naming kaibigan upang hindi pa makatakas.

"Ikaw na naman?!" Magkasabay na sigaw ng dalawang dalagita. Marahil 'yong isang medyo feminine ang nanakawan dahil sa kaniya inabot ang bag.

"Ako ba talagang hindi mo lulubayan, ha? Stalker ka talaga!" Sigaw pa nito.

"Wow, ako stalker? Umayos ka naman, Miss. Ikaw na nanakawan, ikaw pa masungit!" Sigaw pabalik ng dalaga na medyo boyish naman ang datingan.

Lahat kami nasa kanila ang atensyon, maging ang magnanakaw.

"Teka mga iha, kayo ba magkakilala?" Si Kuya Jerome na curious din bakit parang aso't pusa ang dalawa.

"Yes, Mister. Unfortunately, we are schoolmates and halata naman na ginaya niya lang kung nasaang school ako ngayon... Tsss, tapos feeling pogi just because magaling siyang mag-basketball." Pabulong pa 'yong last pero napangiti na lang ako sa kanila.

"Aruy, feeling pogi ka pala, Ash!" Tropa siguro 'to nong boyish kasi inaasar nila 'yong tinutukoy nong nanakawan.

"Okay lang, pogi naman talaga ko. Kesa naman sa'yo? Feeling masyado, tingin mo nagkakagusto ako sa gaya mo? Sobrang sungit po niyan, akala mo pinaglihi sa sama ng loob."

"Tsaka kung alam ko lang na ikaw 'yong nanakawan, hindi na sana ako humabol pa! Nagkasugat pa tuloy ako." Dugtong pa nong boyish.

"Where, let me see?" Bigla namang lumapit 'yong nanakawan sa kaniya, may sugat nga ito sa tuhod at braso.

"Aray, 'wag mong diinan!"

"Ayan kasi, hindi nag-iingat... Anyway, let's go to my car." Hindi ko alam pero napangiti na lang ako sa naging act nong feminine.

"Wag na, hindi ko kai---"

"I don't ask for your consent, it's an order. Follow me." Hindi naman na umimik pa 'yong boyish at sumunod na lang, maging ang mga kasama niya.

"Shit, kinilig ako ng slight parang JaneNella lang!" Si Ali na pinalo pa ang braso ko, sumang-ayon din ang mga kaibigan namin sa sinabi niya.

"Mga siraulo, kelan pa ako nagfeeling pogi?"

"Huwaw, ngayon mo lang narealize?" Sabat ni Jake.

"Epal, tara na nga at hinihintay na tayo nila Jea."

---

"Umayos ka, Donnie-boy! 'Wag mong sasaktan 'tong prinsesa namin." Si JC na matalim ang tingin sa nobyo ni Belle.

"Guys, stop! Mas oa pa kayo sa'min ni lovie." Ang asawa ko na inaawat na ang mga loko dahil mukhang natatakot na naman si Donnie.

Ganiyan silang mga kaibigan namin, maging si Ding at ang mga kuya ni Jea, hindi pa rin makamove on na dalaga na talaga ang panganay namin at may special someone na.

"Donnie, dito kayo sa gitna. Maganda ang backdrop dito." As a supportive mother, ako pa talaga ang kumukuha ng litrato sa kanilang dalawa.

"Mama, sama ako!" Si Jude na grade 4 na sa pasukan, pumwesto naman ito sa gitna nila Belle at Donnie.

"Congratulations ulit, ate Belle! I love you!" Yinakap pa ni bunso ang ate niya dahil fortunately, Cum Laude rin ang anak namin.

"Thank you, Jude! I love you!" Nakakatuwa nga at sweet ang magkapatid sa isa't isa.

"Sumama ka nga doon, Jane. Wala pa kayong family picture mula kanina." Si Bella na tinulak ako papunta sa mga anak ko, kusang lumapit naman sa'min ang asawa ko.

Aalis pa sana si Donnie pero hinila ko ang braso niya, welcome naman talaga sa'min ang batang ito at napakabait.

Umaayos lang kami saglit for pictures and ayon nga, sunod-sunod na ang pagclick ni Bella sa camera.

"Titos, titas, lolo and lola, lahat naman po tayo!" Request ng panganay namin. Mabilis naman pumasok ang lahat sa frame ng camera na hawak ni Bella at nagpicture na kami.

"Ma, pa, come here!" Sigaw ni Donnie upang marinig siya ng mga magulang niya at kapatid. Lumapit naman ang mga ito kaya nagbeso kami sa kanila dahil hindi naman ito ang unang beses na nakilala namin sila.

Again, nagpicture taking for this memorable event.

"Time really flies no..." Bulong ni Ali nang mapansin niyang nagmamasid din ako sa paligid.

"Yeah, it's been four years na rin and we all have different life..." Tumango naman siya.

Si kuya Jerome, still a happy-go-lucky man pero nagtayo na rin siya ng bar malapit sa restaurant ni Noah. They also planned nga to be a business partner pa for another establishment.

Si Ali, Jake and JC naman have farming business in Switzerland. Sila 'yong laging wala sa mga bonding now since nasa ibang bansa nga, but they're trying their best naman para umattend.

Si Brian, mataas na ang rank sa pagiging pulis. Well, he deserved it. Grabe magbigay ng serbisyo para sa safety ng kapwa niya.

Si Bella youtuber na rin like kuya Jameson kaya wala kaming takas dahil mostly, kasama kami sa mga videos nila. Pero okay lang, as I said before, we support each other.

Si Jea naman, isa na sa pinakasikat na business tycoon, hindi lang sa Pilipinas. Mas madalas na rin siyang na-i-interview and tv guesting kaya mas naging popular ang pamilya namin.

Ako? Well, nagtayo rin ako ng business for firing range and nagkaroon na rin ng fans dahil na-e-expose na sa tv and vlogs; but of course, mas hands-on ako to become a supportive asawa, kaibigan at magulang sa iba't ibang trip ng loved ones ko.

Different lives but still, we are just the same people who value this relationship.

Malakas talaga siguro ako kay Lord. I cannot ask for more because I have everything I need... True friendship, faithful partner and a solid family.

I hope you enjoyed my roller coaster journey, bye!

THE END

🎉 Tapos mo nang basahin ang 60 Days as Her Wife | JaneNella / Darlentina 🎉
60 Days as Her Wife | JaneNella / DarlentinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon