03

1.7K 84 30
                                    

"Stop staring at me, you're already drooling." Narinig kong sabi ni Ma'am Sungit na nagpabalik sa'kin sa reality.

Hindi naman siya nakatingin sa'kin kasi seryoso pa rin siyang nakatingin sa laptop niya pero siguro, natulala nga ako kaya hanggang ngayon, hawak ko pa rin 'yong doorknob.

"I said stop staring at me, hindi ako pwedeng matunaw, marami pa akong aasikasuhin." Tumingin na ito sa'kin kaya nagka-eye to eye contact kami.

Hindi ko alam ano mararamdaman ko kasi hindi naman siya mukhang nagpapatawa, ang seryoso ng mukha niya tapos parang walang gana niyang sinabi 'yon.

"Ayyy sorry po, ma'am. Hindi ko po sinasady--" Bago ko pa matuloy, natalisod ako. May mini sofa pala dito, hindi ko namalayan.

Pumikit na lang ako kasi full impact na bagsak talaga katawan ko. Hindi ko alam ang gagawin ko, nakakahiyaaaaaaa

"Here's my hand, nasaktan ka ba?" Hindi ko alam if sincere ba si Miss Sungit kasi ang plain lang ng pagkakasabi niya, emotionless kumbaga.

Tumingala naman ako at nakita siyang naghihintay.

"Hi-hindi po ma'am, pasensya na po talaga." Tumayo na agad ako at nagpagpag ng damit. Naka-skirt pa naman ako ngayon, ang sakit ng hita ko. Tumayo na rin siya at bumalik sa swivel chair niya.

"Hindi ko po alam na may sof--"

"Enough, Ms. De Leon. Hindi ko tinanong." Ayyy grabe, binara ako.

Sungit talaga.

"Anyway seat here, so we can already proceed with the interview. I still have many appointments, I don't want to waste time." Sumunod na ako dito, umupo na rin at nagsimula na nga ang job interview niya sa'kin.

---

"Okay, you're hired."

"Thank you so much po, ma'am Maxin--"

Yeeeees! Thank you so much, G! Dream come true.

"As my wife..."

Okay, you're hired as my wife.

Okay, you're hired as my wife.

Okay, you're hired as my wife.

Hindi ko alam pero paulit-ulit kong naririnig 'yon, mali ba ako ng rinig?

Gulat, taka, lahat ng pwedeng reaction nagsama-sama na.

Anong pinagsasabi nito? Adik ba 'to?

"Po, ma'am? Mali po ba ako nang pagkakarinig?" Syempre need na magalang pa rin ako, baka mali nga talaga.

"Nope, you heard me. I'll marry you." Nakatingin lang ito sa laptop niya na parang wala lang sa kaniya 'yong sinasabi niya.

Ano ba 'tong tao na 'to?!

"Wag niyo mamasamain madam ha, pero sabog po ba kayo? Hindi ka ba sinama sa tokhang?" Tumawa naman ito ng malakas bago isara ang laptop niya.

Ngayon, kitang-kita ko kung gaano talaga siya kaganda lalo na pag nakatawa pero hindi ko siya gusto. Takte, may sapak ata 'to.

"Alam mo, you should be in comedy bar. My stomach hurts na HAHAHAHA" Patuloy pa rin ito sa pagtawa, baliw nga siguro ito.

"Nako ma'am, kung trip or prank niyo lang po 'yong kanina okay lang po. Pero sana naman matinong sagot na po, hired na po ba ako?" Hindi ako natutuwa mga beh, source of income namin nila lola nakataya dito no.

60 Days as Her Wife | JaneNella / DarlentinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon