48

909 33 5
                                    

Jane's POV

"Hey, you shouldn't call me." Si Jea na nasa ibang room since nasa hotel kami ngayon in Dapitan City, specifically in Dakak Beach Resort.

Different from our first wedding, sa beach ang naisip naming location. Actually, sila Belle and Jude ang nagsabi na they want near the shore daw.

"Jokes on you love, hindi pa nga nakakarami ng ring, sinagot mo na agad. Miss mo rin ako no." Ang kasama na lang namin sa both rooms ay mga nag-aayos sa'min since our family and friends ay nauna na sa place.

"Kapal, sino kayang atat na ikasal kami?" Rebutt nito sa'kin.

"Sino kaya 'yong gustong pakasalan ako nang paulit-ulit kaya ginawang parang daily routine 'yong pagpo-propose?"

"Sino kaya 'yong sobrang love ko at kahit saan siya pumunta, susundan ko siya?" Narinig ko ang sinabi niya pero nakatitig na lang ako sa kaniya through phone.

I love you so much, salamat kasi hindi ka rin napagod na mahalin ako.

"You're nervous?" Biglang tanong nito kaya umiling agad ako.

"Tsss... Ako kakabahan? Baka ikaw ang kabahan, wala nang bawian 'to no." Pagbibiro ko agad.

"No need, I have no plans either." She smirked and ended the call.

Ay wow, gumaganon na Jea.

Napailing na lang din ako at tumingin ulit sa salamin bago tuluyang tawagin ng organizer.

---

"Shocks, you're so pretty mama!"

"Gagi, astig mo bestfriend! Lodi ka talaga!"

"Nice one, ate! Mukha ka na ulit tao."

"Pwede bang 1 order of Jane for me please, hindi pwedeng si baby sis lang may ganito!"

As I walked in the aisle, these are the comments I heard. Napangiti na lang ako because I am grateful to have supportive people around me.

When we planned this beach wedding, I insisted that I should be the one who is waiting for my wife in the altar naman at iba pala talaga sa feeling...

Ang unusual kasi I know that sweet and romantic songs are being played as our background but I cannot hear anything clearly aside my loud heartbeat.

Mas lumakas pa ang kabog ng dibdib ko nang makita ko siya at magtama ang aming tingin, the one who change my perception in love kasama si dad na hinahatid siya sa altar.

If ganito lang ang mga naranasan ko noon, I would never be afraid of loving someone again.

Ang sarap magmahal ng gaya mo, Jea.

Ramdam kong nagiging emosyonal na ako pero hinayaan ko lang na ilabas ito, araw namin ito ng aking asawa.

"Days have passed but still drooling because of me?" Hindi ko pansin na nakalapit na sila sa'kin.

"Yeah... you always look stunning mahal. It's always a challenge not to stare at you."

"Kayo talaga... Anyway, all yours, don't ever give her back to me anak ha." Tinapik pa ni dad ang balikat ko.

"I love you, dad. Salamat po." Yumakap naman ako sa kaniya.

I finally hold Jea's hand and stared again at her face, sobrang ganda.

"Oops! Don't cry please, I don't want to end up being single again." Natawa pa ang mga kasama namin.

There's an inside joke kasi we saw in showbiz na kapag umiiyak 'yong naghihintay sa altar, either nagloloko or maghihiwalay sila ng partner niya at the end.

60 Days as Her Wife | JaneNella / DarlentinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon