12

1.3K 69 13
                                    

Jane's POV

After that sinabi ko kay Maxine, hindi pa rin naman siya tumigil na asarin ako. Ayon nga ata goal niya sa araw-araw.

"WAAAAH! DE LEON!!!" Halos ibuga ko ang iniinom kong tubig dahil sa sigaw ni Maxine.

Nasa kwarto kasi siya, may ginagawa na related sa office, andon din kasi ang mini office niya pero meron din siyang office sa tapat ng kwarto namin.

"Mama, what happened to mommy?" Nagulat din si Jude kasi nanonood kami ngayon sa sala.

Nagmamadali naman kaming umakyat papunta sa kwarto ni Maxine.

"Maxine, bakit? Okay ka lang ba?!" Natataranta kong sabi sa kaniya.

Nakita ko siyang nakasiksik sa gilid ng cabinet niya.

"There's a cockroach, kunin mo."

"Huh? Ipis? Ayon lang bat ka sumigaw?"

"Basta, get that my monster out of my room now." Natatawa naman kami ni Jude dahil dito.

"You're so cute, mommy." Asar pa nito.

"Jude, I am not kidding. Please, remove it for me De Leon."

"Okay, as you wish." Dali-dali ko namang nilapitan ang ipis na malapit sa laptop na nakalagay sa table niya.

Bago ko pa man makuha, lumipad ito na parang butterfly kaya mas nataranta si Maxine.

Nagulat na lang ako ng tumalon ito papunta sa'kin. As a human instinct, sinalo ko siya.

Bridal carry ang atake namin dito mga beh.

Si Jude nasa may pintuan lang at nakangiti sa amin. Kinuha pa nito ang cellphone ko at naririnig ko na lamang ang camera shutter.

"WAAAAH! Kunin mo please!!!" Nakapikit pa ito.

"Maxine, hindi ko makukuha."

"Please, De Leon! Sige na, put it in trash bin." Sumiksik na ito sa leeg ko.

"Maxine, chill. Hindi ko makukuha kasi buhat-buhat kita." Natataranta naman itong bumaba nong na-realize niya.

"Sorry." Umubo-ubo pa ito at nagpagpag ng damit niya.

Dali-dali naman akong lumapit sa ipis at dinakma ito gamit ang malinis na papel na nasa table.

"All clear na Maxine, continue ka na sa trabaho mo." Nakangiti pa ako rito pero umiwas naman ito ng tingin sa'kin kaya bumaba na lang ulit kami ni Jude.

"You're so cool a while ago, mama Jane." Nag-like sign pa ito.

"Cool ka diyan, mommy mo ang cool no. Marami kayang takot sa kaniya kasi ang fierce niya, miski tayo eh, tapos takot lang pala siya sa ipis HAHAHAHA!" Syempre binulong ko na lang 'yong last part at baka makatikim pa ako ng kasungitan ni Maxine.

---

*Ahem*

"Yong about pala sa nangyari kanina, thank you." Effective ang pag-ubo niya kasi napabaling ang atensyon ko rito.

Gabi na ngayon pero hindi ako makatulog kaya lumabas muna ako ng kwarto at umakyat sa terrace.

"Ahhh... Wala 'yon, small things you know." Pagbibiro ko para hindi awkward 'yong atmosphere.

"Tsaka sanay lang ako sa ganon kasi sa bahay namin, parang housemate din namin sila sa sobrang dami." Naaalala ko naman 'yong bahay namin sa squatter area dati.

60 Days as Her Wife | JaneNella / DarlentinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon