30

1K 43 2
                                    

Jane's POV

"Apo, gising na! Kakain na tayo!" Sigaw ni lola Berta galing sa aming 1st floor na nagpagising sa akin.

Dito sa Cebu, specifically sa province namin, malimit lang na may ikalawang palapag ang bahay. Nagkaroon lang kami ng ganito kasi pinagawa ni Jea. Naaalala ko na naman tuloy 'yon.

Kamusta ka na kaya, Jea?

"Bell bangon na, baby Jude." Ginising ko na rin ang dalawa na hindi rin naman mahirap gawin kasi mukhang sanay na ang mga ito na maaga talaga dapat bumangon pag nasa probinsya.

"Good morning, Ja!" Yinakap pa ako nitong si Bella. Since ilang araw din kami na magkasama, mas naging close na nga kami.

"Baby, watch your step. Baka ika'y malaglag." Si Jude naman tulala pa pero bumaba rin kami agad.

Kagandahan dito sa lugar namin, pagkakain kami sabay-sabay talaga like andami namin ganon tapos hiwalay rin sa bahay namin 'yong kusina tsaka cr, nasa labas pa talaga.

"Uyy San, kaon na!"

"Day Bell, lingkod diri!"

Unupo naman kami agad sa bakanteng pwesto, alimasag at tinolang isda ang ulam. Thankful na rin talaga ako sa dalawang kasama ko kasi hindi sila mapili sa pagkain.

Sinandukan ko na silang dalawa at nagsimula na rin kaming kumain. Syempre hindi rin nawala ang kwentuhan, sa gulo ba naman ng pamilya ko na halos lahat ay lalaki.

Either hiwalay, patay na ang asawa or binata pa ang mga tito and pinsan ko rito kaya si lola Berta talaga ang muse rito sa'min.

Anyway, it's been three days simula nang pumunta kami dito.

Flashback

After namin mag-usap ni Jea sa bahay, sumakay na rin agad ako ng kotse. Nakita ko pang hinabol niya ang sasakyan namin pero wala na akong pake.

Umiiyak na lang ako sa kotse habang yakap ni Jude at Bella hanggang sa makarating kami sa airport.

Si Ali na ang nagbuhat ng mga gamit namin papasok sa airport.

"Message me kapag you need something, Jane and Bella. I'll contact Brian and Noah naman para malaman anong update kay Maxine. It's good din na magkaroon muna kayo space. Mamimiss ko kayo, gurls. Mag-ingat kayo don." Niyakap na nga namin si Ali na naluluha na.

"Baby, 'wag maging sakit sa ulo ni mama mo ha. Be respectful din kila lola and titos mo don. For now, akong bahala sa mommy mo." May pumatak na nga na luha sa mata nito nang niyakap niya si Jude.

"Thank you, Ali. Ikaw rin ha, pagbalak mo pumunta sa province, sabihan mo ako. Mag-iingat ka." Yinakap ko itong muli bago kami maglakad at tinawag din agad ang flight number namin.

---

"Bella, hindi mo naman kailangang gawin 'to pero salamat talaga." Hawak ko ang kamay niya habang nasa van kami.

Mabilis lang naman ang biyahe ng Manila to Cebu tapos may mga van na agad na nakasalubong para naman makapunta kami sa bario namin.

"Jane, hindi mo kailangan na magkaroon ng utang na loob sa'kin ha. Ginawa ko 'to kasi kailangan mo nang masasandalan ngayon." Ipinatong ko naman ang ulo ko sa balikat niya. Si Jude nasa lap ko kasi at natutulog na rin.

---

"Ayooo? (Tao po) Ayooo? (Tao po)" Gabi na kami nakauwi at hindi ako sure kung bahay pa ba namin 'to kasi anlaki ng pagbabago. Tumaas at gumanda na.

60 Days as Her Wife | JaneNella / DarlentinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon