16

1.1K 62 1
                                    

"Ano ka ba, Jea? Baka makita tayo ng mga kapitbahay tsaka ng anak mo." Mas hinigpitan pa tuloy niya ang pagyakap.

"No, I don't want to. I miss my wife." Nasa balikat ko ang baba niya kaya kita kong nakapikit siya.

"Momm---" Sigaw ni Jude na tatakbo pa sana sa pwesto namin kaso tinakpan ni Brian ang mata nito.

"Nako baby, mamaya mo na lang hug si mommy. Parang may mas namiss siya." Hinila pa nito si Jude papasok ng bahay.

"Kita mo tuloy, nakakahiya Jea. Bitaw na kasi." Humarap na ako rito pero hindi naman niya tinigil ang pagkayap sa'kin.

Bitaw na beh, hindi na nagpa-function ng maayos puso ko.

Shocks, anlapit ng mukha namin.

"Ang cute mo talaga pag kamatis ka." Nangingiti pa nitong sabi bago ako tuluyang iwan sa labas ng bahay.

I just left dumbfounded.

Lufet mo, Jea.

---

"Brian here's a token of appreciation for keeping my wife and son safe." Binigay ni Jea kay Brian ang isang paperbag.

Papauwi na kasi ito. Nag-insist si Jea na ihatid siya kaso ayaw din talaga ni Brian, magta-taxi na lang daw siya.

Nasa labas kami ng gate ngayon. Hawak ni Brian ang ulo ni Jude kasi nakayakap ito sa kaniya, mukhang napalapit na agad ang anak namin sa kaniya.

"Also, can you stay here good? I mean, kung gusto mo lang ha." Luh, anong nasa isip nitong si Jea?

"H-huh? Hi-hindi na Maxine, nakakahiya." Nagkamot pa ito ng batok niya. Tiklop talaga 'to pag si Jea ang kausap.

"Okay, pero if ever na you change your mind, this house is welcome for you. Here's the duplicate key." Binigay pa nito ang susi ng gate at front door.

"Pag may nawala dito sa bahay, ikaw sisishin k---" Tinakpan ni Brian ang bibig ko kaya hindi na ako nakapagsalita.

"Nako Maxine, kung hindi lang ako nagta-trabaho sa station, baka talagang dito na lang ako. Mag-a-apply ako as boy niyo rito HAHAHAHAHA!"

"Siya sge, andito na 'yong taxi. Alis na ako guys, thank you talaga! Sorry pala, nangalahati ata laman ng pantry niyo HAHAHA" Binitawan na ito ni Jude.

Naglakad at kumaway pa ulit siya sa'min bago tuluyang pumasok ng taxi.

"Let's go inside na, I have gifts sa baby kong good boy daw sabi ng mama niya." Tumakbo naman papasok si Jude dahil sa sinabi ni Jea kaya natawa kami dito.

---

"WAAAAH! I have another set of lego, thank you mommy!" Yumakap pa ito kay Jea.

Nasa sofa kami ngayon maliban kay Jude na nasa lapag. Tuwang-tuwa ito sa mga binigay ng mommy niya. Parang hindi naman 'to nagbakasyon, daig pa kasi pumunta ng ibang bansa sa dami ng pasalubong nito.

"Love, here oh. I thought you want another couple shirt."

Hala, the world is getting better na ba talaga? Anyare dito sa masungit na 'to.

"I know it's unusual but a thank you gift, I guess? For understanding me everyday and for making this boy happier than ever." Nasa lap na nito si Jude.

Naging abnormal na naman ang tibok ng puso ko dahil sa act niya.

Bat ka ba ganyan, Jea? >_⁠<

"Mama, are you okay lang po? Don't you like the gift mommy brought po?" Nagbalik naman me sa reality sa sinabi ng anak namin.

Kita ko pa rin na nakangiti si Jea at nakalahad pa rin ang kamay nito na may paperbag.

"Hmmm... I don't like it..." Kita ko namang automatic na nag-pout si Janella at Jude halos magsabay pa sila.

"... kasi I love it! HAHAHA! Thank you, Jea!" Kinuha ko na nga ang paperbag, binuksan at sinukat ko na rin ito.

"Lookin' good, love. Its color suits you well." Anlawak pa ng ngiti nito.

"That's right, mama! You're swag~" Ginaya pa nito si Kim Bok-joo. Lokong bata talaga.

"Anyway, let's eat lunch na. Try din natin 'yong mga delicacies na binili mo." Tumango naman si Jea at nagsimula na nga akong maghain para makakain na kami.

---

"Grabe, ansarap nong daing. 10/10." Ayon na lang napasabi ko nang makaupo ulit sa sofa.

Ako na sana magliligpit ng kainan at maghuhugas ng plato but Jea insist, siya na daw.

"You love it? I'll order more if you want." Rinig kong sabi nito habang nasa kusina siya.

"No na Jea, andami pa non. Tsaka, tumataba na kamo ako. Ayoko na."

"Parang hindi naman, you still have abs kaya." Kinurot pa nito ang tiyan ko. Hindi ko namalayan na tapos na pala siya, umupo na rin ito sa tabi ko.

"Tsaka kahit tumaba ka pa for real, I still want you to be my wife." Pinisil pa nito ang pisngi ko.

"Ikaw kamo ang weird mo. Umuwi ka lang galing outing, you're not beast mode na."

"Kausapin ko nga sila Ali at Noah na ayain ka lagi mag-vacation." Tinapik ko pa ang ilong nito bago kuhanin ang remote at i-on ang tv.

"Let's watch movie, mama!" Saktong lumabas si Jude sa playroom niya na may hawak pang lego at umupo ito sa gitna namin.

Nag-scroll naman kami sa Netflix kasi halos mapanood na namin lahat ng recent movie and we end up watching Love the way you lie.

Okay naman, nakakatawa kaya naaliw kami kaso we never expected na may kissing scene pala dito.

Sabay kami ni Jea na napatakip sa mata ni Jude, hindi naman na nagtanong ang bata bakit.

Nagtinginan naman kami nito and natawa ako nong umakto pa ito na i-ki-kiss rin ako.

"Baliw!" I just mouthed kaya tumawa siya.

---

"Good night na baby! Pahinga na ikaw at bukas, you have all day to play after your class." Yinakap pa nito ang anak niya at hinalikan sa noo.

"Good night, mommy! I love you!" Kumiss ito sa cheeks ng mommy niya bago tumakbo sa kwarto namin.

"Jude kissed me, ikaw ba wala diyan?" Nababaliw na naman ito, lakas ng trip.

"Sige na Jea, pahinga ka na rin, kulang ka lang sa tulog." Naglakad na ako patalikod pero nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko at mabilis akong yinakap.

"Ikaw ha, nakakailang yakap ka na sa'kin." Ayon na lang nasabi ko kasi kinakabahan ako, sana hindi niya rinig tibok ng puso ko.

"It's weird but why do I crave you so much?"

60 Days as Her Wife | JaneNella / DarlentinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon