Jane's POV
"Bakit uuwi na agad mama? I don't want to." Nag-tantrums na nga po ang aming anak dahil pauwi na kami.
Dahil medyo malayo ang Malapascua sa'min, need namin na umuwi agad kasi mahirap kapag inabot kami ng gabi habang nasa dagat.
"Baby, let's go some other time okay?" Si Jake na kinakausap ang anak ko. Sanay na talaga 'to sa mga bata.
Sumama na siya sa'min kasi wala naman daw siyang plano, makiki-family na lang daw siya. Loko talaga HAHAHA!
Nasa bangka na kami ngayon. Magkatabi si Jake at JC. Kami naman nasa harapan nila ni Jude. Then nasa likuran ulit si lola at Bella.
"You promise po tito?" Hay nako anak, cute mo talaga.
"Yes Jude, sama ulit natin sila tita Bell mo tas sila titos." Since nakasama rin nila JC si Bella, hindi naman akward. Actually, inaasar pa nga nila ako dahil sa nangyari kagabi.
"So, anong tunay? May chugs o wala?" Bibig talaga nitong si Jake e.
"Baliw ka Jake, lola oh." Natawa naman si lola sa'min.
"Ayy nako lola, pagalitan mo si Jane. Hindi na bumalik sa kwarto natin, sa iba na pala nag-overnight."
"Ayown, gatong pa Bell."
"Kayo talaga mga apo pero ano nga Jane? Saan ka natulog kagabi?" Namula naman ako dahil sa tanong ni lola.
"Ayy nagsi-sikreto na lola, iba na talaga 'tong si Jane... Aray HAHAHA!" Si JC na kinurot ko sa tagiliran.
"Sa kwarto po ni Janella, la..." Halos sumakit naman ang tenga ko dahil sa tilian nila.
"Pero la, sinamahan ko siya don kasi nakatulog na siya sa shower sa sobrang kalasingan." Tumango naman sila na nakakairita kasi halatang nang-aasar na naman.
"Baby Jude oh, niloloko ako nila titos and tita mo." Tumalikod na ako sa kanila kasi feeling ko namumula na ako pag naaalala kong walang suot si Jea kagabi kasi nga after niya mag-monologue sa shower, natulog na.
Pero pumikit naman ako guys, pinilit ko na 'wag tumingin.
Sila JC, Jake, Bella and lola nagkukwentuhan pa pero kami ng anak ko nanahimik na lang habang nasa biyahe.
---
"Ambilis lang ng biyahe, nakukulangan ako sa chikahan natin." Si Bella na inaalalayan pa nila JC pababa ng bangka.
Kami una nilang inalalayan, gentleman no. Bare minimum pero nakakatuwa na may ganito pang lalaki.
Actually, kanina pa sila ganiyan. Habang nasa bangka pa lang kami, todo alalay na sila. Anlakas din kasi alon kaya good thing na they're here.
"Nako, 'yoko na. Wala lang kasi talaga akong choice na makausap ka eh." Si JC na mukhang comfortable na kay Bella kasi nakakaasaran na niya.
"True, JC. Wala lang din akong choice. Jk! Tuloy natin later ang chikahan." Si Jake na nakababa na rin ng bangka.
Buti at nakauwi agad kami bago pa kumagat ang dilim kasi delikado na kapag ganon.
"Anyway, asan sila Maxine? Nauna ba tayo?" Oo nga, wala kaming nakikita na isa pang bangka.
Sakto naman na may bangkang paparating pero parang hindi ito 'yong bangka nila Jea eh.
"Kuya JC tulong, tumaob 'yong bangka namin kasi ang lakas ng alon." Mangiyak-ngiyak na sabi ni Ding na tumakbo agad papunta sa'min, yumakap ito agad kay lola.
BINABASA MO ANG
60 Days as Her Wife | JaneNella / Darlentina
FanficLove... For Jane, someone who wants to escape the unfortunate life of being poor, this concept is just illusion. "Hindi ako mapapakain ng pag-ibig na 'yan." Paulit-ulit niyang dikta sa isip. Not until Janella came to her life and with that... "You...