Jane's POV
"Love, basketball lang kami nila Brian ha. Nag-aya kasi siya, pumayag na ko kasi minsan lang naman." Na-suspend ang klase ngayon nila Jude dahil may teacher's conference daw.
Sakto naman na nagchat si Brian na laro nga daw since may bagong basketball court siyang alam, hindi naman ako tumanggi kasi miss ko na rin maglaro.
"Sure, love! Just be careful, okay? Sunduin ko kayo later." Kausap ko siya through phonecall. Sobrang busy din kasi nito as usual kaya sabi niya na 'wag na akong pumuntang office.
Ayoko man pero hindi na muna siya magla-lunch para matapos daw siya ng mas maaga.
"Opo, I love you!"
"I love you, baby!"
*Call ended*
"Bestfriend! Buti pumunta ka, pustahan kasi 'to eh." Lumapit agad ito sa'min nong makapasok kami sa court. Malaki nga at may aircon din so medyo refreshing.
"Loko ka, dinamay mo pa ako sa pusta." Hindi niya na ako pinansin kasi nakayakap na siya kay Jude.
"Sus, diamonds sa ml kasi panalo dito bestfriend. Alam kong mayaman ka na kaya ayaw mo na ng ganto pero need ko kasi para makabili ako ng skin." Napailing na lang ako sa sinabi nito.
"Baby, just stay here ha. Watch and cheer mo na lang me and tito Brian. Here's your food sa bag if you're hungry." Tumango naman ang anak ko.
"Bry, bihis lang me. Pabantay saglit kay Jude." Nagpunta agad ako ng cr at sinuot na nga ang dry fit ko.
Paglabas ko ng cr, nakita kong andito na ata 'yong mga makakalaro din namin. 3B3 daw kasi 'to sabi ni Brian. Mga katrabaho niya lang din kaya medyo kinakabahan ako. Feeling ko kasi hindi na ako gaanong marunong pero bahala na nga.
"Mama, I wish mommy is here so she can cheer you din." Nagsusuot na ako ng sapatos ngayon.
"Nako baby pag nandito si mommy mo, baka nag-hire na 'yon ng cheering squad para sa mama mo or babayaran non mga player para panalo na kami." Tumawa naman si Jude sa sinabi niya.
"Puro ka kamo biro, mamaya maniwala na baby ko." Kiniss ko pa ito sa forehead.
"Tara na Bry, pabuhat ha. Kinakalawang na ko."
"Ngayon lang ba, parang dati pa naman Jane."
Nagtatawanan tuloy kami habang papasok ng court.
---
"Gago lugi, ang tangkad nong isa. Di ako makapalag." Natawa naman ako sa isang kakampi namin, napahawak pa tuloy ako sa tiyan ko.
Totoo kasi 'yong sinabi niya, parang effortless lang na magdunk sa ring eh. Anliliit pa naman namin.
"Sabi kasi ni PO2 tayo-tayo lang preee, hindi ko alam na sinama niya pinsan niya. Handa ko na pangtop up mamaya sa ml."
Siraulo talaga 'tong dalawa. Actually, masaya sila kalaro. Parang nagjo-joke time lang kaming tatlo samantalang 'yong kalaban namin mukhang seryoso ata.
Pinasa na sa'kin ni Brian ang bola, kaharap ko dito 'yong babaeng katrabaho din nila.
Konting dribble lang at madali ko itong naiwan dahil mahina ang defense nito.
Pagkalagpas ko sa kaniya, pumesto agad ako sa 3 point arc kaso nakita kong tumalon agad sa harap ko 'yong isa pang kalaban namin kaya nag-step back muna ako bago tumira ng tres.
Bengggg, 3 points!!!
"Nice one bestfriend!"
"Eto wala na munang joketime."
BINABASA MO ANG
60 Days as Her Wife | JaneNella / Darlentina
FanfictionLove... For Jane, someone who wants to escape the unfortunate life of being poor, this concept is just illusion. "Hindi ako mapapakain ng pag-ibig na 'yan." Paulit-ulit niyang dikta sa isip. Not until Janella came to her life and with that... "You...