Jane's POV
Nong isang araw lang ang sweet ni Jea sa'kin pero ngayon, hindi na naman siya namamansin pero may kasalanan din naman ako kahapon.
Flashback
"Hey, love! Where's Jude?" Hindi ko namalayan na nakauwi na pala 'to, kakatapos ko lang din kasi na maglaba.
Konti na lang medyo nasasanay na rin ako sa kaka-love nito.
"Andiyan ka na pala. Nasa kwarto si Jude, natutulog. Nag-lunch ka na?" Lumingon lang ako saglit dito kasi pupunta naman ako sa playroom ni Jude, medyo makalat na naman kasi.
"Nope, let's have lunch together na with Jude. Miss ko agad kayo."
"Anyway, coffee for you. Nasa secret menu daw 'yan sabi ni Noah and I thought na baka gusto mo." Kaya mas nahuhulog ako rito eh, napaka-thoughtful.
"Thank you, kuhaan na ba kita ng damit?" Malimit naman niya akong inuutusan na kumuha ng damit niyang pambahay pero minsan, naghahanda na ko. Ngayon lang hindi kasi ayon nga, naglaba ako.
Nakita kong sumilip ito sa laundry area.
"Ako na, you don't need to do that palagi. It's not part of our agreement naman." Yeah, right. Naalala ko na naman 'yong deal namin.
Fake marriage = heartache.
Geh, okay lang 'yan. Sa huli pa naman 'yong sakit, sulitin ko muna HAHAHA!
Pumasok na rin ito sa playroom. Tinulungan niya na rin ako na ayusin 'yong mga lego at rc cars na nakakalat.
"Maaga pala nagpunta si Manang Cecille? Sayang, antagal ko na siyang hindi nakikita."
"Sinong Manang Cecille?"
"Yong labandera and naglilinis ng bahay weekly. Hindi lang sila nakapunta ng anak niya these consecutive Saturdays kasi maysakit siya."
"May labandera pala? Sorry, hindi ko kasi alam."
"Why you apologized? Nag-hire ka ng ibang labandera?"
"No. Actually, ako 'yong naglaba." Napakamot pa ako sa batok ko.
"Huh? Andami non, Jane!" Sumigaw siya pero dama kong nag-aalala lang 'to.
Kaya nga nagkusa na ako eh, tambak na kasi.
"May sugat ba kamay mo?" Hinawakan pa nito ang kamay ko at tinignan.
"Ano ka ba? Okay lang no! Mas marami naman nilalabhan ko nong magkakasama pa kami ni lola at Ding." Binawi ko rin agad ang kamay ko.
"Tsaka, tinulungan din ako ni Jude. Nag-enjoy nga siya eh." Ngumiti pa ako.
"Ano?! For Pete's sake, ano bang naiisip mo De Leon?! Dinamay mo pa 'yong bata!" Nag-walkout na ito.
End of Flashback
So ayon, hindi niya ako gaanong pinapansin ngayon.
Actually, hindi ko nga alam bakit siya galit eh. Dahil ba naglaba ako or dahil hinayaan kong tumulong si Jude?
Pero ayon, regardless of reason, for the suyo naman ako no.
"Sali ako!" Bigla naman akong lumapit kay Jea at Jude, nasa terrace sila.
Anlakas kasi ng hangin ngayon kaya nagsasaranggola sila.
Nong nakadikit na ako sa kanila, lumayo bigla si Jea.
"Ayyy, allergic na pala sa'kin 'to." Naging hangin naman ang sinabi ko.
"I forgot, I have meeting pala. Let's play again tomorrow baby ha." Gara naman.
Parang nong nakaraan lang sabi niya nagke-crave siya sa'kin, echos siya.
---
"Psssst... Sorry na." Nagkasalubong kami kasi papunta siya sa pantry. Ako naman kakalabas lang ng cr dahil naligo me.
Parang hangin na naman ang sinabi ko kasi miski pagtingin hindi niya ginawa.
Okay, mission failed nth times na.
---
"Jea, baka gusto mo. Made with love." Binigay ko sa kaniya ang cupcake na ginawa ko with matching my beautiful smile, tumingin lang me sa YouTube ng tutorial how to make one.
Nasa office siya, 'yong tinutukoy kong room sa tapat ng kwarto namin ni Jude.
"I'm full already." Seryosong sagot nito na again, hindi manlang tumingin sa'kin.
Ouchie.
"Ahmmm... Mango shake?"
"I don't like Mango." Ngiii, sabi ni Jude fave mo daw 'to.
"May gusto ka bang kainin? I'll order." Pangungulit ko.
"De Leon, I have important stuff to do. Please, leave." Tumingin na ito sa'kin pero seryoso naman, the same emotion during the first time I met her.
"Sorry." Maikling sabi ko at iniwan na siya sa office.
"Baby, ano ba pwede kong gawin? Hindi ako pinapansin ng mommy mo." Kinakain namin ni Jude 'yong cupcake na ginawa ko. Sayang naman kasi.
"I don't know mama 'cause mommy is secretive to most of the things she likes." Ininom pa nito ang mango juice.
Tama si Jude, medyo matagal na kaming magkasama ni Jea pero andami ko lang hindi alam sa kaniya.
Arrggghhh, ano ba pwede kong gawin?
---
"Give her flowers. For sure, tanggal angas non." Tinawagan ko na ngayon si Noah at Ali, syempre bestfriend niya ito.
"Pwede rin na kantahan mo, love niya 'yon."
"Susme, hindi ako sanay sa mga ganyan. Parang hindi ko ata kaya parehas." Truly naman, kahit bisexual ako, hindi ko naranasang manuyo kasi hindi naman ako nagkajowa before.
"If hindi mo magawa 'yong dalawa, pwede namang kiss mo lang 'yon. Patay na patay sa'yo 'yon e HAHAHAHAHA!"
"Loko kayo, sige na, thank you guys!" Hindi ko alam if helpful ba pero sige, try ko 'yong suggestion ni Noah na pa-flower, wala naman akong choice.
---
"Busy ka pa rin ba?" Kumatok ako sa office niya, baka ma-beast mode eh.
"Of course, what would you expect?" Sungit talaga.
"Ahhh... By the way, flowers for you." Pumasok ako sa office niya at mabilis na ibinaba ito sa table niya.
"For peace offering." Nagmamadali rin akong lumabas para hindi ko na marinig if tatanggi pa siya.
Anhirap mo na ngang mahalin, Jea; anhirap mo pang suyuin
.·´¯'(>▂<)´¯'·.
BINABASA MO ANG
60 Days as Her Wife | JaneNella / Darlentina
FanfictionLove... For Jane, someone who wants to escape the unfortunate life of being poor, this concept is just illusion. "Hindi ako mapapakain ng pag-ibig na 'yan." Paulit-ulit niyang dikta sa isip. Not until Janella came to her life and with that... "You...