Jane's POV
"Mommyyyyyy! Nanggugulo po si tito Noah!" Pagsusumbong ng panganay namin kaya natawa lang kaming mag-asawa, nagtago pa ito sa likod ni Jea kaya walang nagawa si Noah.
After the days we spent on Maldives, umuwi na rin kami ng bahay. Sayang nga at hindi na namin naabutan sila tito Quizan, need na kasi talaga nila umuwi sa probinsya.
Sila kuya Jameson naman dito pa rin nag-stay, maging si Lola Berta at Ding kasi Jea decided na dito na sila tumira. At syempre, hindi papatalo ang mga kaibigan namin na ayaw na talagang umalis dito sa bahay.
As usual, family bonding today since kakarating lang namin ng asawa ko. Naliligo sa pool ang mga anak namin pati si Noah at Ding. Kami naman nila Brian, Jake, JC, Ali and Jea naglalaro ng volleyball pati mga kuya niya.
"Tito Ding, stop!" Ang bunso namin na tumatakbo na rin kasi hinahabol ng kapatid ko. Marahil, trip ng mga loko na ihagis sa pool ang mga anak namin.
"Wag mong galingang kumanta, Bella. May pasok na tayo bukas!" Sinolo ba naman kasi ang karaoke pero katabi niya si Dad at lola.
Natatawa na lang kami kasi medyo maingay at magulo ngayon sa bahay pero syempre, balik tingin na rin agad sa laro at masyado kaming competitive lalo na kami ng asawa ko.
Sa unang set, nanalo kami nila kuya Jameson, Jake at Brian na gusto ako laging kakampi. Sa second set naman, sila Jea ang nanalo, kakampi niya si kuya Jerome, JC at Ali.
15 - 17 ang score ngayong third set at kami ang medyo lamang ngayon.
Since hindi naman official na laro, wala kaming specific position kaya okay lang kahit ano.
Nagserve na si Brian na na-receive naman agad ni Ali, sinet naman ito ni JC and spike by kuya Jerome. Mabilis namang ni-receive ni Jake ang bola which set by Brian kaya pumorma na ako at alam kong sa akin papunta ang bola.
Pagpalo ko ng bola, mabilis na pala itong binantayan ni Jea kaya na-blocked niya at hindi na na-save pa ni kuya Jameson.
Pagbagsak namin pareho since sabay kaming tumalon, inirapan niya ako na dahilan para asarin kami ng mga kaibigan namin.
"Wtf! Staredown pa HAHAHA! Ano kayo, Gawong?" Si kuya Jerome na naiiling pa.
"Sorry, love. It's just a game..." Si Jea na nagkibit-balikat pa. Infairness, magaling talaga siya rito. Silang magkakapatid actually kaya nga feeling ko lugi kami kasi si kuya Jameson lang bumubuhat sa team namin.
"Luh... Payag ka non, bestfriend?" Rinig kong sabi ni Brian kaya nag-smirk na lang ako.
"Tsss... Pinagbigyan ko lang guys ayokong matulog sa sala mamaya." Sarcastic na sabi ko na tinawanan nila kuya Jameson pero enough para marinig din ng kabilang team.
16 - 17
Nagserve na si JC na nireceive ko agad at tumango kay kuya Jameson dahilan para i-toss niya ang bola sa kabilang net. Since hindi aware ang kabilang team, bumagsak ang bola sa side nila nang walang kahirap-hirap.
"Bengggg... Ball dropped!" Sigaw ni Jake.
Niyakap pa naming tatlo si kuya dahil sa ginawa niya. Strategy na talaga namin 'yon and mabuti na nagamit namin this time.
16 - 18
Nagserve na ako, nireceive agad ni JC at pinalo agad ni Ali na kinagulat namin pero mabilis naman kaming nakapagreact dito.
Tumakbo ako papunta sa bola at feeling ko, hindi ko na talaga mahahabol through my arms kaya sinave ko ito gamit ang paa ko.
"Saved by Lazaro!" Sigaw ni Brian na ginaya pa ang sports caster. Tinutukoy nito si Denden Lazaro na naging crush din namin pareho dati, libero kasi ito.
BINABASA MO ANG
60 Days as Her Wife | JaneNella / Darlentina
FanficLove... For Jane, someone who wants to escape the unfortunate life of being poor, this concept is just illusion. "Hindi ako mapapakain ng pag-ibig na 'yan." Paulit-ulit niyang dikta sa isip. Not until Janella came to her life and with that... "You...