25

1.1K 53 9
                                    

Jane's POV

"Good afternoon, love! I'm so sorry but I don't have a choice." Bungad ni Jea nang makauwi na galing work.

Nang umaga kasi, wala naman kaming gaanong ginawa. Usual routine lang, pumasok si Jea, si Jude naman hinatid at sinundo ko rin from school.

Paulit-ulit na dynamics but I'll never get tired of.

Pero kasi ngayon, sumabay na rin sila Bella, Ali, Noah at Brian sa pagpasok ni Jea kanina.

"Grabe ka naman sa term mo Max, parang kasalanan naman ginawa namin." Si Ali na sumunod na sa kaniya. Paano kasi pagkauwi nila galing work, dito na sila sa bahay dumiretso. Housemates 'yarn.

Pero okay lang naman, masaya nga na madami eh.

"Kaya nga Max, sinusulit lang naman namin 'yong mga days na never mo kaming pinatuloy dito." Si Noah na dumiretso agad sa kusina.

Sumunod na rin dito si Brian. Magluluto siguro sila since 'yong food na prinepare ko for dinner ay for Jea, me and Jude lang.

"Grabe bestfriend no, mukha kang alalay ni Maxine pag papasok na siya sa work." Natawa naman ang lahat maliban sa'kin, kay Jea at Jude.

"Ang meanie mo kay Jane, mamang pulis." Rebutt ni Bella. I dunno but since our first meet, ang gaan na ng pakiramdam ko rito.

"Wala kamong matinong lumalabas sa bibig mo. Magluto ka na lang kaya diyan!" Naaasar me kasi feeling ko totoo 'yon.

Ang galing talaga manamit ni Jea, magkaiba kami since pantalon at polo shirt na ang go to wear ko kapag may-alis ako.

"You're pogi / pretty naman with your casual attire, love. One of the reasons why I have crush on you." Bulong ni Jea na nagpangiti sa akin.

---

"No reaction challenge na lang tayo!" Suggest ni Bella. Nasa terrace kami ngayon, nagwawalwal kasi ngayon lang din ako pinayagan ni Jea na mag-inom. Si Jude nasa kwarto naman na, natutulog.

"Luh, lugi na kami! Wala pang ginagawa si Jane pero grabe na kiligin 'tong si Maxine eh." Balak kasi nila na ituloy 'yong mga larong naiisip nila, kampi ko si Bry at Ali. Si Noah at Bella naman kampi ni Jea.

Nagtawanan naman kaming lahat dahil sa sinabi ni Noah, binuking pa ang baby ko.

"Ayan ha, crush mo talaga ko no?" Inasar ko pa si Jea kasi magkaharapan kami. Kakatapos lang namin magbeer pong kanina.

Nagmake face naman ang asawa ko na ginaya ko rin.

Why so ganda naman beh kahit wacky.

"Tsaka tangina, ayoko! Magkatapatan kami ni Ali, bandang huli maging magjowa pa kami!" Mas lumakas ang tawanan namin dahil dito.

"Ayyy hindi pa ba? Akala ko mag-on na kayo mga lods." Lupet talaga ng bestfriend ko.

"That's right, you guys actually passed as a couple... Hastag NoLi (#Noli)!" Gatong ni Jea. Parang nasusuka naman ang dalawa dahil dito. Straight kasi 'tong si Ali at Noah pero who knows HAHAHAHA!

Wala ng straight ngayon. Miski buhok ng bebe ko, hindi na eh.

"Please, God, no! Zero percent chance... What if let's play never have I ever na lang? Then, 'yong player na marami pa ring nakataas na kamay after the game ang winner. The rest ay iinom, bottoms up!" Tumango naman ang lahat sa suggestion ni Ali kaya bumilog na kami.

"Basta Max ha, pag 'di ko keri, absent na ko tomorrow. I-a-advance notice ko na." Natawa naman kami kay Bella. Bacardi kasi iniinom namin.

"Own questions naman 'to diba?" Tumango naman ako, nakapabilog na kami para magstart na.

60 Days as Her Wife | JaneNella / DarlentinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon