Jane's POV
Nagising ako na kayakap ang taong pinakamamahal ko. Mas niyakap ko pa ito ng mahigpit kaya naalimpungatan na rin siya.
"Good morning, ang ganda mo talaga." Ako na yumakap kay Jea.
"Good morning, love." Shocks, nakakabaliw naman morning voice nito. Humarap pa ito sa'kin kaya nagtitigan lang kaming dalawa.
"I love y--"
"Mama and mommy, can you stop lambingan po muna." Sumingit pa ang anak namin sa gitna namin.
"Awww... You're not the president of our fansclub na baby?" Si Jea na nagpa-pout pa, kagigil.
"I am still your shipper, mommy; but I am hungry na po."
"Hala, bakit hindi ka sumabay kila titos and tita mo baby?" Inayos ko pa ang buhok nito.
"They're not eating din po mama, we are all waiting po sa inyo." Napabangon naman kami agad dahil sa sinabi ni Jude.
"Bakit ngayon mo lang kami ginising, anak? Tara na." Inalalayan ko pa si Jude at Jea pababa.
Mamaya na kami magliligpit ng pinaghigaan, mas nahihiya kami na naghintay pala sila sa'min.
"Sa wakas, kainan na~" Si Brian na dahilan para magsimula na ngang kumain ang lahat. Halata nga na gutom na talaga sila.
Nakakahiya >.<
---
"Umasa kami sa'yo, Max. May pasabi ka pang you'll make sure na matutulog lang sila, hindi ka na bumaba." Si Brian na kunyaring nagtatampo.
Tapos na kami kumain. 'Yong pinsan ko umalis din kaagad pati si Ding kasi nag-aaral pa sila. Si tito naman mag-aayos ng bangka.
"Sorry guys HAHAHA! It's all my wife's fault. Ayaw na niya kong pababa---"
"Feeling ka na naman diyan, ako pa talaga ha." Pinutol ko agad ang sasabihin niya.
"Anyway, saan ka natulog Bell?" Ako na nakaakbay pa kay Jea.
"Don't worry about me, tabi kami ni Lola at Ding sa baba."
"Daya nga bestfriend eh, pinilit ko kaya si Lola Berta na tabi rin ako para the more, the merrier."
"As if naman papayag si Lola no, wala kaya siyang tiwala sa'yo." Si Bella na sinungitan agad si Brian.
Cute din ng dalawang 'to eh.
"Good morning, guys!" Si Jake na kakarating lang.
"Walang good sa morning namin, ang ingay mo matulog." Si Noah na halata ngang hindi ayos ang tulog kasi medyo tahimik ito. Marahil nasa bahay din ni Ricky natulog si Jake.
"Grabe, ikaw nga panay yakap pero 'di naman ako nagreklamo." Nakakatuwa lang na naging close agad nila si Jake at JC.
Speaking of JC, wala ito ngayon kasi andami niyang aasikasuhin para sa pagpunta niya sa ibang bansa. Kung kelan naging close na namin siya, saka pa siya aalis. Haysssst.
"Ate, punta kaya tayo kila tita Muning." Suggestion ni Ding kaya nagtaka kaming lahat.
"Hoy, bat andito kayo? Diba may pasok?"
"Ate Jane, nakakabored sa school. Pabor naman 'yong sa teacher para walang ingay." Si Caloy na nasa likod ni Ding.
"Kayo talagaaaa, lagot kayo kay lola."
BINABASA MO ANG
60 Days as Her Wife | JaneNella / Darlentina
FanfictionLove... For Jane, someone who wants to escape the unfortunate life of being poor, this concept is just illusion. "Hindi ako mapapakain ng pag-ibig na 'yan." Paulit-ulit niyang dikta sa isip. Not until Janella came to her life and with that... "You...