06

1.3K 68 13
                                    

Hanggang ngayon hindi ko pa rin makalimutan 'yong sinabi ni Jude kanina bago umalis ang mommy niya.

Hay nakooo

Ngayon, nandito lang kami sa gilid ng bahay namin. Feel na feel eh no. Pero ayon, nasa basketball court (half court) kami para maglaro ni Jude.

Kawawa na nga ang batang 'to kanina kaya gusto ko na gawin namin 'yong gusto niya, sabi niya turuan ko daw siyang magbasketball.

"Alam mo baby, kung hindi mo naitatanong, ako ang pinakamagaling na babaeng player sa lugar namin no." Pagmamayabang ko pero no joke 'yon, tanong niyo pa kay Brian.

"Wow, how did you learn basketball po? Tinuruan kayo ng daddy mo?" Bulol bulol na sabi niya. Si Jude kasi medyo englishero talaga but he's trying hard naman to speak Filipino lalo na't hindi rin ako gaanong maalam sa English.

"No, baby. Wala na akong papa eh. Namatay dahil sa aksidente ang papa at mama ko nong bata pa kami ni tito Ding mo." Namiss ko tuloy kapatid ko, hindi pa kasi kami nag-uusap kasi wala naman akong cellphone.

"How sad, lolo and lola pala is already in heaven na. I wish na makita pa naman sila, together with my tito Ding and lola Berta, also your other relatives din po." Grabe talaga 'tong batang 'to. Kung anong kina-red flag ng mommy niya, bawing-bawi niya lahat.

"Pero baby tinuruan ako ng tito ko tapos mga pinsan kong lalaki. Pinapalo pa nga kami dati ni Lola kasi hindi na ako umuuwi ng bahay kakalaro ng basketball sa probinsya." Tumawa naman si Jude sa sinabi ko.

"Mama Jane, bat ang pogi niyo po? HAHAHAHA!" Out of nowhere na sinabi ni Jude.

"Itong batang 'to talaga, parang ganto ba?" Nagpogi pose rin ako at kumindat.

"Omg, it is true nga! Kaya siguro kinikilig si mommy nong nagkwento siya kila tito the night before I left Canada."

"Huh? What you're mommy said ba about me?" Maxine ha, crush mo pala ako.

"You're pretty daw but pogi at the same time, especially pag ngumingiti ka daw po."

Hala, tanggal pala angas ni vebs sa'kin?

Assuming na naman.

Namula naman ako sa sinabi ni Jude, syempre may part na kinilig din kahit indirect compliments 'yon.

"Ayon oh, you look good po mama hihihihi"

"Tara na nga baby, turuan na kita. Niloloko mo lang ako."

---

"Mama, pagod na po ako. Let's eat po muna." After namin mag-basketball, nag-aya si Jude na pumunta kaming mall kaya pumayag naman ako.

Kanina, sa arcade kami tumambay kaya laro to the max na naman. Iba talaga energy ng mga bata, hindi ko na mapantayan kahit nasa 20's pa lang ako (AN: Samedt).

"Wawa naman ang baby. Okay, where do you want?"

"I want samgyupsal mama, puro chicken na po kasi sa bahay eh."

"Your wish is my command, baby. Let's go n--" Bago ko pa matapos ang sasabihin ko, may lalaking natamaan si Jude dahil sumasayaw-sayaw siya. Kahit siya ang nakatama, malaki ang katawan ng lalaki kaya si Jude pa rin ang napatumba.

"Ano ba?! Ang bago-bago ng sapatos ko tapos dudumihan mo lang." Sigaw nito kaya nagtago agad ang bata sa likod ko pagkatayo niya.

Agaw-pansin ang sigaw ng lalaki kaya may nakatingin na ring iba sa'min.

"Ayyy sir pasensya na po, hindi sinasadya ng anak k--"

"Pasensya? Tangina naman. Limited edition 'to oh. Bayaran niyo." Ano daw? Anong pinagsasabi nito, ganon ba talaga mga sapatos ngayon.

"Ayy sir, sobra naman po ata kayo. Humihingi na nga po ako ng tawad kasi hindi naman talaga sinadya ng bat--" PATAPUSIN NIYO MUNA KAYA AKO!!!

"What do you want?" Nagulat kami parehas ni Jude sa pagsulpot ni Maxine. Miski ang lalaking epal ay natulala saglit kay dito.

Miski naman ako matutulala eh, ang ganda kasi talaga nito pero as usual, ang cold ng aura niya.

"Etong mag-nanay kasi na 'to---"

"Hindi ko tinatanong, I said ano bang gusto mo? Magkano?" Patay ka diyan kuya, nanlalamon 'yan.

Naglabas na agad ito ng cheque.

"Kamag-anak ka ba nito? Kasi kung oo, pwede namang ikaw na lang para libre na." Ngumiti pa ito at sobrang nakakadiri lang. Adik ampota.

"Ayyy teka lang kuya, 'yan ang ekis. This girl na gusto mo ay sa'kin po. Magbabalak pang agawin eh, suntok gusto mo?" Hamon ko. Duuuh, anlakas ko kaya. Since laking informal settlements (squatter) kami tapos may bestfriend pa kong loko-loko, batak na ko no.

"Sa'yo ampucha, miss 'wag kang mangarap. Patawa ka masyad--"

"She's right actually, asawa niya 'ko and the kid na sinigawan mo ay anak namin kaya don't ever hurt nor shouted them. Choose one, either bibigyan kita ng pera ngayon kahit halata namang fake 'yang sapatos mo or umalis ka na lang sa harap namin kasi pwede kitang ipapulis." Whoah. Ang cool niya.

Mukhang effective naman kasi dali-dali ring umalis ang lalaki.

"Okay, let's go to samgyupsal na." Wala nang nagsalita sa'min at sumunod na lang sa sinabi ni Maxine.

---

"Thank you po, mommy and mama! You guys are the best!" Sigaw ni Jude habang kumakain na kami.

"Next time, don't be clumsy Jude. Hindi lang kayo ni mama Jane mo ang tao sa mall, be responsible sa actions mo." Ayy grabe, ang bata pa lang ni Jude pero ganon na agad sinasabi nitong isa.

"Alam mo Maxine, okay lang 'yon, he's just a child." Ngumiti naman si Jude sa'kin.

"That kind of reason is hypocrite, he already knows what is right or wrong and what he did kanina is so irresponsible." Cold expression again, as usual naman.

"Huh? Grabe ka naman, ganong scene lang ayan na agad naiisip mo. He's just happy kaya nagaw--"

"Mommy and mama, stop arguing na po. I admit my mistake na po kaya sorry for the both of you. I'll make sure na it won't happen again. Let's eat na po?" Tumango naman kami parehas ni Maxine at nagpatuloy na sa pagkain.

---

"Bagsak. Buti nakapag-dinner muna tayo." Buhat-buhat ko ngayon si Jude. Nakatulog na kasi kahit nong nasa mall pa lang kami para bumili ng gamit niya for tomorrow.

"Just wait for me, ako na magbubuhat sa kaniya. Garahe lang ako." Sabi nito bago pa ako makababa ng kotse.

"It's fine na Maxine, ako ng bahala sa anak mo."

"Anak natin." Pagtatama niya bago ako lumabas ng sasakyan.

Spicy friend chicken 🚩 talaga 'tong si Maxine eh. Minsan sweet, madalas masungit. Hindi ko na alam mararamdaman ko sa araw-araw.

"Basta hintayin mo na ako, sabay na tayong umakyat." Pahabol pa nito kaya sumunod naman ako.

"I miss you, baby." Sabi nito nang makalabas na siya ng kotse at makalapit sa'kin.

"Huh? Magkasama lang tayo kanina ha, paano mo ko mamimi--" Naglalakad na kami papasok ng bahay.

"Ikaw bang baby tinutukoy ko? Still assuming, Ms. De Leon?" Nag-smirk pa talaga ito.

"Ayy sino ba?" Takang tanong ko.

"Tingin mo ba para kanino 'yon? Ikaw na lang mag-decide kung para kay Jude ba o sa'yo." Kumindat pa ito bago tuluyang pumasok ng kwarto niya at magsara ng pinto.

Potaenaaaaaa, andito nga pala anak namin huhuhu natanggal angas ko don, kahiyaaaaaa

60 Days as Her Wife | JaneNella / DarlentinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon