09

1.2K 67 8
                                    

Jane's POV

After nang nangyari sa'min kahapon, medyo naging kalmado na rin ang bata. Back to the old Jude.

Nakakabilib din talaga 'tong bata na 'to. Kahit ganon ang nanay, mahal na mahal niya pa rin. Well, ganon naman ata talaga pag mahal mo, tatanggapin mo kahit nakakasakit na sila (AN: Lalim ng hugot).

Flashback

"Mama, I am very sorry po. Hindi ko sadya na pag-awayin kayo ni Mommy." Pinupunasan pa nito ang mga natitiring luha sa pisngi ko.

Nakaupo kami ngayon sa sofa kasi halos matumba rin ako kanina after umalis ni Maxine.

First time ko lang kasi magalit ng ganon sa buhay ko. Kahit na medyo vocal ako sa emotions ko, hindi ko pinapaabot sa ganong klaseng galit, ngayon lang.

"It's fine, hindi mo kasalanan. Stop saying nga ng mga ganyan." Kiniss ko pa ang forehead nito.

"Mommy, nasayang ko 'yong cake." Turo nito sa cake na nasa lapag.

"Sayang ba? Pwede pa naman natin kainin eh." Masayang sabi ko rito bago puntahan 'yong cake.

"Omg, is it safe pa ba mama? Lagpas na sa 5 seconds rule eh." Nag-aalangan na sabi ni Jude.

Ayyy, 5 seconds rule pala dapat?

"Hindi baby, okay lang 'yan, experience din 'to tsaka para hindi na masayang 'yong cake." Umupo na ako at sinimulan nang kumuha ng piraso ng cake na nasa lapag.

Siyempre sa bahay namin dati, hanggat walang unpleasant smell, pwede pa 'yon no.

Nagstart na rin kumuha si Jude at halata namang excited ito. Syempre bata kaya natutuwa rin siya sa mga ganito.

"Tsaka baby, okay lang 'yan para may bacteria ka rin sa katawan mo HAHAHAHAH!" Tumatango pa ito at tumawa.

End of Flashback

Pero ayon, nong matapos 'yong eksena kagabi hanggang ngayon, walang paramdam si Maxine. Nagtext na rin ako kaso wala pa rin talaga eh.

Bigla namang tumunog ang cellphone ko kaya nagmadali akong pindutin ito at i-open ang messenger.

"Hello, apo?" Iba man ang boses na narinig ko, masaya pa rin.

"Lola, 'wag mo ilagay sa tenga 'yong cellphone. Hindi tayo makikita ni ate." Sabat ni Ding kaya tumawa ako HAHAHAHA

"Ayyy, ganoon ba apo. Akala ko kasi tawag eh."

"Lolaaaaa, kamusta na po?" Todo pa ang kaway ko rito. Napatingin naman sila parehas sa screen.

"Grabe, ate! Gumanda na kutis mo diyan ha." Nakakakita na pala siya? Bakit hindi nagsasabi sa'kin si Maxine. Hindi pa ako nakakapagpasalamat sa kaniya.

"Hala, oo nga, hindi ka na nognog san." Sabat pa ng isa naming pinsan, si Caloy.

"Iba ka na, san! Lamang ka na ng isang paligo sa'min." Isa ko pang pinsan na kaedaran ko rin.

"Hoy kayo, si lola gusto kong kausapin pero andami kong mukha na nakikita." Paano totoo naman kasi. Halos pagkasyahin nila ang mukha nilang lahat sa screen kaya dikit dikit tuloy sila.

"Hay nako, kayong mga bata kayo. Ang papawis pa ninyo tapos nagpakita kayo ng ganiyan sa ate Jane niyo." Saway ni Lola na nahihirapan din kasi siksikan nga sila.

"Hayaan mo na 'yang mga 'yan, la. First time lang niyan makakita ng artista."

"Ikaw talagang bata ka, puro ka kalokohan."

60 Days as Her Wife | JaneNella / DarlentinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon