10

1.4K 61 10
                                    

"Mama!!!" Sigaw ni Jude na tila nakakita ng multo. Yumakap pa ito sa'kin.

Naglakad na papalapit sa amin ang taong wala manlang paramdam for the past three days.

"A-ah. We are very sorry, Maxine. We just want to see our wedding pictures, Jude anak, let's go." Napapa-English ako sa kaba, nagmamadali naman kaming maglakad ni Jude palabas.

"Wait, it's in my cabinet. Seat on the bed." Cold niyang sabi, sumunod naman kami ni Jude.

Kung hindi namin nakita kung paano magalit si Maxine, siguro matatawa kami ngayon. Para kaming hinostage tapos sumusunod lang sa gusto ng suspect. Ganong scene.

"Here." Umupo na rin kaya nasa gitna na namin si Jude. Hawak pa rin ng bata ang kamay ko.

"Your mama Jane is quite late before the ceremony started. I felt like the wedding is off kaya I was really nervous." Naiiling pa ito kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko. Good mood siya now.

"This (pertaining to the picture) when I saw your mama Jane, sobra akong natulala. She was indeed the prettiest woman that night." Ngumiti pa ito at tumingin sa'kin.

Napangiti na rin tuloy ako.

"Ayy nako, if nandoon ka Jude, malalaman mo na hindi totoo 'yon. Tignan mo rito, your mommy's precious smile. Nakakatunaw." Hala, bat nasabi ko 'yong. Sa isip lang dapat eh.

"Ahhh, so nakakatunaw 'yong ngiti ko?" Lumapit pa ang mukha nito sa'kin.

"Mommy, naiipit na po ako." Natawa naman kaming dalawa sa sinabi ni Jude, nasa gitna nga pala siya.

"Ayyy, sorry baby." Tumigil muna ito saglit.

"Not just for now, but for how I treated you even before. Sorry talaga. Sabi mo rati, idol mo ko, but please don't idolize someone like me ha. I am a bad mommy." Lumuhod pa ito sa harap ni Jude, nakayuko habang hawak ang kamay ng bata.

Eto na ba 'yong awakening stage ni Maxine?

Charot! Ang oa pala ng awakening, realization phase ganon.

Sana oo kasi sayang naman, ang bait pa naman ng anak niya, 'wag niya sana antayin na magtanim ito ng sama ng loob.

"Mommy, you're not bad po. You just disciplined me so I can be a matured man." Hinawakan pa nito ang mukha ng mommy niya at dahan-dahan iniangat.

"Tsaka if you're bad po, mommy Jane won't marry you, so hindi ka po ganon. Sorry din mommy if I am always clumsy." Hinalikak nito ang noo ni Maxine.

"Mahal po kita, mahal ka namin ni mama Jane." Dagdag pa nito kaya tumingin sa'kin si Maxine.

"Mahal mo ako?" Tanong nito pero naka-smirk na.

"A-ah, syempre. Paano nga naman tayo ikakasal kung hindi diba?" Second the motion sa sinabi ni Jude. Syempre pag hindi related don 'yong dahilan baka mag-assume 'to, lumaki pa ulo.

"Ri-right." Umiwas na ito ng tingin at ginulo ang buhok ni Jude.

"You're not mad na po, Mommy?" Tumabi na ulit si Maxine sa tabi ni Jude.

"No na baby. I am not mad naman. Pagod lang talaga sa work. Sorry ulit." Humalik naman ito sa noo ng bata.

"You know what mommy and mama, you're both most beautiful po. Look, bagay talaga kayo." Kinikilig na sabi nito kaya napatingin naman kami ni Janella.

Ayon 'yong pictures na nag-speech si Janella kaya anlaki parehas ng ngiti namin.

Sana totoo na lang.

60 Days as Her Wife | JaneNella / DarlentinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon