27

1.1K 49 2
                                    

Jane's POV

"You're so beautiful, mama!" Naka-white dress ako ngayon. (AN: Check the pictures to visualize the dress, I don't know how to explain kasi).

"Shet, ang ganda ng bestfriend ko!" Parang hindi makapaniwala, Brian?

"Totoo, shuta, gandang 'di ko inakala!"

"Indeed a Goddess, Jane."

Parang baliw 'tong tatlong itlog.

"Grabe kayo, parang ngayon lang na-appreciate ganda ko ha. Ang eepal niyo" Pinalo ko pa ng mahina ang balikat ng mga ito.

"Thank you, baby Jude! Be a good boy to your titos ha." Tumango naman ito. Tumingin ako saglit sa paligid kaso wala kong nakikitang Jea.

To give you an idea, monthsary celebration kasi namin ngayon. Although gusto ko sana na simple lang, Jea insist. Dapat daw bongga. Gusto pa nga niya sa ibang bansa at mas hindi ako papayag kapag ganon.

"Jane, let's go! Sabi ni Max sa restau na lang kayo magkita." Si Bella na nasa kotse na.

Ang maiiwan dito sa bahay ay sina Ali, Noah, Brian at Jude. Si Bella na lang maghahatid sa'kin pero babalik din siya kaagad dito sa bahay.

"Grabe gurl, ang ganda mo!" Bungad ni Bella nang makaupo na ako sa passenger seat.

Actually, siya pumili nito since hindi naman talaga ako sanay sa mga ganito.

"Thank you, Bella! Nakakahiya nga eh, hindi ba masagwa?" Medyo nahihiya kasi talaga ako kasi feeling ko may bilbil na talaga ako." Jea kasi ansarap lagi nang niluluto tapos panay bili rin ng pagkain.

"Ayy nako, wala ngang bilbil eh. You look good nga kasi!" Nagsimula na itong magdrive.

Shocks, excited na kooo!

---

"Stop flirting, this girl is already taken." Hinatak naman ako ni Bella papasok nang restau. Nakita ko naman na inaalalayan ng mga security 'yong lalaki na lumapit sa akin kanina.

"Just be thankful that I am in good mood right now or else, my hands is already landed on your face. Shame on you!" Dagdag pa nito. Hindi naman na ako nagsalita pa.

Mukhang naiirita na ito kasi kanina nang inihatid niya ako, may lalaki na lumapit sa'kin. Mukhang foreigner at nakainom siguro kaya ang touchy masyado. Pinipilit niya na i-bo-book niya ako mga vebs =⁠_⁠=

Papasok na sana ako sa restau that time kaso nakaharang kasi 'tong lalaki kaya hindi me makapasok. To be respectful at ayoko nang iskandalo, dinededma ko ito kaso medyo uncomfortable na ako. Buti na lang at to the rescue si Bella, bumalik pala ito.

"Parang nag-downgrade naman 'yong security nitong restau. Given na it's one of the best fine dining, why they let those kind of people to roam around? Tsk." Hindi ko alam kung ako ba ang kinakausap niya or sarili niya.

"Chill lang, Bella... Thank you pala ha." Ngumiti naman ito kaya ngumiti na rin ako.

"Ayan, diretsuhin mo lang 'to then may makikita kang garden where Maxine is waiting for you. Enjoy!" Literal na good mood nga siguro ito kasi ang energetic niya na ulit.

Tumalikod na ito kaya naglakad na rin ako sa kung saan sinabi ni Bella.

Kada hakbang ko, naaaliw ako sa design nitong restaurant. Ang ganda, halatang pangmayaman.

Pero mas maganda 'yong nakikita ko ngayon. I mean, pinakamaganda.

"Finally, you're here!" Masaya itong lumapit sa akin at yumakap. Grabe, ang sexy naman talaga ng asawa ko oh. (AN: Janella's dress is the one she wore during her performance with Jane and Joshua wherein the three of them sang Pasko ng Pinas).

60 Days as Her Wife | JaneNella / DarlentinaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon