Jane's POV
Lumipas ang isang linggo na medyo nagiging ayos na ang pakikitungo ni Maxine sa'min. Well, cold pa rin siya but less na ganon.
Pero kay Jude, talagang anlaki ng development. Atleast diba, para naman talaga sa bata lahat ng 'to.
Natigil ang pag-i-internalize ko ng may tumalsik na tubig sa mukha ko. Actually hindi talsik eh, sa'kin pala talaga nakatutok ang hose.
"Hala ka, Mommy! Lagot ka kay mama Jane HAHAHAHAHA!" Itinaas pa ni Jude ang hintuturo niya.
"Kayo talagang dalawa, fave niyo akong pagtripan ha." Hinabol ko naman sila kaya inikutan naming tatlo ang kotse ni Maxine.
Naglilinis ito ang kotse niya, naki-join naman si Jude sa paglilinis kasi tuwang-tuwa talaga 'yang bata na 'yan pag-usapang tubig.
Magkahawak kamay pa ang dalawa habang hinahabol ko sila ngayon.
May work ngayon si Maxine kaso pinauwi niya na lang lahat ng workload dito sa bahay. Mas nag-e-enjoy daw siya na makasama ang anak niya. (AN: Umasa ka ba na dahil sa'yo? Chz)
Nahawakan ko namang silang dalawa pero nakatalikod sila sa'kin. Kaya ang nangyari is naka-backhug ako kay Maxine, nasa harap naman niya si Jude.
"Huli kayo!" Nagtatawanan kaming tatlo.
Biglang kinuha ni Jude ang host sa kamay ni Maxine at mas hinatak ito. Ang kaso, apak pala naman ito ni Maxine kaya na-out of balance kami.
"Oh my God, De Leon!" Rinig kong sigaw nito pero napapikit na lang ako.
Ambilis ng pangyayari pero dama ko na yinakap ako ni Maxine bago pa man ako bumagsak sa lapag.
"You, okay?" Dumilat ako at sobra akong nahihiya sa posisyon naming dalawa ni Maxine. Nasa top niya ako actually.
Nasa top niya ako?!
Teka, paano nangyari 'yon?
"Hey De Leon, ayos ka lang?" Kita ko na nag-alala ito kaya mas napatitig ako sa kaniya.
Pota, anlapit ng mukha naming dalawa (⁄•⁄-⁄•⁄)
"Jude is here, De Leon. 'Wag ganyan mag-isip." Nag-smirk pa ito kaya dali-dali akong tumayo.
Tumayo na rin ito at nagpagpag ng damit.
"Mama and mommy, are you guys fine?"
"Yes baby, kinilig lang si mama Jane mo."
"A-anong kinilig? Feeling 'to!"
"Tara na nga Jude, maligo na tayo baka magkasakit ka pa." Hinila ko naman si Jude at dumiretso na sa cr.
"Mama, kinilig ka daw po? Hihihihi" Si Jude at tumatalon-talon pa.
"Nako, baby. 'Wag ka maniwala sa mommy mo, nang-aasar lang 'yon."
"Ayyy sayang, parang kinilig din po kasi si Mommy eh. Nag-red din kasi 'yong cheeks niya." Hala, paasa rin 'tong bata 'to, manang-mana sa mommy niya.
---
The next day
"De Leon, wake up." Tinapik pa ako ng syempre, ang pinakamagandang babae sa mata ko.
Iba talaga ang appeal nito, mapa-pambahay man na suotan or office attire.
"The usual, okay? I already cooked your food na, even the dinner. Baka ma-late ako ng uwi." Sabi nito habang nakatalikod na rin sa'kin. Sabi sa inyo eh, mej ganon pa rin, casual treatment.
Pero tumigil ito saglit.
"Anyway, Good morning De Leon. Ingat kayo ni Jude later." Ngumiti pa ito bago tuluyang umalis.
Okay, tao lang nagkakamali.
Binabawi ko na pala sinabi ko, may character development na pala 'yong trato niya sa'kin kaso paiba-iba pa rin talaga.
Ano ba, Maxine? Binabaliw mo ako.
Pumikit na ulit ako at natulog panandalian.
---
"Mama Jane, do you really love my mommy po ba?" Ayy grabe 'tong bata na 'to. Andalas niyang magtanong ng ganyan. Either mahal ba ako ni Maxine or mahal ko ba si Maxine.
Pero ano nga ba, mahal ko ba talaga si Maxine?
Sa totoo lang kasi hindi ko pa rin alam eh. Oo, kinikilig ako sa kaniya. Nagagandahan din ako sa kaniya. Pero all of that ay baka infatuation lang since magkasama nga kami sa iisang bahay.
"Oo naman baby no, sobrang love ko ang mommy mo." Pagsisinungaling ko. Syempre, need namin mapaniwala ni Maxine na mapaniwala si Jude.
"Andyan na pala mga friends mo baby, good luck sa school!" Kumaway muna ako rito bago tuluyang maglakad pauwi ng bahay.
---
"De Leon, hop in." Narinig ko nang maisarado ko ang gate ng bahay. Susunduin ko na kasi si Jude.
Nanggaling ang boses sa kotse na tapat ng bahay namin. Maaraw kaya hindi ko makita pero wala namang ibang tumatawag sa'kin ng apelyido ko bukod sa kaniya.
Meron pala, si Mang Do (chapter 1) pero hindi naman 'yon nag-i-english.
"Hurry up, masakit sa balat 'yong init." Malinaw na ngang si Maxine ito ng fully niyang ibinaba ang salamin ng kotse.
Nagmamadali naman ako na sumakay sa passenger seat at nagsimula na nga niya paandarin ang sasakyan.
"Ang aga mo naman ata umuwi?" Tinignan ko pa siya. Ang ganda lalo nito pag nakasalamin.
"Nope, hindi ako uuwi."
"Ahhh... Saan tayo pupunta?"
Lumapit naman ito sa'kin habang nagda-drive.
"Saan mo ba gusto?" Tanong pa nito habang mas lumapit sa'kin ang mukha niya.
Pumikit na lang ako pero narinig kong may nag-click sa gilid ko.
"Hindi ka kasi naka-seatbelt, you know, safety first. Anyway, I just want Jude to pick up then I'll go back sa office." Napatingin na lang ako sa bintana habang nagda-drive siya.
---
"WAAAAH! You surprise me, mommy!" Tumalon pa ito at yumakap sa binti ni Maxine.
Umupo naman ang mommy niya para maging magka-level sila.
"Awww, you're happy baby?" Ginulo pa nito ang buhok ng anak niya. Tumango naman ang bata.
"Hi, mama Jane! Buhat mo po ako." Kinuha ko naman agad si Jude.
"By the way, let's go na baby. Ihahatid ko lang kayo sa house then babalik na ako sa office. Marami pang gagawin si mommy." Umaarte pa ito na umiiyak habang nagsisimula kaming maglakad.
Napangiti naman ako dahil dito.
Sana ganyan ka lagi sa anak mo, Jea.
---
"Okay baby, ingat sa pagbaba. I'm gonna be late mamaya ha, don't wait for me. Be a good boy sa mama Jane mo. I love you!" Nakalingon ito dahil nasa likod kami parehas ni Jude.
"De Leon, pahinga na agad kayo ni Jude ha. Just text me kapag miss mo na ako." Kumindat pa ito. Unang bumaba si Jude at sumunod na ako pero bago 'yon, lumapit ako ng konti kay Maxine.
"Kakaganyan mo, baka ma-fall na talaga ako." Mahina kong sabi bago tuluyang isara ang kotse at umandar na nga ito.
BINABASA MO ANG
60 Days as Her Wife | JaneNella / Darlentina
FanficLove... For Jane, someone who wants to escape the unfortunate life of being poor, this concept is just illusion. "Hindi ako mapapakain ng pag-ibig na 'yan." Paulit-ulit niyang dikta sa isip. Not until Janella came to her life and with that... "You...