Jane's POV
"What is it again baby, ginamos?" Conyo na sabi nito na mas nagpangiti sa'kin.
Kumakain kami ngayon sa office nila at wala kaming hinahabol na time ngayon for Jude kasi si Brian ang susundo.
Namiss na daw kasi ng bestfriend ko ang bata kaya ipapasyal niya kasama si Bella. That's right, nagkakamabutihan na talaga ang dalawa pero sana seryoso talaga si unggoy. Mabait pa naman si Bella.
"Yes, love. Dati sa probinsya, favourite naming ulam 'yan ni Ding. Kahit araw-arawin pa naming kainin 'yan, hindi nakakasawa." Tumango naman ito.
Buti nga at nagustuhan ni Jea. May mga tao kasi na ayaw sa ginamos at okay lang 'yon kasi we all have preferences naman, no judgment.
"Sila lola pala nagburo niyan love, nalimutan ko sabihin."
"Kaya pala masarap eh. I'll contact lola nga para mangulit na magpadala lagi nito. It's the best kasi!" Nag-okay sign pa ito. Cute talaga.
"Nako, matutuwa 'yon pag nalaman niya na nagustuhan mo 'to." Hinawi ko muna ang buhok niya sa harapan at inipit ito sa tenga niya.
"Ayy love, masarap din 'to na i-pair sa saging na saba... Pang-merienda rin ganon."
"Owww, let's try it another time. For now, want it to be paired with rice." I just nodded at her at nagpatuloy na kami sa pagkain dito sa sofa.
---
"So filing, encoding and billing lang muna gagawin ko love?" Since wala nga kaming hinahabol na oras ni Jea, tinutulugan ko na siya sa mga gagawin niya.
Actually, para sana 'to sa secretary niya but nag-leave ito for a week kaya natambakan na nang gagawin sa office.
Nag-OJT naman ako before and also have experienced in office related jobs kaya may idea na ako sa mga ganito.
"That's right, check carefully baby ha." Busy naman ito sa pagpipirma ng kung anu-ano habang nakafocus sa laptop niya.
"Before I forgot, sign this pala love. These are documents regarding sa naging operations nila Ding and lola Berta. Matagal na 'yan dito sa office but nakakalimutan ko kasi na iuwi sa bahay." Tumango naman ako at pumirma din agad. Binasa ko lang 'yong unang page then binigay ko agad sa kaniya.
After that, nagpatuloy na ako sa ginagawa ko kanina.
---
"Baby, lagay ko na lang 'yong mga papel dito sa gilid ha." Around 5 PM na rin ako natapos.
"Sa wakas, natapos din." Umupo na ako sa sofa at ipinatong pa ang braso ko rito.
"Rest ka muna, love. Wait for me." Pumikit muna ako saglit para makapagpahinga rin ang mata ko.
Maya-maya, naramdaman ko na may nakasandal na sa braso ko. Para tuloy kaming si Primo at George (The House of Us) dahil gayang-gaya namin ang pwesto nila sa iconic scene nila sa sofa.
"Uwi na ba tayo?" Tinanong ko ang aking asawa habang nakapikit ito.
"Is Jude at home na ba?"
"Wala namang chat si Brian kaya baka hindi pa."
"If that's the case, let's stay here muna. I'm tired na din." Tinignan ko naman ito habang nakapikit pa rin siya. Sobrang ganda niya pa rin.
Nababaliw na naman ako sa'yo, Jea.
"Love, can I ask something?" Dahil hindi pa kami uuwi, edi chikahin ko muna ng very light 'to.
BINABASA MO ANG
60 Days as Her Wife | JaneNella / Darlentina
FanfictionLove... For Jane, someone who wants to escape the unfortunate life of being poor, this concept is just illusion. "Hindi ako mapapakain ng pag-ibig na 'yan." Paulit-ulit niyang dikta sa isip. Not until Janella came to her life and with that... "You...