PROLOGUE

471 22 0
                                    

Pumikit ako ng mariin dahil hindi ko kayang makitang umiiyak si Mama. "Kaya ko naman magtrabaho, e. Dito ka na lang, anak, para may kasama kami ng kapatid mo." Niyakap ako nito at nilingon si Easton. Ang aking labing tatlong taong gulang na kapatid ay umiiyak dahil alam niyang aalis ako para magtrabaho.

"Aalis ka na talaga, Ate? 'Wag ka nang umalis, ako na lang magtatrabaho. Magsusumikap ako sa bukid," aniya, lumingon kay Mama at tinanguan naman siya ni Mama. Ngunit umiling ako.

Pinalo ko siya sa braso. "Ano ka ba, magsikap ka sa pag-aaral. Para 'to kay Papa at Easton, Ma. Wag ka nang mag-alala sa akin. Twenty-one na ako," sambit ko kay Mama saka siya niyakap. Hinarap ko naman si Easton.
"At ikaw mag aral ka ng mabuti." giit ko at niyakap siya.

Narinig ko ang paghikbi ni Mama. "Pero ikaw pa rin baby ko, Ate. 'Wag ka nang umalis, nagtatrabaho naman ako, e," mas lalong umiyak si Mama kaya hinigpit ko ang yakap dito.

"Ma, ayokong nahihirapan ka, lalo't wala na si Papa. Wala ka nang kasama magtrabaho sa bukid at bata pa si Ton para magtrabaho," bumitaw ako sa yakap at hinawakan ang pisngi ni Mama.

Hindi ko alam kung saan ang Ama ko. Siyam na taong gulang pa lang ako nang iwan niya kami. May parte sa akin na ayaw siyang bisitahin sa libingan kung saan siya inilibing, pero may parte rin sa akin na gusto siyang maramdaman ang kaniyang presensya.

Suminghap siya at nagpunas ng luha. "Sigurado ka na ba, anak? Sige, susuportahan kita. Basta 'wag mo kalimutan tawagan kami, ha?" Lumiwanag ang mukha ko nang pumayag na ito at tumigil na ito sa pag-iyak.

"Opo, Ma. Sigurado na ako para makatulong na rin ako sa inyo at makabawi," ani ko habang pinahid ang tirang luha ni Mama sa pisngi.

"Payakap nga, Ma." Ngumiti ito at niyakap ako. Nilingon ko si Ton. Hindi ito nakatingin sa amin, nakatingin lang ito sa labas.

"Ton, ayaw mo bang yakapin si Ate?" Lumingon ito sa akin at lumapit. Umalis si Mama sa pagkakayakap sa akin para bigyan ng space si Ton.

"Ate, babalik ka ah? Pag pagod ka na, sabihan mo ako. Magtatrabaho ako at pagbubutihin ko pag-aaral ko," ani nito at niyakap ako na nagpangiti sa akin.

"Sige, pero sa ngayon pagbutihin mo muna pag-aaral mo hangga't hindi napapagod si Ate. Huwag ka rin pasaway kay Mama," ani ko at ginulo ang buhok nito.

Tumango ito at niyakap ulit ako. Nilingon ko si Mama. Nakatingin lang ito sa amin habang nakangiti. Sinenyasan ko ito para sumali sa yakap. Hindi naman ako nabigo at sumali ito sa yakap namin.

"Mag-ingat ka do'n, Ate, ha," ani ni Mama at hinagkan ako sa noo.

"Opo, Ma. Kayo rin, mag-ingat kayo rito," ani ko, at tumango naman ito.

"Tulog na tayo. Anong oras na, maaga ka pa bukas aalis," ani nito, at tumango naman kami ni Ton. Tumayo na kami at nagpaalam na sa isa't isa.

Nang tuluyan na akong nakapasok sa aking silid, humiga ako sa kama ko at tumitig sa kisame. Napapaisip ako kung kakayanin ko ba na wala sina Mama sa tabi ko.

Pero bahala na. Ako muna ang bahala sa pamilya namin habang bata pa si Easton. Pagkatapos kong mag-muni, natulog na ako.

~~~

Alas-5 pa lang ng umaga, gising na ako. Nagluto na ako ng almusal. Hindi pa gising sina Mama dahil maaga pa naman-alas singko pa lang ng umaga. Kaya naligo muna ako. Saktong pagkatapos kong maligo, gising na rin sila.

"Good morning, Ma. Good morning, Easton," ani ko at umupo na.

Nginitian nila ako. "Good morning, Ate Eli," sabay na sambit nila at naupo na. Nagdasal kami at kumain na.

"Pagka dating mo ro'n... update mo agad kami, ha?" ani ni Mama naiiyak na ulit dahil sa mukha nito.

"Ma, naman. Oo naman, pagdating na pagdating ko do'n tatawag agad ako," sabi ko at pinagpatuloy ang pagkain.

"Natawagan ko na rin ang Tiya mo para pagdating mo do'n sa terminal, masundo ka nila at hindi ka maligaw," ani nito. Tumango na lang ako at hindi na nagsalita.

"Ingat ka do'n, anak. Mga bilin ko, wag mo kakalimutan," umiiyak na wika ni Mama at niyakap ako. Kami dalawa lang dahil ayaw daw sumama ni Aeston. Ayaw raw niya akong makitang umalis.

"Opo, Ma. Kung may kailangan kayo, tawagan niyo lang ako," ani ko at niyakap ito.

"Sige na, papaalis na ang bus," tumango ako dito at muli itong niyakap.

"Sige, Ma. Aalis na ako. Wag niyo pababayaan sarili niyo, lalo na si Easton," tumango ito at hinalikan ako sa noo.

Bago ako tuluyang sumakay sa bus, lumingon muna ako kay Mama at kumaway dito. Kumaway ito sakin pabalik. Kita ko pa ang mga luha nito.

Tuluyan na akong sumakay ng bus. Huling lingon ko kay Mama ay may ngiti ito sa labi at kumakaway ito sa akin.

Ito na talaga. Magtatrabaho ako para sa pamilya ko. Bawal sumuko. Ako muna ang sandalan ng pamilya.

Kailangan maging matatag at matapang dahil ako palang ang puwedeng magtaguyod dahil bata pa si Easton. Pero kailangan ko ring maging mahina pag hindi na kaya.

Hindi sa lahat ng oras kailangan maging matatag. Kailangan din maging mahina.

Hiding His DaughterWhere stories live. Discover now