Awkward pa ako sa relasyon namin ni Jaiden, ngunit siya ay parang matagal na kaming in a relationship.
Akmang hahawakan niya ang kamay ko ng umatras ako.
Taka niya akong tinapunan ng tingin. "Why?" bulong niya.
Umiling ako. "Hindi ba ako aawayin ng fangirls mo?" sambit ko. Campus crush siya at mayaman, hamak na baby sitter lang ako ng kapatid niya.
Lumapit siya sa akin at pinaglapat ang palad namin. "I'm here. Whoever bullies you will face consequences," maotoridad niyang saad.
Nalaman kong ang school na ito ay kila Mama Glaiza at may shares din si Ma'am Andrea dito sa university kung saan kami nag-aaral.
Sabay kaming pumasok ng university na magkahawak ang kamay. Napalunok ako sa ginawa nilang tingin. "Are you okay, baby?" tanong niya, nag-aalala ang mga mata. "Parang hindi ka mapakali."
Nag-iinit ang pisngi ko sa tuwing tinatawag niya akong baby o love.
"Ah, eh... medyo kinakabahan lang ako," sagot ko, "baka ma-issue tayo at awayin ako."
Tumigil siya saglit, ang mga mata'y bahagyang nakatitig sa akin. "Don't worry, I don't care about their opinion, as long as they don't harm you, you are good and safe with me. If they said something that hurt you, fight them, don't let them put scars on your body, okay?" seryoso ang tono niya ngunit may bahid ng lambing.
Napakagat ako sa labi ko. Alangan naman na makipag-away ako?
"Ay, may pa-holding hands at hatid!" mapa-asar na sigaw ni Maella ng makita kami. Nginisihan ko siya na agad naman niyang ikinatahimik, mukhang nakuha niya agad ang pag-ngisi ko. Nauna siyang pumasok dahil may kasabay raw siya.
Hindi ko alam kung sino kasabay niya, naka-motor sila kanina. Tanging ako lamang ang nakakaalam.
Tatlo lang ang subject namin ngayon at 40 minutes bawat subject.
"I will leave you here. Will you be okay?" saad niya. Tumango naman ako bilang sagot.
Iniabot niya sa akin ang bag ko at hinalikan ako sa noo.
"Okay na ako. Sige na, baka malate ka pa," saad ko. Tinanguhan niya ako at tumalikod na sa akin.
Pumasok na ako sa room, ang tahimik na mga classmate ko ay biglang nag-ingay.
"Sana all!" sabay-sabay nilang sigaw.
"Uy, ano ba 'yan! Ang ingay niyo!" saway ko sa kanila.
"Eh kasi naman, nakita ka naming kausap mo si Mr. President, eh! Ang sweet niyo, may pa-kiss pa sa noo!" sabi ni Pamela.
"Hala, naku, wala 'yon. Ganon naman talaga kapag magkarelasyon na," pagtanggi ko.
"Sus, nagdadahilan ka pa! Halata naman sa mga mata mo na kinikilig ka!" tukso naman ni Gerald.
"Oo nga! Para kang nakalutang! Ano ba talaga ang nangyari?" dagdag pa ni Janna.
Napakamot na lang ako sa ulo ko. "Ewan ko sa inyo! Basta, mag-aral na nga kayo!"
"Sige na, ikwento mo na lang sa amin mamaya pagkatapos ng klase!" sabi ng mga kaklase ko.
Nanahimik naman sila ng dumating si Sir Christian. Yung professor na ako ang target nung unang pasok ko rito.
Umayos kaming lahat. Mukhang seryoso siya ngayon at wala sa mood. Mabuti naman.
Pinalo niya ng tatlong beses ang lamesa. "Everyone, listen! Today you are going to have a debate about harassment and women wearing scandalous clothes. Girls sa right, and boys sa left. Move faster!" anonsyo niya. Kahit nagtataka man ay ginawa na lang namin.