"Proceed na sa gym!" sigaw nang mayor namin sa room.
Tumayo ako at inayos ang gamit tsaka kinuha ang P.E uniform sa bag at naglakad na palabas nang room kasabay si Maella.
Natigil ako sa paglalakad nang may humila ng bag ko, kunot noo akong tumingin sa likod ko.
"Bakit?" Tanong ko dahil si Jaiden ang na kita ko habang nakasakbit ang bag sa balikat at may dalang tubig at saka mcdo.
Tumitig lang siya sa akin. Kalaunan, tumingin siya kay Maella na mukhang naghihintay ng mangyayari. Bigla na lang siyang tumango at tumalikod ng walang pasabi.
"Maella—Wait!" Hindi ko natuloy ang sasabihin dahil hinawakan ako sa kamay ni Jaiden. Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko. Iniwan na lang niya ako bigla.
"Ah, Bakit?" saad ko. Ito na naman ang dibdib ko, ang bilis na naman ng tibok.
Iniabot niya sa akin ang hawak na paper bag. Tinaasan ko siya nang kilay. Nagtatanong kung bakit.
"For you. I bought McDo earlier, but I bought too much. I didn't know who to give the rest to, then I remembered you. You can share that with Maella," saad niya.
"Ah, thank you?" Parang tangang sabi ko, at ngumiti.
Ngumiti na lang siya at nakapamulsang tinalikuran ako.
Nakita ko si Maella malapit sa hagdan, nakangiti at nakatingin sa akin ng mapang-asar.
"Hayst, buhay nga naman. Hindi mo masasabi kung kailan ka magkakaroon ng boyfriend." aniya. Akmang babatukan ko siya pero tumakbo na siya pababa.
Boyfriend na ba tawag ro'n? Hindi pa naman siya nanliligaw at saka baka kurutin ako sa singit ni Mama kapag nalaman niyang may Boyfriend ako.
"Humanap kayo ng partner niyo, lalaki at babae," sigaw ng professor namin. Agad namang nagsimula nang maghanap ng partner ang mga kaklase ko.
Naka-upo lang ako rito sa bench habang naghihintay ng partner. May lumapit sa akin na lalaki, naka-salamin.
"P-pwedeng ikaw na lang p-partner ko? W-wala pa kasi akong partner," kinakabahang sabi niya. Nginitian ko siya at tinanguhan.Siya si Benjie Bartomole ang pinaka-tahimik sa room kung hindi ako nagkakamali wala siyang ka-close or friend sa room.
Ngumiti ako sa kaniya. "Walang problema, wala rin naman akong partner. Tara?" aya ko, at sinenyasan siyang sumunod sa akin para pumunta sa likod ng pila.
Bale crunches ang gagawin namin. Comportable naman dahil naka-P.E uniform kami at presko naman dito sa gym.
Pumalakpak ng tatlong beses ang professor para makuha ang atensyon namin."Our activity for today is crunches. The twist is, there's one ball. Every time you complete a crunch, you have to pass the ball to your partner," he announced. "The group with the highest score of 50, and the lowest of 30, will be given an extended examination. Who finishes the activity first without cheating will be given an extended examination. Understood?" We all answered, "Yes," at naghanap ng pwesto.
Malaki ang gym kaya hindi mag siksikan.
"Ilalaban ko na 'to. Patay na kayo mga classmate, para sa kapakanan kong namumuhay sa balat ng lupa!" sigaw ni Clarissa, na ikinatawa namin.
"Manahimik ka na lang, Clarissa. Sa hina mong 'yan? Mahalin mo na lang ako, lalakas ka pa," sigaw pabalik ni Erik. Naghiyawan kami dahil sa narinig. Tanging irap lang sagot ni Clarissa.Muling pumalakpak ang professor para matigil kami sa hiyawan. "Kapag 20 pababa ang nagawa, mag-lilinis ng room for 3 weeks," saad pa ng professor. Halos lahat ng kaklase ko ay naka-simangot.
"Wala po bang special treatment para sa babae, Papa Wilson?" pagmamakaawa ni Alisson, class mayor ng room.
"Mukha mo, special treatment! Paano kaming mga lalaki? Unfair 'yon!" pagmamaktol ni Gerald."Keri mo na 'yan, Gerald. Maangas ka, hindi ba?" sagot ni Janna, at tumawa ng malakas.
"Anong maangas?! Nagpapa-baby nga ako kay Erika, diba babes?" saad niya, at nilingon si Erika na nasa tabi niya. Nasa mukha ang pandidiri, at umusod palayo.
"Ulol, men! Hindi tayo talo! Kadiri! Babae gusto ko," nandidiring saad niya, at umastang nasusuka.Tumawa ng malakas ang lahat hindi ako nakapag-pigil kaya pati ako tumawa na rin.
"Enough! Start the activity. Panay kayo kabaliwan. Simulan niyo na, kapag hindi pa kayo nagsimula, may long quiz bukas," pananakot ni Professor Wilson. "Look at the others, nakapagsimula na sila." Agad naman kaming tumigil sa pagtawa dahil totoo ngang nakapagsimula na ang iba at naupo na sa sahig para simulan ang activity.
"K-kaya mo ba?" Benjie asked.
Tinuro ko ang sarili. "Ako? Sus, kaya ko 'yan," pagmamayabang ko. Pinalo ko pa ang dibdib nang dalawang beses. Nagyayabang.Nag-start na kami at sa akin nag-simula.
"10! Pashnea! Hindi ko na kaya, pagod na ako. Prof! Ayaw ko na po pagod na ako, pagod na pagod na ako, ganiyan kayo e, hilig niyo kaming pagorin." reklamo ni Eda at nagpunas ng luha kunwari.
"Hoy! Kung gusto mo maglinis, 'wag mo akong idamay!" sigaw pabalik ni Kenneth, partner niya.
Iisa lang ang subject namin ngayon, kaya nagagawa pa naming magbiruan.
"Si Eda, daming pinag-dadaanan. Mga rebound nga naman," sigaw ni Alonzo, at tumawa habang ipinapasa ang bola sa partner niyang si Janna na tumatawa rin. Halos mabitawan ang bola dahil sa katatawa.Itinuro ni Eda ang sarili at ngumisi. "Ako? Nirebound? Sus, putangina niya! At least naging hatid-sundo ko siya for 10 months. And naka-move on naman na ako mga eight days ago and counting," saad niya, at pabatong binigay kay Kenneth ang bola.
"Ms. Rambuten, mouth!" sita ng professor. Patago naman kaming tumawa.
"34, K-kaya mo pa?" Concern na tanong ni Benjie. Tumango ako. Akmang ipapasa na sa kanya ang bola, natigilan ako dahil nasa likod niya si Jaiden.Nagsalubong ang kilay ko. "A-anong ginagawa mo rito?"
Nagtaka si Benjie sa biglaang pagsalita ko.
"Huh?" Naguguluhang saad niya at lumingon sa likod niya kung saan ako nakatingin.
Umiling lang si Jaiden at ibinaba ang tubig na dala sa tabi ko. Kumuha siya ng pamunas sa bag niya.Inatras ko ang ulo ng akmang pupunasan niya ang noo ko. Pero hindi siya nagpatinag, at hinawakan ang batok ko para mapunasan ang pawis ko.
Kita ko sa peripheral vision ko ang pagbalingan sa akin ni Benjie, at kay Jaiden, at balik ulit sa akin. Tapos, kay Jaiden ulit. Ramdam ko rin na pinagtitinginan na kami.
Bumuntong hininga siya. "Are you tired?" he asked. Mukhang wala siyang pake sa paligid kung pinag titinginan na kami.Umiling ako bilang sagot, at kinuha ang bola na kanina pang inaabot sa akin ni Benjie.
"Sorry to interrupt, uh. Are you two a c-couple?" Benjie asked, at umiwas nang tingin.
Tinignan ako sa mata ni Jaiden, at hinihintay ang sagot ko.
Anong isasagot ko? E, hindi naman siya nanliligaw, at mas lalong hindi ko siya boyfriend."H-hindi" sagot ko.
"H-hindi," sagot ko.
Tumango-tango si Benjie dahil sa sagot ko, ganon din si Jaiden.
"Yeah, she's not my girlfriend... yet," malokong saad niya, at ngumiti kay Benjie na ngayon ay nakayuko.
"Mr. Ceresae! What are you doing here?!" tawag kay Jaiden ng professor. "3rd year isn't allowed here. Hindi rito ang building niyo!" dagdag pa ng professor."Sorry, Mr. Navarro. Naghatid lang po ako ng tubig. I'm leaving na," paumanhin niya sa professor, at lumingon sa akin. Tapos ay kinindatan niya ako.
Naramdaman ko naman ang pag init ng mga pisngi ko.
"I'm planning to court her... so wish me luck," saad niya, at ginulo ang buhok ni Benjie.
Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko. Hindi rin ako makatingin sa paligid dahil alam kong nakatingin sa akin ang mga kaklase ko.
Ano ba naman itong si Jaiden. Lagot na naman ako sa fangirls niya.

YOU ARE READING
Hiding His Daughter
RomanceEliana Xianel Romanova × Jaiden Luke Ceresae The Romanova family lived a quiet life. Their father had passed away, leaving their mother frail and struggling. To help her family, Eliana made the difficult decision to leave the province and move to Ma...