CHAPTER 23

1.2K 16 1
                                        

Matagal akong nakatitig sa salamin ng restroom. Napagpasyahan namin ni Jaiden mag-date pagkatapos sunduin si John sa school.

Huminga ako nang malalim at naghilamos. Wala na si Maella dahil kasama niya ang naghatid sa kaniya nung nakaraan.

May pumasok na kababaihan, sina Alexis. Ngunit hindi ko na lang pinagtuunan ng pansin at nagpunas na lang ng mukha.

Kinuha ko na ang mga gamit ko. Hindi pa man ako nakakahakbang ay pumunta sila sa harap ko upang hindi ako makaraan.

Bumuntong-hininga ako. "Ano na naman?" mataray kong sabi.

Hinead-to-toe ako ni Alexis. "I still wonder how you and Jaiden end up being together," saad niya, bakas sa boses ang pandidiri. "You are not even pretty. He deserves someone who's pretty, in short, he deserves me."

Inirapan ko siya at binigyan ng malamig na tingin. "Deserve ka pala niya bakit hindi kayo ang magkarelasyon ngayon? Geez, pa-awat ka sa pagiging delusional mo," asik ko. Dumaan ang inis sa mata niya.

Hinawakan naman niya ako sa dalawang braso na agad namang nilapitan ni Keziah. "Alexis, tama na, please," pagmamakaawa niya. Ngunit hindi siya pinansin ng babae.

Sinenyasan niya si Kristal na agad namang lumapit sa akin at hinawakan ako sa magkabilaang braso.

Akmang lalapad ang palad niya nang sinipa ko ang puson niya na ikina-tumaba niya kasabay ng pagtulak ko kay Kristal.

"Ikaw! You bitch!" Bago pa man ako masabunutan ni Kristal ay umiwas ako at sinabunutan siya saka siya tinulak.

Gulat na nakatingin sa akin si Keziah.

"Huwag mo a-akong sasaktan... Napilitan lang ako sumama sa kanila," saad niya, paiyak na.

Inilingan ko na lang siya. Inayos ko ang gusot kong uniform. "Sorry!" tawang paumanhin ko at lumabas na sa restroom.

Narinig ko pa ang pagsigaw nila sa pangalan ko.

Ngumingiti ako sa mga nakakaaalubong ko.

"Eliana!" si Jaiden.

Nginitian ko siya ng malapad at hinintay siyang makalapit sa akin. "Tara na?" tumango siya at humawak sa kamay ko. Magkahawak-kamay kaming pumunta sa elementary school.

Nagliwanag ang mukha ni John ng makita kami. "Ate Eli!" masayang sigaw niya habang patakbong lumapit sa amin.

Binitawan ko ang kamay ni Jaiden para salubungin si John.

"Are you excited po?" ngiting sabi ko. Tumango-tango naman siya at nagtatalon.

Ibinigay niya ang bag niya sa kuya niya. "I am super excited because we are going to the mall!" sigaw niya at nagpabuhat sa akin.

Sabay-sabay kaming lumabas. Buhat ko si John habang ang braso ni Jaiden ay nakaakap sa bewang ko.

"I made a lot of new friends today, and they don't call me 'ampon' anymore," bibong kwento niya nang makababa kami sa kotse ng Kuya Jaiden niya.

Tumatango-tango ako. "That's great po. How's your assignment po?" tanong ko at pinunasan ang pawis niya.

"It was perfect po, thank you for helping me last night po!" bibong saad niya. Nginitian ko lang siya.

Matagal si Jaiden kaya hinihintay lang namin siya rito sa harap ng mall.

"Akiel," nag-angat ako ng tingin sa nagsalita.

Isa siyang babae na naka suot ng dress habang may buhat na isa pang bata na kakulay ni John.... At mag kakamukha sila.

Nilingon ko si John nang mag tago siya sa likod ko.

Hiding His DaughterWhere stories live. Discover now