"Mama!" sigaw ko habang nasa labas ng bahay, pero si Easton ang sumalubong sa akin. Nakita ko sa mga mata niya ang gulat, at ang laki niya! Parang ilang taon lang akong nawala.
"Hoy, Easton! Ano'ng tutunganga ka na lang diyan? Hindi mo man lang ba kami tutulungan?" naiinis kong sabi dahil nakikita kong nahihirapan si Sir Jaiden sa pagbubuhat ng mga gamit namin. Ako naman, buhat-buhat si John na tulog sa balikat ko.
Dali-dali siyang lumapit kay Sir Jaiden, pero tumitig muna siya sa akin, parang hindi makapaniwala na nandito ako sa harap niya. Para bang nakakita siya ng multo!
"Mama, si Ate andito! Mama, minumulto tayo! MAMA!!" Tumakbo siya papasok sa bahay. Napakagat ako ng labi para pigilan ang tawa, at si Sir Jaiden din, halatang pinipigilan niya ang pagtawa.
"Ano ba'ng pinagsasabi mo? Anong multo? Anong Ate mo?" sunod-sunod na tanong ni Mama. "Sandali! Ang ingay mo!"
Huminga siya nang malalim. "Ma! Si Ate andito! Ma, minumulto ba tayo? May kasama siyang lalaki, pati si John andito, buhat niya!" sunod-sunod niyang sabi. Nasa kusina sila. Napailing na lang ako at inilapag si John sa sofa.
Halos mabingi ako sa sobrang ingay niya, kakasabi lang na nandito ako.
"Sinong John? 'Yung alaga ng Ate mo? Aba, teka, sisilipin ko kung ano-ano ang pinagsasabi mo diyan." Rinig kong sabi ni Mama. Narinig ko rin ang mga kalabog.
Nakita kong nagmamadaling tumakbo papalapit sa akin, pero tumigil siya nang makita akong nakaupo sa sofa, nakangiti. Katabi ko naman si Sir Jaiden.
"Eliana anak, anak! Ikaw ba 'yan?" gulat na sabi niya. Tumango ako. Nang makita kong tatakbo ulit siya, tumayo ako para salubungin ang yakap niya. Nang tuluyan na siyang makalapit, tumalon siya at niyakap ako nang mahigpit, kaya pareho kaming napaupo sa sofa.
Napa-igik ako dahil naipit ang tiyan ko. "Mama, naiipit ako, ang bigat mo!" Biro ko habang mahina siyang tinutulak. Agad naman siyang tumayo. Napakagat ako ng labi nang punasan niya ang luha niya.
Napalingon ako kay John nang gumalaw siya. Uusod sana ako palapit sa kanya nang unahan ako ng kuya niya. Nilingon ko si Sir Jaiden, pero tinanguan niya ako. Nakuha ko naman ang ibig niyang sabihin kaya nilingon ko si Mama na umiiyak na. Tumayo ako at lumapit sa kanya.
"Ma, bakit ka umiiyak?" tanong ko habang pinupunasan ang luha niya. Napaaray ako nang kurutin niya ako sa singit. Bwesit, nandito si Sir Jaiden! "Mama naman!"
"Bwesit ka! Hindi ka nagsasabi na uuwi ka!" sabi niya, sabay palo sa braso ko.
"Ma, kung sinabi ko, hindi na 'yon surprise. Kaya, surprise!" sagot ko, sabay taas ng dalawang braso at malapad na ngiti. Narinig kong tumawa si Easton, kaya binalingan ko siya.
Sinenyasan ko siya na lumapit, at agad naman siyang lumapit.
Bago pa man ako makapagsalita, niyakap na niya ako.
"Nagulat ako sa'yo! Bigla-bigla ka na lang lumitaw sa gate, may kasama ka pang lalaki. Boyfriend mo ba?" bulong niya. Tinawanan ko lang siya, at nakisama na rin si Mama sa pagtawa.
Nginiwihan ko siya. "Grabe naman sa may kasamang lalaki! Siya ang boss ko." Sabi ko nang bumitaw sa yakap. Lumapit ako kay Sir Jaiden para ipakilala siya.
Napansin siguro ni Sir Jaiden na papalapit ako sa kanya, kaya tumayo siya.
"Ma, si Sir Jaiden, anak ng boss ko," pakilala ko. Si Sir Jaiden naman ay parang hindi alam ang gagawin. Inilahad ni Mama ang kamay niya kay Sir Jaiden. Lumingon siya sa akin, at hinalikan ang kamay ni Mama.
Taka akong tinignan ni Mama. Napakagat ako ng labi. Parang sinasabi niya, "Ano ang gagawin ko?" Kaya kinuha ko ang kamay ni Easton at nagmano. Mukhang nakuha naman niya, kaya nagmano rin siya.