"Good morning, Ate Eli" masiglang bati sa akin ni John at pinugpog ako nang halik sa pisngi.
Tinignan ko ang orasan sa wall niya at 5 am pa lang, nag-unat ako at tumayo na at saka tumayo at inayos ang higaan ng bata.
"You woke up early po" sabi ko nginitian niya ako at lumapit sa akin niyakap ako sa batok.
Naramdaman ko ang pag-halik niya sa noo ko.
"Are you okay now po, Ate?" He asked, tumango ako.
"Yes po, Ate Eli is okay na po" saad ko at ginulo ang buhok niya.
"Run to me po when someone made you cry po ha? I will punch them for you" lintaya niya natatawa akong tumango.
It somehow melts my heart knowing that a child knows when you are not okay, sa sobrang innocent nila hindi nila alam ang nangyayari sa mundo.
Binuhat ko siya papunta sa bathroom niya para mag hilamos.
"Good morning, Toya!" Masiglang bati niya sa Kuya Jaiden niya at ngumiti ng malapad.
Ngumiti si Jaiden, "Good morning, how's your sleep? It's still early," his voice was soft as he replied, kinuha niya sa akin ang kapatid at ini-upo sa maliit na upuan.
"Good morning, Eli!" bait sa akin ni Maella habang inaayos ang mga pag-kain.
Ngumiti ako at tumango, "Oo, maayos na salamat sa pag-sama kahapon." tumango lang siya at ipinag-patuloy ang ginagawa.
Hinayaan ko na sila ro'n para tumulong gumawa ng breakfast nila.
"Kamusta ang pakiramdam mo?" tanong sa akin ni Manang Cicelle nang makita akong pumasok sa kusina.
"Maayos naman po, Manang. Pasensya na ho kung hindi ako nakatulong kahapon." paumanhin ko at yumuko.
Tumikhim siya, "Ayos lang, Hija. Kung may problema ka mag-sabi ka ha? Hindi magandang sinasarili ang problema" lintaya niya at nginitian ako nang mag angat ako ng ulo.
Tumango ako, "Opo, salamat po" saad ko at tumalikod para gawin ang dapat kong gawin.
Dahil sa pukos sa gawain hindi ko napansin na may pumasok sa kusina.
"Are you okay now?" tanong ni Sir Jaiden at sumandal sa sink.
Lumingon ako sa kaniya at ibinalik sa pinupunasang mga pinggan.
"Opo, salamat po, Sir. Sa pag-sama sa akin sa hospital" saad ko.
"Did you call Nanay Eliza and Tiya Salome? They are worried" Sambit niya.
Hindi pa, hindi ko pa sila natatawagan, naguguluhan pa ako sa nangyari, sa nalaman ko.
Umiling ako at huminga nang malalim, "Hindi ko alam ang sasabihin ko" saad ko at lumunok.
He sighed, "Tell them the truth... I know I am not in the right place to tell you this," tumigil siya sa pag sasalita at nag-isip kung itutuloy ba ang sasabihin o hindi. "If you will tell them about what happened yesterday they can help you... you will know the answer, and you won't make scenarios in your head."
Napa-isip ako, nakapag-padala na ako sa kanila ng sahod nung nakaraang araw at nakamusta ko sila kahapon nang umaga.
Wala akong maidahilan kung sasabihin kong okay naman ako hindi sila maniniwala.
Mababawasan naman siguro ang pag-iisip ko dahil sa nangyari kahapon?
I cleared my throat, "Paano kapag hindi alam ni Mama na buhay siya?... paano kapag kambal ni Papa iyon? P-paano kapag..." hindi ko matuloy-tuloy ang sasabihin dahil sa panginginig ng labi at pag-bara nang lalamunan.