CHAPTER 13

63 3 1
                                    

Hindi ako makapag-focus sa school dahil sa pang-aasar ng mga classmates ko.

"Kahit ako liligawan ko si Eliana ganiyan ba naman kaganda at talino" sigaw ni Gerald binato naman siya ni Erika.

"Ang tanongin mo muna kung papayagan kang manligaw, boys at the back nga atake mong ugok ka" asik niya at binatukan ang lalaki.

"Asa pa 'tong si gago mag linis ka, isa ka sa maglilinis ng 3 weeks ay pati pala ikaw Erika. Lungkot naman ng 3 weeks mo" tawang sabi ni Janna.

Inirapan ni Erika si Janna at nginitian ako, ngumiti naman ako pabalik.

Itong si Maella naman ay todo asar sa 'kin simula nung pataas pa lang kami ng building ay panay na ang siko niya sakin.

"LiJa, love you team niyo, beh" asar niya sa akin at tumawa ng malakas at saka pinalo si Benjie sa braso na katabi niya sa upuan.

"LiJa?" asim na mukhang sabi ni Jamela, "Badoy, tunog mahilig man chismis ng kapitbahay" sambit niya at tumawa.

Kinurot ko si Maella para patigilin siyang hampasin si Benjie dahil mukhang nasasaktan na siya.

"Nasasaktan mo na si Benjie, 'di lang kita kilala iisipin kong gusto mo siya" Asar ko nag make face naman siya at inirapan ako.

"Sorry, Ben. Masakit ba?" paumanhin niya inilingan naman siya ng binata.

Vacant na namin ang hihintayin na lang namin uwian 3:33 na nang hapon at 5:00 ang uwian pwede naman na kami lumabas pero ewan ko stay lang muna raw kami saglit dito sa room dahil may bisita.

"May bisita raw mayayaman, Romanova raw eh" rinig kong sabi ni Allison taka akong tumingin sa kaniya ganon din si Maella.

"Romanova?" takang tanong ni Maella at tumingin sa akin, "Kamag-anak mo ba 'yon?" dagdag niya pa umiling ako.

"Baka ka-apilyedo ko lang" sagot ko tumango naman siya.

Imposibleng kamag-anak ko mahirap kami, kumbaga nasa taas sila at nasa lupa kami. Nakaka-kain sila ng masasarap na pagkain habang kami kailangan muna pagtra-bahoan ng pahirapan.

Pero masaya naman ako sa buhay namin.

"Eliana?" tawag sa akin ni Janna tinaasan ko siya ng dalawang kilay, "Kamag anak mo ba sila Ms. Romanova?" tanong niya tinignan ko si Maella at binalik ang atensyon sa kaniya.

Pati ang mga kaklase naming nag chichismisan ay tumigil para maki-chismis.

Hinihintay nila ang sagot ko.

"H-hindi, hindi naman ako mayaman at kasambahay lang a-ako" saad ko kumurap-kurap naman si Janna at lumapit sa akin hinawakan ang braso ko at sinuri 'yon.

Hindi siya makapaniwalang tumingin sa 'kin, "We? Ang ganda ng kutis mo at halatang anak mayaman ka. Impossible na kasambahay ka?" saad niya tumango-tango naman ang kaklase namin bilang sang-ayon.

Paano ko ba i-explain sa kanila 'to?

Huminga ako ng malalim umayos naman sila nang upo para makinig, "Naririnig ko na 'yan sa mga kapit-bahay namin na baka hindi raw ako anak ng Mama ko... kasi makinis daw ang balat ko at iba ang mata ko sa magulang ko lalo na sa kapatid ko" pag kwutento ko.

"Hazel eyes ang mga mata mo kung hindi ako nagkakamali" saad ni Jeff.

"Wala ba kayong lahi?" tanong ni Maella ngayo'y nakikichismis na rin, umiling ako bilang sagot.

"Hindi ba halata na kasambahay ako?" tanong ko, umiling silang lahat.

"Girl! Kung pagtatabihin tayo mas magmumukha akong kasambahay" saad ni Janna, "Nung unang pasok mo rito akala namin galing ka sa mayamang pamilya" dagdag niya pa tumango si Allison.

Hiding His DaughterWhere stories live. Discover now