"Behave lang po sa school, baby ha. Bantayan ka ni Ate sa labas," malambing kong wika kay John.
First day of school niya sa day care, kasama ang Mommy, Daddy, at Kuya niya para ma-witness ang first day of school niya.
"Listen to teacher, okay?" paalala ni Ma'am kay John.
Kung kamakailan lang ay homeschooling siya, ngayon ay sa paaralan na siya mismo mag-aaral kung saan kami nag-aaral.
"Yes, Mommy. I will listen to teacher to make you all of you proud," masayang wika niya. Pumalakpak naman ako.
"Hindi pa nagsisimula ang school, we are so proud of you already." walang emosyon ngunit nasa boses ang saya na sabi ni Jaiden sa kapatid.
Nginitihan ko siya nang humarap siya sa akin. "Go na, baby. Pasok ka na," sabi ko. Nasa mukha nito ang saya, ngunit hindi maiwasan ang kaba.
"I cawn do this," rinig kong bulong nito, na ikinangiti ko.
"We will wait you here. Fighting!" masiglang sabi ng Mommy niya, may hand gesture pa.
Kumaway ito sa amin at pumasok na sa room niya.
Dumeretso kami ng waiting area dahil bawal mag hintay sa harap ng room nang mga estudyante.
"Kamusta si Nanay?" tukoy ni Jaiden kay Mama.
"Nakausap ko si Mama kahapon. Kahit papaano, maayos na ang lagay—"
"Can I talk to you, Eli?" tawag sa akin ni Ma'am Andrea habang nag-uusap kami ni Jaiden.
"But Mom, we're still talking," ungot ni Jaiden sa Mommy niya. Umiling na lang ako.
"Mamaya na po, Sir. Kakausapin ko lang ho si Ma'am," magalang kong sambit, at yumuko bilang paggalang. Inirapan naman ako nito sa ginawa ko.
Sinabihan na niya akong huwag siyang tawaging Sir. Ngunit nakakahiya naman na sa harap pa ng Mommy niya tatawagin siyang Jaiden.
"Ano po ang pag-uusapan natin?" panimula ko nang mapadpad kami sa silong ng puno.
Huminga muna ito ng malalim at hinawakan ako sa magkabilang balikat.
"Can I ask you a favor?" malumanay na tanong nito.
Tumango ako. "Oo naman po," ngiting sagot ko. Ngumiti ito ng maliit.
"My husband and I will go to Spain. My Nonna is sick, and I don't trust my relatives to look after my sons," ani nito.
"Ah, tapos po?" takang tanong ko.
"I want you to look after them. I don't know when we'll be home," saad nito. Hindi makapaniwalang tinuro ko ang sarili.
"Ako ho? Bakit ho?" biglang sabi ko, hindi makapaniwala.
"Ayaw mo ba?" malungkot na tanong nito. Paulit-ulit naman akong umiling.
Hindi naman sa ayaw ko. Gusto ko lang malaman kung bakit ako.
Huminga ito ng malalim at hinawakan ang dalawa kong kamay.
"You earned my trust, and you are the one I trust to look after my children. I know there's Pechay and Maella, and also Manang in the house, but I want you to take care of them. You're not difficult to be with, and my children have trust in you already," mahabang paliwanag niya. Hindi ko alam ang dapat na reaksyon dahil sa sinabi nito.
"S-sige po," utal kong wika. Ngumiti ito at niyakap ako.
"Thank you," sambit nito, habang tumutulo ang luha. Napatawa na lang ako.
"Ano pinag-usapan niyo? Why is my mom crying?" bungad sa akin ni Jaiden, takang nakatingin sa Mommy nito na nagpupunas ng luha. "Inaway mo Mommy ko?"
Nagsalubong kilay ko. "Anong inaway? Kapag inaway ko Mommy mo mawawalan ako ng trabaho." sabi ko. "Chismoso," dagdag na giit ko, at umirap. Mahina naman nitong tinapik-tapik ang braso ko.
"What is it nga? Tell me the chika," anas nito at ngumuso. Mukha siyang pato. Balak ko pa siyang pagtripan, pero baka hindi na ako pansinin nitong lalaking 'to.
"Aalis sila. Pupunta sila ng Spain. May sakit daw ang Lola niyo," sabi ko. Umayos naman ito ng upo. Nagtaka ako nang nakangiti itong humarap sa akin.
"That's good," masiglang sabi niya. Mas lalong kumunot ang noo ko.
"Huh? hindi ka man lang malungkot?" tanong ko nag bago naman ang expression nito.
"O-of course, I am sad because aalis na sila at they're going to leave us" mabilis na napalitan ng lungkot ang expresyon nito nginiwian ko lang ito.
~~~
"Ma, kamusta kayo jan malakas pa ba ang bagyo?" nag aalalang tanong ko dahil balita ko may bagyo sa Zambales.
"Hindi naman na, anak. Pero high tide lagi. Sina Aling Beth nag-evacuate na sa Upang. Naabot na kasi ng baha ang bahay nila," tugon nito na mas ikinabahala ko.
"E ang bahay? Hindi ba nalubog—"
"Ate Eli?" Hindi ko natapos ang sasabihin dahil sa narinig kong iyak na sigaw ni John.
Taranta kong ibinaba ang cellphone at patakbong lumapit sa kaniya. Ramdam ko ang pagsunod ng pamilya nito sa akin.
Lumuhod ako upang magpantay kami. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi nito.
"Anong nangyari? Bakit umiiyak ang baby ko?" pag-alo ko. Tumabi naman ako nang lumuhod ang Mommy niya.
"Why is my baby crying?" nag-aalalang wika nito, at sinuri ang bata. Ako naman ay nilapitan ang teacher na kararating lang.
"Ahm, Ma'am, magandang araw po. Bakit po umiyak ang alaga ko? May umaway po ba sa kaniya?" tanong ko.
Bumuntong-hininga naman ito.
"I'm sorry if this happened, po. His classmate called him ampon because of his color. Then he punched his classmate, and they started fighting. But I've already called the child's parents. Don't worry, po. I'm sorry again that this happened," paliwanag nito. Kita ko ang maalat na mukha ni Jaiden.
"Don't worry? My son is being bullied in this goddamn school by his classmates who's in his age. That's racism! I want to talk to his parents," galit na sabi ng Daddy ni John. Agad namang tumango ang teacher ni John.
"You said that one of his classmates called him 'ampón' because of his skin color. I know he punched the boy, but John is a sensitive child, and that word... it really hurt him."
Ramdam ko ang sakit sa boses ni Ma'am Andrea habang binabanggit ang mga salitang iyon.
"Opo, I will call my students' parents immediately. Excuse me po," ani nito. Pagkatapos magpaalam, umalis na ito. Sinundan lang namin ito ng tingin.
Binabaan namin ng tingin si John nang marinig ang hikbi nito.
"Am I bad, Mommy? Because I punched my classmate?" hikbi nito.
Hindi pa man nakakasagot ang Mommy niya, sumagot na ang Kuya nito.
Inayos niya ang buhok ng nakakabatang kapatid. "You did the right job, Kuya is proud of you. I will teach you how to fight when we get home—Ouch! Mom. That hurts," hindi natapos ng Kuya ni John ang sasabihin nang bigla siyang paluhin ng Mommy niya.
"Hey, Hon. Your son is right. We will teach John how to fight—ouch!" gatong ng Daddy niya, pero pinalo lang siya. Ako naman ay pilit pinigil ang sarili na matawa.
Tinakpan ko ang bibig nang hindi ko na mapigilan ang tumawa.
"Why are you laughing?" natigil ako sa pagtawa nang mapansing nakatingin sa akin si Sir Jaiden.
Pasimple akong tumingin kila Ma'am Andrea. Gusto ko na lang magpalamon sa lupa nang makitang nakatingin sila sa akin.
"Ako po? Nako, hindi po ako tumatawa," tanggi ko, kahit nakita naman nila. Ngumiti ako ng pilit.
"Halika na, baby. Stop crying na. You are not bad. Sila ang bad. Aawayin sila ni Ate for you," parang tangang kinakausap ko ang bata. Yumuko naman ako kila Ma'am Andrea bilang paggalang at dali-daling umalis dahil sa kahihiyan.
Around 6 PM, naka-uwi kami dahil kinausap pa ang bata at ang mga magulang nito.
YOU ARE READING
Hiding His Daughter
RomanceEliana Xianel Romanova × Jaiden Luke Ceresae The Romanova family lived a quiet life. Their father had passed away, leaving their mother frail and struggling. To help her family, Eliana made the difficult decision to leave the province and move to Ma...
