Sa isang linggo kong pag-aalaga kay John ay mas naging makulit na siya. Hindi na siya yung parang una na ang tahimik lang.
"Ate, I want to pway po," bulol nitong sabi. Ngumiti naman ako sa kaniya at tumango.
"Sige baby, anong laro po?" Tanong ko.
"Hide and seek po!" excited na sabi nito at nagtatatalon pa na nagpatawa sa akin.
"Sure, who is the monster?" Tanong ko kahit alam kong ako ang taya.
"Ate Ena will be the mownster, John will hide," sambit nito at nagtatatalon dahil sa tuwa at excitement. Natatawa akong lumapit dito at ginulo ang buhok nito.
"Sige, magco-count si Ate ng one to ten. Dapat naka-hide ka na," tumango ito at dali-daling tumakbo. Napailing na lang ako.
"One...Two...Three...Four..." bilang ko. Ng matapos magbilang ay nag-hanap na ako.
"Andrie, where are you?" ani ko. Naglilibot ako sa sala pero wala ito. Kaya nagtungo ako sa taas.
"Andrie, baby, asan ka na?" Napangiti na lang ako ng may nakita akong anino malapit sa terrace. Kaya nagtungo ako doon.
"Wahh— Tangina!" Gulat ko. Pero ako ang nagulat dahil hindi si Andrie ang nakita ko kundi si Sir Jaiden. Mabilis ko ring tinakpan ang bunganga ko dahil sa pagmumura.
"The hell?! What the hell are you doing?" Inis na wika nito kaya napakamot ako ng batok. "Stop saying bad words, John might hear you."
Nag peace sign ako. "Sorry po, Sir. Akala ko po kasi kayo si Andrie. Naglalaro po kasi kami. Pasensya ho," kamot-ulo kong saad. Tumango siya. Nahihiya na tuloy ako. Nag-peace sign lang ako.
"Kung hinahanap mo si John, nasa kwarto ko siya. Hindi ko alam bakit doon niya naisipang magtago," sabi niya. Tumango na lang ako at nag-peace sign ulit.
"Sige, Sir. Salamat. Babye, hihi," wika ko at nagtungo sa kwarto ni Sir Jaiden.
Nang mapagod kami sa paglalaro ay pinakain ko na siya at pinatulog. Sakto namang tumawag si Mama. Ganito routine ko, tuwing tulog or may tutor si John ay tumatawag ako kay Mama or 'di kaya tumutulong ako sa mga gawaing bahay kahit hindi dapat.
"Hindi ka ba napapagod, Eli?" Tanong sa akin ni Maella.
"Saan?" Sagot ko.
"Sa pagtatrabaho," sambit niya at alanganin akong nginitian. "Kailangan ko kumayod para sa pamilya ko. May sakit kasi si Mama," ani ko.
Napabilog ang bibig ni Maella at tumango-tango. "Kahit ako kailangan ko magtrabaho. Wala na kasi ang magulang ko. Ako na lang kumakayod para sa mga kapatid ko," sambit nito. Napabuntong-hininga ako. Parang ang bata pa niya para magtrabaho."Ilang taon ka na ba? At ilang taon ka na rin nagtatrabaho rito?" Curious kong tanong at tinigil ang pagpupunas ng lamesa. Siya naman ay tumigil din.
"Fifteen ako no'n nung nagsimula ako magtrabaho rito. No'ng una hindi ako pinapayagan kasi menor de edad pa ako, pero nagmakaawa ako. Sa awa ng Diyos, tinanggap ako. Masasabi ko ring sobrang bait ni Ma'am Andrea," sambit niya, may ngiti sa labi.
"Ikaw, bakit ka napadpad dito sa Maynila? Ano sakit ng nanay mo? At ilan kayo magkakapatid?" Siya naman ang nagtanong.
"May cancer si Mama kaya kahit ayaw ko siyang iwan ay kailangan para sa pagpapagaling niya dalawa lang kaming mag kapatid pero kadalasan sinasabihan akong ampon ng kapit bahay dahil ako lang daw naiiba kesyo morena daw sila Mama ako hindi" mahabang paliwanag ko.
"May cancer si Mama kaya kahit ayaw ko siyang iwan, kailangan para sa pagpapagaling niya. Dalawa lang kaming magkakapatid, pero kadalasan sinasabihan akong ampon ng kapitbahay dahil ako lang daw ang naiiba. Kesyo morena daw sila Mama, ako hindi," mahabang paliwanag ko.