"Saan po tayo pupunta?" tanong ni Jaiden. Inimbita ko silang maglakad-lakad dahil marami ang ibinigay sa akin na pera ni Ma'am Andrea.
"Pupunta tayo sa Capones Island. Magbe-beach tayo!" sabi ni Mama, at pumalakpak na parang bata. Ang Capones Island ang beach na napili kong pasyalan dahil matagal na rin noong huling beses na nag-beach kami.
Kasama namin ang mga kumare at pinsan ni Mama, at ang tatlo kong kaibigan.
"Tara na, mag-aalas nueve na," aya ni Mama. Si John naman ay hawak ni Easton. Ako naman ay tinawag ang iba naming kasama. Si Jaiden ay tinulungan si Mama magbuhat. Habang wala pa si Easton, kinuha ko ang coke dahil wala naman si John sa malamang ay naglalaro sila ni Easton. Pero kinuha ito sa akin ni Jaiden.
"Ako na, mag-focus ka na lang kay John," ani niya at kinuha ang plastic na hawak ko. Nagkibit-balikat na lang ako. "Baka ma-hurt siya, pati si Easton, lagi silang tumatakbo-takbo. They are sobrang kulit."
"Eliiiii!" Rinig kong mahabang sigaw ni Kakang, isa sa mga kaibigan ko. Kasama niya sina Denzel at Alias. Tumakbo palapit sa akin si Kakang at niyakap ako. Niyakap ko rin siya pabalik.
"Kamusta na kayo? Namiss ko kayo!" masayang sabi ko. Tapos niyakap ko si Denzel, at sunod si Alias. Niyakap din ako pabalik ni Alias.
Sinimangutan niya ako. "Ikaw, ha! Umalis ka ng walang paalam. Kamusta ka na? Balita ko nagtatrabaho ka na," sabi ni Kakang.
"Oo, nakalimutan ko. Ngayon lang ako nakauwi," sagot ko. Nawala ang ngiti niya nang mapansin ang batang hawak ko.
"May anak ka na?" Gulat na tanong sa akin ni Kakang. Napatitig din sa akin ang dalawa kong kaibigan na lalaki. "May asawa pa."
"Ano?! Hindi ah! Grabe ka naman sa akin. Anak ito ng boss ko," sagot ko. Binuhat ko si John na inosenteng nakatingin sa mga kaibigan ko. Ipapakilala ko pa lang sana ang alaga ko nang marinig ko ang boses ni Jaiden.
Mukha ba akong nanganak na? At asawa?
"Eli, Nanay is looking for you—Hi!" Si Jaiden, kumaway pa siya sa mga kaibigan ko. Ang dalawang lalaki ay tumango lang. Si Kakang naman ay nakatulala lang kay Jaiden.
"Let's go," aya niya sa akin. Tumango ako.
"Tara na!" aya ko sa mga kaibigan ko. Ngumiti naman si Denzel at lumapit sa akin para umakbay.
"Tara na, namiss kita, ah! Madami kang ikukuwento sa akin," sabi niya, at maarteng hinawi ang imaginary hair sa kanilang dalawa ni Alias. Siya ang nadapa nung bata pa lang. Nagsimula na kaming maglakad. Kinurot ko si Kikang dahil titig na titig siya kay Jaiden.
Makatitig 'to kulang na lang sungabin niya si Jaiden.
"Tara na, Jaiden," aya ko nang mapansin kong nakatitig siya kay Denzel.
"Maayong umaga, Tita Eliza!" bati nilang tatlo kay Mama. Tumango lang si Mama.
Ano kaya ang meron sa titig niya? Ayaw niya kaya sa mga beki?
"Boyfriend mo? Pernes ang gwapo!" bulong sa akin ni Denzel. Kanina pa ako ginugulo ng mga kaibigan ko, kesyo boyfriend ko raw si Jaiden.
Kanina pa nila inaakalang boyfriend ko si Jaiden kahit mga kumare ni Mama tinatanong kong boyfriend ko ba siya.
"Paulit-ulit, anak nga ng amo ko, pati si John!" iritang sagot ko.
"Wala ka bang gusto kay Jaiden?" seryosong tanong ni Alias. Kaya napatingin kaming lahat sa kanya. Doon ako natigil. Sa tuwing lalapit siya sa akin, o lalapit ako sa kanya, bumibilis ang tibok ng puso ko.
"Hindi ko alam. Sa tuwing lalapit siya sa akin, bumibilis ang tibok ng puso ko. Kaya sa susunod, magpapa-check up ako. Baka atakihin ako sa puso, dis oras," katuwiran ko. "Mamaya may sakit na pala ako." Nakakuha naman ako ng batok galing kay Kikang.

YOU ARE READING
Hiding His Daughter
RomanceEliana Xianel Romanova × Jaiden Luke Ceresae The Romanova family lived a quiet life. Their father had passed away, leaving their mother frail and struggling. To help her family, Eliana made the difficult decision to leave the province and move to Ma...