Another day, another pagod na naman.
Isang linggo na ang nakalipas mula nang makausap ko ang tunay kong mga magulang. Kabaliktaran naman sila Mama Eliza.
Nag-aalala na ako dahil baka nangyari na sa kanila roon. Kahit si Tita Salome hindi ko ma-contact.
"Wala ka bang ibang matatawagan?" Tanong sa akin ni Maella. Umiling ako.
Hindi pala cellphone si Easton. Wala rin naman ako number nung kapitbahay namin.
"Nag-aalala na ako sakanila," sabi ko at naupo saglit, "Baka napapano na sila ro'n." Dagdag ko pa.
Tumigil sa pagluluto si Maella. "Ayan ka na naman sa negative thoughts mo. Baka na busy lang sila."
Napahinga na lang ako ng malalim dahil sa prustasyon.
"Hindi naman sa nag-iisip ako nang kung ano, hindi ko lang talaga maiwasan mag-isip ng mali," sabi ko. Totoo naman, hindi naman ako mag-iisip nang ganito kung tinatawagan nila ako.
Tuwing alas nuebe nang gabi tumatawag sila sa akin. Ngayon wala.
Bumuntong hininga ako. "Si Easton hindi ko matawagan. Pati si Tiya Salome," sambit ko.
Nangibabaw sa akin ang pangamba na baka may nangyari na sa kanila doon na hindi ko alam.
Napaangat ako ng tingin kay Maella. "Nagpahinga ka na. Baka busy sila, bukas baka tumawag na sila," sambit niya.
Tumango na lang ako at nagpaalam sa kaniya na pupunta na ako sa maids room.
"You look pale today," hindi ako natuloy sa pagpasok ng marinig ko ang boses ni Jaiden. "What's wrong? Are you okay?" he asked.
Umiling ako. Ayaw na ayaw kong tinatanong ako nang ganyan kung okay ba ako dahil naiiyak na lang ako bigla.
Suminghap ako at pumikit-pikit. Pinipigilan ang sarili maiyak. "Sila Mama kasi... Hindi pa ako tinatawagan. Nag-aalala na ako," sambit ko.
He tilted his head. "What? Why? All I know is they are calling you when it's 9 pm, right?" Tumango ako. "Then why aren't they calling you?" Umiling ako. Hindi rin masagot dahil hindi ko alam kung bakit din hindi pa nila ako tinatawagan.
Yumuko ako kasabay ng pagtulo ng luha ko. "Hindi ko na alam. Nag-aalala na ako... Kanina ko pa sila sinusubukan tawagan..." huminga ako nang malalim. "Hindi nila sinasagot ang tawag ko. Paano kung... Paano kung may nangyari na sa kanila?" Hikbi ko.
Inilagay niya ang dalawang kamay sa pisngi ko. "Hey, maybe they are busy. Don't cry... We will call them later, okay?" Sambit niya gamit ang malambing na boses.
Ngumiti siya ng tipid. "Pero kung hindi pa rin sila sumasagot mamaya, tatawag tayo ulit. Okay?"
Tumango ako, bagaman hindi pa rin nawawala ang kaba sa dibdib ko. Pero kahit papaano, nagbigay ng kaunting ginhawa ang kaniyang mga sinabi.
~~~
"Ate Eli?" Nagbaba ako ng tingin kay John nang tawagin niya ako.
Nginitian ko siya ng tipid. "Bakit po?" saad ko at itinigil ang pag-aayos ng kama niya.
Lumapit siya sa akin at niyakap ako. "I noticed this past few days you are sad po... What's the problem po?"

YOU ARE READING
Hiding His Daughter
RomanceEliana Xianel Romanova × Jaiden Luke Ceresae The Romanova family lived a quiet life. Their father had passed away, leaving their mother frail and struggling. To help her family, Eliana made the difficult decision to leave the province and move to Ma...